A Sad Note

2.4K 43 66
                                    

Hello po!


Gusto ko lang po sana ipaalam sa inyo na ang kalahati ng istoryang ito ay naka-private na o mababasa lamang kung kayo ay follower. Ito ay sa kadahilanang natuklasan namin na may isang foreign ebook site ang nakakakuha ng mga istorya galing sa Wattpad. Hindi lang isang istorya, kung hindi, lahat ng istoryang isinulat ng isang partikular na author. Ang malungkot pa nito, maaari itong i-copy-paste at hindi natin alam kung saan na nakaabot ang mga isinulat natin dito sa Wattpad.


Lahat halos tayo pangarap maging published author at makita ang pinaghirapan natin sa mga bookstore, kaya sana maunawaan niyo ang desisyon kong ito. Mananatili itong ganito hangga't hindi pa na-a-aksyunan ng Wattpad ang nakaka-alarmang sitwasyong ito.


Salamat sa pag-unawa at patuloy na suporta sa TLISA Monte Carlo High!



~imbethqui

The Lady in Shining Armor: Monte Carlo HighWhere stories live. Discover now