Chapter 33

52 9 0
                                    

Chapter 33: Them

Yuna's Point of View

"Whooo! Go Tiffany!" Sigaw ni Mylze.

Nagsisigawan silang lahat habang nagmomodel si Tiffany. Paano kasi, naisipan nila na magmodel daw kaming mga babae dito eh syempre mapilit sila, wala akong magagawa kundi makisali. Dito lang naman namin binalak na magmodel sa tabi ng dagat hindi na kami lumayo pa.

Tiffany modeled first. She's wearing a bikini but she's wearing shorts so you can't see the bottom of her swimsuit. In fairness ang ganda ng lakad niya para talaga siyang model. Nag flying kiss pa siya at umikot habang kami ay pumapalakpak at tumatawa with cheer.

Tapos ang sumunod naman ay si Trisha. Hindi s'ya sanay magsuot ng swimsuit kaya nakat-shirt lang ito at shorts. Pero bumawi naman s'ya sa pagmomodel. Hindi naman ito maalam kaya natatawa kami dahil para s'yang zombie na may pagkabarako lumakad.

"Hahaha! Ang galing mo Trisha!" Sigaw sa kanya ni Tiffany habang tumatawa.

Ang mga lalaki ay sa buhangin sa unahan namin nakaupo habang nanonood sa amin tapos umuupo naman doon ang mga tapos na magmodel sa amin. Kaming mga hindi pa tapos ay sa gilid nakatayo. Mamaya pa naman ako. Ako ang pangalawa sa huli tapos si Mylze ang huli kasi s'ya ang may birthday.

Matapos ni Trisha ay sumunod na si Avril. Marunong naman s'yang magmodel kaso pagdating sa dulo, pinaikot niya ang ulo kaya natawa kami. Ayos na sana eh dumali lang s'ya ng papaganon. Ang suot n'ya ay tank top na crop top at shorts. Umikot muna siya ng isa at nagpose bago pumunta sa unahan at umupo dahil tapos na.

Ang sumunod sa kanya ay si Bianca. Her clothes are not showy because she is wearing a rash guard while holding a donut-shaped salbabida. Ang model n'ya ay hindi n'ya inaayos dahil hindi daw s'ya marunong. Natatawa nalang kami dahil nagmumuka s'yang model ng salbabida.

"Ang cute mo Bianca!" Si Tiffany.

Amp. Ako na nga pala ang sunod. 'Di bale. Kahit hindi ako marunong eh makikisaya nalang ako sa kanila.

Nagbow pa si Bianca bago pumunta sa unahan pero hindi s'ya umupo kaya ako naman ang naglakad sa unahan dahil ako na ang sunod.

"Ayan na si Yuna na!" Sigaw ni Avril.

"Saglit lang. Wala ba kayong tissue d'yan? Baka duguin ang ilong ni AJ!" Sigaw naman ni Ash na ikinatawa ng lahat maging ako.

"Auxcel kumalma ka ha? Huwag kang hihimatayin." Biro din ni Mylze kaya si Auxcel ay napailing nalang sa kanila.

Hmm...lakas ng loob mong ipakita sa akin 'yang abs mo kanina ah? Ngayon, it's my turn. Sisiguraduhin kong hindi ka makakatulog mamayang gabi.

Bago ako nagsimulang maglakad ay kinalas ko muna ang aking kimono at saka tuluyang inalis. Agad namang naghiyawan ang mga kaibigan ko matapos makita ang kaseksihan ko--de biro lang.

Hinagis ko nalang iyon basta sa kaliwang bahagi ko dahil dagat 'yung nasa kabila baka mabasa.

"Auxcel ang bibig mo baka pasukan ng langaw." Pakinig kong asar ni Ash sa kaibigan.

Napatingin ako sa kanya na ngayon ay nakaawang nga ang bibig at halatang gulat sa nakikita n'yang babae sa unahan and that's me. I only smirked. Mukang gumagana na ang plano ko.

Nagsimula akong maglakad. Hindi talaga ako marunong magmodel. Nakikisakay lang talaga ako sa kanila kaya hindi ko alam kung tama ang ginagawa ko.

"Ang sexy mo Yuna! Nababaliko ako sa 'yo!" Pakinig kong sigaw ni Arvil.

Tale of Coast (Season 1) Where stories live. Discover now