Chapter 36

59 9 0
                                    

Chapter 36: Bad news

Yuna's Point of View

"What?! Are you freaking serious?!" Hindi ko mapigilang hindi mapataas ng boses sa gulat matapos ng sinabi ni Chloe sa kabilang linya.

"[Yes. I'm deadly serious. Sinabi na ito ni Sir Jazz sa amin at ako na ang nagpresinta na sabihin sa 'yo. Kailangan nating umattend ng awarding. Meron tayong isang buwan na practice kaya kinakailangan mo nang bumalik sa Manila. Pati ako babalik na.]"

"I see..." Napakamot ako ng ulo.

Ayoko pang umalis pero wala akong magagawa. Hindi ako pwedeng hindi umattend dahil lang sa ayaw ko.

"[Pwede ka namang bumalik ulit d'yan pagkatapos.]"

Tumango ako. "Sabagay...wala rin naman akong magagawa kundi ang umuwi."

"[Sabihin mo na kay Auxcel ang tungkol dito dahil hindi ka na pwedeng magtagal pa d'yan ng isang linggo.]"

Nakakaiyak huhu. Kahit pwede pa naman akong bumalik, ayoko pa ring umalis. Mamimiss ko silang lahat dito.

"Okay. I will."

Pabagsak akong umupo sa kama at napahilamos ng muka. Malapit na akong magtatlong buwan dito tapos saka naman naging ganito. Gusto ko pang madagdagan ng kahit isa pang buwan ang bakasyon ko pero ano namang magagawa ko? Baka kapag hindi ako pumayag ay sila na mismo ang pumunta sa akin at sunduin ako.

"It's okay Yuna. Babalik ka rin naman. Babalik ka okay?" Pinagaan ko ang loob ko at bumuntong hininga. "Aaaaahhh ayoko pang umuwi."

Ngunit napahiga ako sa kama at pinangtakip ang unan sa muka ko. Sana lang talaga bumagal ang oras.

Lumabas ako ng hotel para pumunta kila Auxcel at ibalita ang masamang balita tungkol sa pag-alis ko sakto namang dumaan si Lui kaya tinawag ko s'ya.

"Lui!"

Humarap naman ito at ngumiti. "Hi Yuna. Good morning." Kumaway s'ya.

"Pasaan ka?"

"Pauwi na sana."

Tumakbo ako palapit sa kanya. "Pasabay na ako. Pupunta ako kina Auxcel."

"Huh? Ang alam ko umalis s'ya kasama ni Ash kanina. Hindi n'ya ba nasabi sa 'yo?"

"Eh?"

Kinuha ko ang cellphone sa bulsa para tingnan kung nagmessage s'ya. At doon ko nakita ang missed call n'ya kanina na hindi ko nasagot dahil kausap ko si Chloe. Nakita ko rin ang message n'ya na aalis lang daw s'ya saglit at babalik agad. Pinaalalahanan pa akong mag-ingat.

Nag type ako ng reply.

To: Sungit

'Okay. Ingat din kayo. I'll wait for you.'

Tinago ko na ulit ang cellphone sa bulsa.

"Tara sa music house nalang ako maghihintay."

"Okay. Tara."

Dahil madadaanan naman namin iyon, nagpasabay na ako sa kanya. Nang makarating ay nagpaalam na kami sa isa't isa bago ako pumasok sa tahimik na music house. Dati naman ay may mga pumapasok dito na ibang tao para magpractice ng tugtog pero ngayon wala na.

Napansin ko ang isang gitara na nakasandal sa isang tabi kaya lumapit ako dito at kinuha. Ito 'yung gitara na ginamit ko noong unang pasok ko dito at sa event. Simula noon, ito na ang naging paborito kong gitara. Kung pwede lang sanang angkinin nalang kaso hindi.

Umupo ako sa upuan na nasa harapan ng piano at pinatong ang gitara sa lap ko. Nakapagsayaw na ako nung isang araw kaya kakanta naman ako ngayon.

Hmm...ano kaya ang pwedeng kantahin?

Tale of Coast (Season 1) Where stories live. Discover now