XXII. JS Prom Part 2

1.8K 50 6
                                    

Here's the second part, guys! Wohoo! Baste and Red on the media box with this chapter's soundtrack, Superman by Five For Fighting.

***Dawn's POV***

"Hindi ko hahayaang may mangyaring masama sa 'yo, Dawn." Narinig kong sabi niya. Tumitig ako ng matagal sa kanya at parang gusto ko nang umatras. Hindi ko alam kung anong klaseng tao ang kaka-harapin ko. I've beaten people, oo, pero mga kasing-edad ko lang ang mga iyon! I started to panic at napakapit ako kay Pineda. "Woah! Okay ka lang, Dawn?"

"O-Oo. Okay lang ako. T-Tara na sa labas, ang init kasi dito." He wrapped his arm around me and we walked outside the Gym. Cold air welcomed us nang makalabas na kami na kahit papaano ay naka-gaan ng pakiramdam ko. I felt suffocated inside the Gym. 

"I'll get you water, just stay here." Humiwalay siya sa akin saglit at muling pumasok sa loob ng Gym para kumuha ng tubig. Nakatayo ako sa tabi ng photobooth kung saan marami-rami din ang nakapila. I focused on the people dancing and tried to look for my friends. I noticed some of our classmates who greeted me and I gave them awkward smiles. Sila pala yung mga supporters ng DawnCent loveteam. 

"Dawn." I turned around and never felt so relieved to see him again.

"Domingo." He handed me a glass of water. Teka? I took it at dun ko lang napagtantong nangingig pala ako. I held it with both hands at inubos ang laman nito.

"Bakit ikaw ang nagdala nito? Nakita mo ba si Pineda?" He might have noticed my shaking hands because he took the glass back before he answered.

"Hindi ko pa siya nakikita. The water's actually mine. Nakita lang kasi kitang mukhang namumutla, kaya inisip kong baka masama ang pakiramdam mo." He turned his back and started to walk away nang bigla siyang huminto at humarap muli sa akin. "Pabalik na siguro dito yun, baka naharang lang ng admirers niya." He turned again and walked away. 

Teka... Gusto ko siyang tawagin at pabalikin dito. Ayokong mag-isa. Hindi ako pwedeng mag-isa. Sandali lang... The band started to play on stage and people slowly crowded the dance floor.

"Your face
Lights up the sky on the highway
Someday
You share your world with me
Someday~"

"Dawn!" I felt someone tugged my elbow and I turned to look at him. "Sorry natagalan ako. Kasi--" I heard the students nearby gasped nang sampalin ko ng nanginginig kong kamay si Pineda. I blinked away the tears that were starting to form in my eyes at lumakad palayo sa lugar na yun. "Dawn! Dawn, please, wait up!" Pumunta ako sa dance floor at sumiksik sa maraming tao. I walked faster and faster hanggang sa unti-unti na akong tumakbo papunta sa direksyong hindi ko sigurado.

Ang kapal ng mukha! Hindi daw niya ako pababayaan! Lumakad lang siya ng ilang metro at nawala lang sa paningin ko, naharang na agad ng kung sino! Umasa pa naman ako sa kanya! Bakit ba kasi ako umasa sa kanya?! Nung umpisa pa lang alam ko nang mali itong lahat, eh! Ang tanga ko para magpagamit sa magkakaibigan na yun at nahayaan ko pang mapalapit sa akin yung babaerong yun! Naku, Dawn! What's gotten into you?! 

Huminto ako sa tapat ng Admin Building at nararamdaman ko pa rin ang panginginig ng katawan ko. I was standing under a lamp post and decided on sitting down on the bench beside it. Kalma lang, Dawn. Kalma lang. I was trying to normalize everything in my body again para makapag-isip ako ng mas mabuti nang may magsalita sa harapan ko. "Waiting for someone?"

***Rachel's POV***

"Anong ibig mong sabihing nawala siya?!" I couldn't help but to raise my voice. Vincent's the most stupid person on Earth right now and I couldn't believe that I entrusted him with Dawn's safety! Nag-uusap kami sa gilid ng dance floor, sa tabi ng isang souvenir booth. We bumped into each other at nang tanungin ko siya kung asan si Dawn, ang sinabi lang niya sa akin ay nawawala ito.

The Lady in Shining Armor: Monte Carlo HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon