Chapter 15

44 10 0
                                    


Chapter 15: Performance 2

Yuna's Point of View

Pumwesto ako sa isang tabi at hinayaan ang lahat na maging maingay habang inaayos ko ang electric guitar na hawak ko.

Okay so our last performance is kantahan. Gitarista lang naman ako. In another term, pagtugtog lang nitong hawak ko ang magiging ambag ko. Si Avril lang ang kakanta sa amin habang si Lui naman ay nasa kabilang tabi at may hawak na semi-acoustic guitar. Tapos hindi ko na kilala 'yung dalawa pa na may hawak na iba pang mga instrumento dito na kasama namin.

"Everybody lend your ears! This song is for all of you!" Sigaw ni Avril at agad namang sumigaw ang mga tao.

Sa intro, ako muna ang nauna. Pinatunog ko ang hawak kong electric guitar and after a few seconds, sinabayan na ako ng drummer.

"Here we are! Let's have some fun and jump our feet! The memories tonight will last long forever so don't let yourself go down, down and down on your feast!"

This is a rock song kaya una palang, malakas na agad ang boses ni Avril kaya pati itong mga nanonood ay kanya-kanyang talon na para bang nagpaparty sa party house.

Eto ako, tamang strum lang habang nakangiti at nakatingin sa paligid. Paminsan-minsan akong tumitigil tapos tumutuloy ulit as part of the music.

"Fake smiles! We don't do that here so start nodding yes while feet off the ground and being shameless through the night without any doubt---C'MON EVERYBODY! SHOUT TILL YOUR LUNGS GET RIPPED APART WHOOO!"

Bahagya akong natawa kay Avril dahil sa pagiging hyper niya. Lalo tuloy naging maingay ang lahat.

Nagpatuloy ang lahat hanggang sa tanging instrumental lang ang kailangan kaya puro tunog ng instruments namin ang naririnig.

"Hurricane! Won't break us apart we're getting dizzy on alcohol but not from the strong winds yeah!"

Kinuha na nito ang mic sa stand at mas lalong naging hyper. Parang hindi s'ya napapagod kakasigaw habang kumakanta at tumatalon pa. Pwedeng-pwede na s'yang maging professional rakista dahil bagay din naman sa kanyang boses.

Nang matapos na, yumuko si Avril tapos nagrock sign pa sa mga manonood. Ibang klase talaga itong babaeng ito.

"WHOOOOOO!" The loud voices from the crowd almost broke my eardrums.

"What a high level energy Avril! Mukang iba ka yata ngayon kumpara noong mga nakaraang taon ah?" Umakyat na ang host habang panay papuri sa amin lalo na kay Avril. "Wala ba kayong mga kamay?!"

Tiningnan ko ang mga daliri ko sa kaliwang kamay. Okay pa naman hindi pa masakit. Muli nanaman akong hahawak ng gitara mamaya. It's okay. Ako ang gitarista sa banda namin kaya sanay na ang mga daliri ko sa pangmatagalang performance.

"Let us now proceed with our awarding--but wait. Before we mention the winner, tawagin muna natin ang ating birthday boy para kantahan tayo."

Napatingin ako sa host tapos kay Auxcel.

So that means...

Tinawag si Auxcel sa unahan pero muka itong walang balak pumunta. Parang walang naririnig.

"Oh there you are! Come here on stage. Gusto naming lahat na marinig ang boses mo. Lalo na ng mga babae dito."

Nagtilian ang mga babae pero itong si Auxcel, ayaw pa rin kaya naman nagdesisyon na akong bumaba ng stage at kinuha ang gitara sa isang tabi then tumakbo ako palapit sa kanya.

"Auxcel. Pumunta ka na doon hinihintay ka nila. Pagbigyan mo na."

Suplado ang mukang tumingin ito sa akin. "Ayoko."

Tale of Coast (Season 1) Where stories live. Discover now