Chapter 8

35 10 0
                                    

Chapter 8: Band

Yuna's Point of View

Nakahalumbaba lang ako dito sa railing ng balcony dahil tinatamad akong bumaba. Gusto kong puntahan ang mga parte na hindi ko pa napupuntahan pero dinadalaw ako ng katamaran.

"Hay... Mangapit bahay nalang kaya ako?"

Tumingin ako sa may bandang swimming pool pero saktong tingin ko, saktong nakita ko s'ya pero hindi n'ya ako kita. Nakatayo lang ito mag-isa pero maya-maya pa, may isang babae ang biglang lumapit sa kanya tapos niyakap s'ya. Yumakap din ito pabalik.

"Akala ko ba hindi s'ya interesado sa babae?"

Hindi ako pwedeng magkamali. Si Auxcel 'yon. Hindi ko lang makita ang muka nung babae kasi nakatalikod sa akin.

Is that his girlfriend?

Pinanood ko sila hanggang sa tumakbo na ulit paalis ang babae ngunit hindi ko inaasahang aangat ang tingin n'ya sa akin. Ayoko namang mag-assume kung sa akin nga ba talaga s'ya nakatingin kaya sumulyap-sulyap ako sa magkabila ko dahil baka may iba pang taong nakadungaw sa labas pero wala. Kumaway nalang ako kahit hindi sure kung sa akin siya nakatingin ngunit inalis lang niya ang tingin at umalis na.

"Mas bagay sa 'yo ang Grumpy-ing pangalan. Tss."

Pumasok na ulit ako sa loob. Nawala ang ganda ng mood ko sa nakita ko.

So here I am now. Nangangapit bahay. Nasa bahay ako ni Bianca kasama ang iba. Nakikikain din ako. Kasalukuyan akong kumakain ng banana cue habang may hawak na maliit na plato na pinaglagyan niyon. Nasa living room kami habang kasama silang nanonood ng movie sa malaking tv.

Ang sarap nitong kinakain ko kulang pa sa akin kaso nakakahiya naman kapag humingi pa ako.

"Ano 'yang rhythm?"

Napaangat ang tingin ko sa screen dahil sa narinig kong tanong ni Mylze.

O___O

Fucking shit. Nakita ko lang naman ang thumbnail ng isa naming MV. Agad akong nataranta.

"That's nothing. Nood tayong horror hehe."

Jusko. Yai nang mapahiya huwag lang nilang mapanood iyon dahil makikita nila ako.

Noong una, napansin ko agad na hindi nila ako kilala samantalang sikat na sikat ang grupo namin maging ako pero inisip ko nalang na hindi naman porque sikat eh kilala na ng lahat. Okay na akong hindi nila ako kilala at isipin na normal lang akong tao. Normal naman talaga. I mean 'yung hindi sikat.

Natatawa namang inalis iyon ni Bianca. "Sige. Anong horror? Ikaw ang mag suggest."

"Hindi. Joke lang baka hindi nyo magustuhan."

"Ano ka ba? Kahit ano papanoodin namin." Sambit pa ni Mylze kaya napakamot ako ng ulo.

"Sige sabi nyo 'yan ah? Sadako tayo."

"Okay!"

At talagang sinunod nga nila ako ah? Nakakahiya baka mamaya hindi nila magustuhan. Baka hindi ko rin magustuhan kasi hindi ko naman ginusto mag suggest. Kailangan ko lang talaga silang iiwas doon sa nakita nilang MV. Mabuti na nga lang at malayo kami sa thumbnail at pito kami kaya hindi nila ako nakita o namukaan.

"Aaah!"

Napasigaw sila sa jumpscare samantalang ako ay napaigtad lang dahil sa kanila ako nagulat. Isa pa naman itong si Ash kalalaking tao ang lakas sumigaw katabi ko pa naman.

"Uy. Oo nga pala. May event next week. Dito lang naman sa golden coast gaganapin. Punta ka ah?"

Tumingin ako kay Bianca at ngumiti. "Oo naman."

Tale of Coast (Season 1) Where stories live. Discover now