XXVII. Lost and Found

1.2K 52 31
                                    

Kahit bumabagyo, updated pa rin ito! At yan ay dahil love ko kayo! Wohoo!

Got some clues? May idea na ba kayo sa pagka-wala ng Villanueva Twins? What about Dawn's case with the Sisters of Mary deaths? Ma-solve kaya niya ito before it's too late? Enjoy the chapter :)

***Dawn's POV***

"Never thought I'd see you here. 'Di ba ang sabi mag-ingat?" Nabitawan ko ang box na hawak ko at tumapon ang mga laman nito sa lupa.

Yumuko ako para pulutin ang mga gamit at nagtanong sa kanya, "Eh ikaw, ano'ng ginagawa mo dito?"

"Ewan. Something pulled me here."

"Something? Tell me, hindi mo naman siguro ako sinusundan or...something?"

"Of course not. Why would I do that?"

I shrugged and sat back on the bench. I looked at the notes again and stared at the last one. So andito nga yung taong gumagawa nito. Alam niyang andito ako sa Monte Carlo at alam na niya ang Dorm room ko. Ano pa'ng alam niya? Kailan pa niya alam ang mga bagay na ito? Nag-o-obserba lang ba siya sa mga kilos ko?

"What are those?" Nakalimutan kong andito pala siya. He was now standing behind me and looking at the red notes in my hand. Ibinalik ko ang mga papel sa loob ng box at isinara ito.

"It's safer for you not to know about this."

"Are those related to the missing twins o related yan sa murders sa Sisters of Mary?" Malapit na akong bumilib sa memory at logic nitong taong ito.

"What are you trying to do, Domingo?" Nilingon ko na siya at nakatitig lang siya sa akin.

"I don't know. I'm just asking."

"If you're trying to get yourself involved here, salamat na lang. It's a problem of mine, ayoko nang may madamay na ibang tao or may makaalam nito." Tumitig ulit ako sa box at napaisip. Are those related to the missing twins o related yan sa murders sa Sisters of Mary? Paano kung...? Posible kaya? Pero kung related man sila, saan papasok doon yung huling red note? You think you can runaway? We're still watching. Naguguluhan na ako.

"Uhm." Narinig kong sabi niya. "Kung anuman yang sinusubukan mong i-solve, mag-ingat ka lang lagi, Dawn." Lumakad na siya palayo pero agad ko siyang pinigilan.

"Domingo, sandali." Bakit ko nga ba siya pinigilan? Tumingin lang siya sa akin at nag-antay. "Uhm...Pakisabi kay Pineda, sunduin ako sa Dorm Gates bukas. Y-Yun lang."

"Okay." Tumalikod na siya at lumakad na palabas ng Restricted Garden.

"Ano ba yung sinabi mo, Dawn? Hai!" Bigla kong inaway ang sarili ko nang maka-ilang minuto nang wala si Domingo. Muli kong binuksan ang box at nag-isip. Hindi ko pa nga alam kung anong mayroon sa aming apat at binigyan kami ng mga red notes na 'to, ito pa ang pagkawala ng kambal na yun. Tapos isa pa 'tong bagong red note para sa akin. Related ba ito lahat o isolated cases?

Kinuha ko ang isang maliit na notebook at ballpen sa loob ng box at binuksan ito para magsulat. Okay, mag-focus ka muna sa unang notes, Dawn.

You're the #one notes: Jennifer, Nina, Dawn, Anastacia.

Iyan ang order na sigurado akong ibinigay ang mga red notes bago namatay ang mga biktima. Maliban sa akin. Bakit hindi ako namatay sa Sisters of Mary? Bakit si Anastacia? Inisip kong mabuti kung anong ginagawa ko sa pagitan ng pagkamatay ni Nina at ni Anastacia. Second year kami nung namatay si Nina, third year na nang namatay si Anastacia. At ako... Tumingin muli ako sa notebook ko at nag-sulat.

The Lady in Shining Armor: Monte Carlo HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon