Chapter 19

48 9 0
                                    

Chapter 19: Sister

Yuna's Point of View

Unti-unti kong minulat ang mga mata ko. Napagtanto ko na nasa isa akong silid. Madilim ang silid kung nasaan ako pero hindi naman sobra dahil ng ilaw na nanggagaling sa lampshade. Iginalaw ko ang ulo ko nang makitang parang may kasama ako. At tama nga ako. May isang tao ang nakaupo sa gilid ng kama kung saan ako nakahiga. Nakaub-ob ito at mukang natutulog. Kahit hindi ko kita ang kanyang muka, alam ko na agad kung sino siya.

Inangat ko ang kanang kamay ko at hinawakan s'ya pero sa simpleng hawak na iyon, agad siyang gumalaw hanggang sa tumunghay na at tumingin sa akin. Halata namang nagulat s'ya nang makitang gising na ako.

"Yueina?" Tumayo siya at lumapit sa akin then hinawakan ang aking muka. "Kumusta ka? May masakit ba sa'yo? Nagugutom ka ba?" I saw the concern in his face.

Nakangiti akong umiling. "Ayos na ako. Salamat."

Totoong okay na ako. Kung s'ya man ang gumamot sa akin, sobra akong nagpapasalamat sa kanya. Tsaka sa kaibigan n'ya na nagdala sa akin dito.

"Saglit lang. Ikukuha kita ng tubig." He was about to leave but I immediately grabbed his arm to stop him.

"Auxcel." Banggit ko sa kanyang pangalan. "May itatanong lang ako sa 'yo."

Hindi siya umimik at hinintay lang ang itatanong ko. Gusto ko na talagang malinawan kaya ngayon ko na itatanong.

"Did I...kiss you?"

Natigilan siya at hindi sumagot.

"Please. Tell me the truth. Sa iyo lang ako maniniwala."

Being quiet like this means it's true but still, gusto kong marinig iyon mismo sa kanya.

Yumuko muna siya saglit bago tumingin sa akin. "Yes. You did."

So tama nga? Bakit ganito? May kakaiba nanaman akong nararamdaman. Natatanga na ako sari-sari na ang mga nararamdaman ko na hindi normal.

"I'm sorry." Tanging nasabi ko.

"It's okay. Huwag mo nang isipin ang tungkol doon."

"Why? Why didn't you tell me about this?"

Lumapit s'ya sa akin at umupo sa tabi ko. "Kailangan ko ba talagang sabihin kung bakit?"

"Oo."

He took a deep breath first. "I'm afraid."

Agad na kumunot ang noo ko.

Afraid?

"Natatakot ako na baka kapag nalaman mo ang ginawa mo, maiilang ka at iiwasan ako. I'm sorry, I didn't mean to hide it from you. Pero kung sakali mang alam mo ang nangyari, pupunta ka pa rin ba dito para ituloy ang surpresa nyo ni Ash?"

Hindi naman ako galit sa kanya sa pagtatago n'ya ng totoo. Kaya ngayong nalaman ko na may rason pala s'ya, mas gumaan ang pakiramdam ko.

"Kung sakali mang may naaalala ako, susurpresahin pa rin kita dahil iyon ang plinano ko kasama si Ash. I won't let the kiss ruin the relationship we have now kaya hindi ako maiilang sa 'yo." Pumikit ako at ngumiti. "Ikaw ang dapat mailang dahil wala naman akong maalala. Nalaman ko lang 'yung totoo."

"Yueina." Muli kong minulat ang mga mata ko at tumingin sa kanya nang tawagin n'ya ang pangalan ko. "Ano bang meron sa 'yo para magbago ako ng ganito?"

"Hmm?" Itinaas ko ang kilay ko dahil hindi ko naintindihan ang sinabi n'ya ngunit umiling siya at ngumiti.

"Wala. Sige na kukuha lang ako ng maiinom mo. Kumain ka na rin dahil ang tagal mong natulog." Lumapit s'ya at hinawakan ang buhok ko. "Wait for me here."

Tale of Coast (Season 1) Where stories live. Discover now