Chapter 2

34 9 0
                                    

Chapter 2: Breakfast

Yuna's Point of View

Nakaupo ako sa stool sa harap ng kitchen island habang kumakain ng tinapay na nasunog dahil hindi ko agad nakuha sa toaster. Halos magkulay itim na lahat pero yai na masarap pa rin naman.

"Hi Yuna."

Tumingin lang ako kay Syme na dumating habang ngumunguya. Umupo siya sa tabi ko. Wala s'yang hawak na tasa ngayon. Wala eh ubos na ang kape n'ya hindi pa ako nakakabili.

"What's your plan for our upcoming vacation?"

Nagkibit-balikat ako. "Ewan. Bahala na."

"Hindi ka uuwi sa inyo?"

"Uuwi pero hindi ako doon magbabakasyon."

"I see."

"Ikaw ba?" Ako naman ang nagtanong.

"Bahala na din."

"Wala ka bang pasok?"

Yep! May pasok s'ya hindi lang pagiging myembro ng Rhyteam ang pinagkakaabalahan niya. Hindi lang s'ya kundi maging si Chloe. Syme is studying to be a mechanical engineer while Chloe is to be an architect. Oh mga multitasking sila hindi ba? Buti nalang graduated na ako.

"Wala. Free ako sa loob ng ilang araw."

Binigyan ko s'ya ng tinapay na sunog na may strawberry jam sa ibabaw dahil mas gusto niya iyon kesa sa butter. Hindi naman s'ya nagreklamo at kinuha lang tsaka kinain.

"Luh may nagsosolo." Mula sa likuran namin, sumulpot si Bryan.

Solo? Dalawa kami dito.

"Bro. Saan mo balak magbakasyon? Sama ako." Si Syme.

Pumunta ito sa tabi ko sa kabila pero hindi umupo. "Sa France. Oh bakit naman sunog ang kinakain nyo?"

"Wala. Nasunog ko sayang naman kung hindi kakainin." Sagot ko.

"Pasama."

"Go. Nag-aya rin ako sa iba pero puro iba ang balak nilang puntahan buti naisipan mong sumama. Ikaw Yuna? Sasama ka ba?"

Umiling ako. "Ayoko. Kakapunta ko lang d'yan last year."

"Noong last year pa naman 'yun. Sige na sumama ka na." Pamimilit ni Syme.

"Ayoko. Kayo nalang dalawa ang mag bonding. Mag-iisip nalang ako ng ibang pupuntahan. Tsaka balak kong mag solo kung magbabakasyon man ako."

"Ngi. Sayang naman." Nanghihinayang na wika ni Bryan.

Saan kaya makapunta? Never ko pang nasubukan gumala mag-isa. Try ko kaya?

Iniwan ko na silang dalawa doon. Nagtungo ako sa living room sakto namang kakababa lang ni Jasmine.

"Oh, Hi there. Nasaan sina Bryan?"

"Nasa kusina."

"Ah, okay. Nakapagpaalam na ako sa iba sa inyo nalang hindi. Balak kong umalis mamaya uuwi ako sa bahay. Wala naman akong upcoming drama so, perfect vacation ito for me."

I slightly nodded my head. "Ganoon ba? Kailan ang balik mo?"

"Hmm... I don't know. Bahala na."

"Okay. Mag-iingat ka."

"Sige-sige. Magpapaalam lang ako sa dalawa ah?"

Ngumiti lang ako at tumango bago s'ya umalis para puntahan ang dalawa sa kusina.

Napabuntong hininga ako. Buti pa sila may mga plano na sa bakasyon samantalang ako wala pang maisip. Umuwi nalang din kaya ako sa amin?

Pabagsak akong umupo sa couch at isinandal ang ulo tsaka pumikit.

Tale of Coast (Season 1) Where stories live. Discover now