XV. Cloudy

2.2K 61 4
                                    

***Dawn's POV***

Natahimik na rin ang kwarto nang makatulog na si Rachel. Terible ang pangungulit nitong babaeng 'to! In a way parang okay lang naman din kasi at least nakikita ko siyang masaya. Para kasing sabik siya sa kaibigan. Napansin ko lang kasi na wala siyang permanenteng mga kaibigan. Oo, lahat kaibigan niya, pero yung tipong closed group, wala pa akong nakitang kasama niya. Ang constant lang na nakikita ko eh yung mapang-asar na SC President at yung alalay niya. Ano kayang meron sa kanila ni Rachel? 

Mahina na siyang nag-hihilik at kahit gusto ko na rin matulog, kailangan ko pa i-extend ang oras ko. Konting puyat lang naman 'to. Dahan-dahan akong tumayo mula sa kama at binuksan ang aparador ko. Kinuha ko ang maliit na kahon doon at umupo ako sa sahig, sa gilid ng kama ko. Binuksan ko ang kahon at inilabas ang magkahiwalay na gamit nila Jennifer at Nina. Pinag-hiwalay ko ang mga gamit nila at nilagay sa magkaibang plastic bag.

Tinignan ko muna ang mga gamit ni Jennifer-- mga notebook, mga ballpen, flyers, invitations, certificates, sticky notes  at mga basura lang ang nandun. Binuklat ko ang dalawang notebook at nag-hanap ng kahit anong kakaiba. Wala. Puro notes lang ito sa Math at  AP! Isa-isa kong tinignan ang mga flyers, invitations, certificates, pati na rin yung mga nasa sticky notes niya. Wala din! Puro schedule ng klase, quiz bees at kung anu-ano pang contest na sinalihan niya lang ang nandun.

Ibabalik ko na sana ang mga gamit ni Jennifer sa plastic bag nang makita ko ang mga basurang kasama nito. Isa-isa kong tinignan ang mga crumpled paper sa pag-asang may makikita ako. Test paper...scratch paper...notes...notes...Napahinto ako sa isang basura na nabuklat ko. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o magagalit. It's the red note. The same fucking note that Anastacia and I had. Parehong pareho ito ng sa amin, parang merong isang rollpad ng ganitong note ang nagpapadala nito.

I crumpled the paper in anger. Sino ka ba?! I immediately grabbed Nina's things at ibinuhos iyon sa sahig. Alam ko na kung anong hahanapin ko this time. She should have one, too.  Halos pare-pareho lang kami ng gamit sa locker-- notebooks, ballpen, lapis, flyers, certificates, invitations, scratch papers, mga basura...at isang red note. Nakita ko ang parehong red note ni Nina na naka-ipit sa case ng scientific calculator niya. Ano bang kailangan mo sa amin?! 

Tumayo ako at kumuha ng ballpen sa study table ko. Umupo ulit ako sa sahig at isa-isang isinulat ang pangalan ng mga may-ari ng red note sa likod ng mga ito. Jennifer. Nina. Anastacia. Dawn. Biglang huminto ang pagtibok ng puso ko at nilamig ang buo kong katawan. Something hit me. Ibig sabihin ba nito...Ang mga red note... "Mamamatay din ako."

Agad kong niligpit ang mga gamit at binalik ito sa box. Anong atraso namin sa taong gumawa nito? Hindi naman kami magkaka-kilala, batchmates lang kame. Other than that, wala na. Si Jennifer at Nina, parang mag-kaklase sila simula first year. Kami ni Anastacia nasa ibang section noong first year, nalipat lang kami sa class 2-1 nung sumunod na taon kung saan naging kaklase na namin sila Jennifer at Nina. Pero hindi pa rin kami naging close, si Wendy ang naging bago naming kaibigan mula sa klase na iyon.

Hindi ko naman sila nakasama sa kahit na anong club or organization sa school. Kahit event o school activity hindi ko sila nakasama. Si Anastacia lang ang madalas kong makasama dahil halos pareho kami ng hilig na subjects, maliban lang sa extra-curriculars. Ano ba'ng meron sa amin? Mabait pa ako noon sa Sisters of Mary. Kung may tangka sa buhay ko, dito yun sa Monte Carlo, at hindi na ako magtataka dun. Pero sa Sisters of Mary? Inalog ko ang utak ko sa kahit anong pwedeng maging dahilan ng taong gumawa nito para padalhan ako ng red note na yun.

Humiga na ako sa kama at nagtakip ng unan. Hindi ako makatulog. Biglang ang dami ng tumatakbo sa utak ko-- sino ang gumagawa nito? Bakit niya ginagawa ito? Anong kasalanan ko sa kanya para padalhan niya ako ng red note na yun? At kailan ako mamamatay? Hindi. Hindi ako pwedeng mamatay! Kailangang maunahan ko sila. 

The Lady in Shining Armor: Monte Carlo HighWhere stories live. Discover now