XIV. Let Me Give You A Heart Attack

2.4K 63 13
                                    

Uhm...paano ko ba sasabihin ito? I was just having Demi Lovato songs marathon habang sinusulat ko 'to, so ayan ang kinalabasan. I really like her, by the way, she's my idol! Share ko lang yung video niya sa media box, pero wala po siyang kinalaman sa chapter, wala lang, natuwa lang talaga ako. hahaha! Ito na nga, Chapter 14, pasok!

***Dawn's POV***

Bilang dating SC President si Rachel, naniwala ako sa sinabi niyang mabibigyan ako ng sanction for skipping class yesterday. 

"Kahit naaksidente ako?!" Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Rachel. Paakyat na kami sa dorm room namin mula sa Clinic.

"As I saw Nurse Andrew, galit talaga siya sa ginawa mong pagtakas sa ospital. If a student will be going out of campus due to medical reason, yung school nurse ang mag-se-set ng timeframe na pwede ka lang sa labas, depende sa details na makukuha niya sa ospital. Eh kaso nga, tumakas ka."

Napasapo ako sa noo ko. Patay. Bad shot na ako dun kay Nurse Andrew from now on. Sigh.

"Saan ka ba kasi talaga nagpunta?" Hindi siya titigil sa katatanong nito hangga't hindi ko siya sinasagot. Yan ang mahirap sa roommate kong ito.

"May inasikaso lang ako."

"Ano naman yun?" Tanong niya pa pagbukas niya ng pintuan ng dorm room namin. 

"Hindi mo na dapat malaman. It's something...personal." Dumiretso agad ako sa aparador ko para kunin ang tuwalya ko. I deserved a nice, warm bath. Kung magkaka-sanction man ako, bahala na. Basta nagawa ko kung ano yung dapat kong gawin sa labas. Hindi naman siguro mahirap yun.

"Ano?!" Laking gulat ko sa sinabi sa akin ng Class President namin kinaumagahan nang makapasok na ako sa klase. 

"Sobrang hirap din nito for me, Dawn. Kung pwede nga lang, hindi ko na ibigay sa 'yo 'to, eh. Believe me, my heart's breaking into pieces, too. Napag-utusan lang kasi ako." 

I rolled my eyes at him. "Teka, huwag kang OA. Sanction ko lang yan, hindi naman tayo nag-b-break up or something. Hindi naman tayo to begin with." Kinuha ko ang folder na hawak niya at pinirmahan ang waiver.

"Pwede namang maging tayo pero hindi tayo aabot sa break up part." Tinignan ko siya ng masama pero ngumisi lang siya sa akin. Konti na lang, masasapak ko na 'to kapag pinagpatuloy pa niya ang pag-ngisi ngisi niya sa akin.

"Mukhang hindi mo yata ako naintindihan the first time, Mr. Class President, kaya uulitin ko na lang." I walked closer to him and I saw his face became confused. Nakatingin na din ang ilang classmates namin sa amin bilang wala pa si Sir. "I'm not the type of girl who needs saving from a Knight in Shining Armor. I'm a warrior myself, so please, stop hitting on me before I hit you in your pretty face." Isinaksak ko sa baga niya ang folder na may laman ng pirmado kong waiver. He just stood there frozen.

"Boom panes!" Sigaw ng isa naming kaklase. And the silence was broken by teasing and taunting. Mukhang nagising sa katotohanan ang Class President at itinaas nito ang kanyang kamay para patahimikin ang klase. I was amazed nang tumahimik nga sila. Mukhang nag-e-enjoy sila sa maliit na scene na ito.

Tumingin muna siya sa buong klase at saka tumingin ulit sa akin. Humakbang pa siya palapit hanggang sa ilang pulgada na lang ang layo namin sa isa't isa. Napalunok ako nang madapo ang mata ko sa nakangisi na naman niyang labi. Shit, ang bango pa niya. Dawn, compose yourself! I looked up at him, dahil mas mataas siya sa akin, at nag-focus sa mata niya. 

"Since you got the attention of everyone by your 'attempt' to humiliate me..." He quoted the word 'attempt' in the air. "gagamitin ko na rin ang opportunity." Okay, confused na ako. Ano namang pinaplano mo, Pineda? I shifted weight and crossed my arms over my chest. Nakakailang na itong distansya namin, bakit ba hindi ako makalayo man lang? "Dawn Dominguez here, our fierce little classmate, will be my girlfriend by the end of the school year!" He empasized on the words 'my girlfriend'. He gave me a cocky smile and for the first time, hindi ko alam ang gagawin kong response.

The Lady in Shining Armor: Monte Carlo HighWhere stories live. Discover now