XXXVIII. Miss Monte Carlo High 2015

971 30 41
                                    

Another update! Phew! Walang magwawala, okay? Kalma lang tayo lahat. hohoho!

This chapter is dedicated to MaykiChn, another silent reader. Salamat sa inyong lahat sa patuloy na pagsuporta sa TLISA! Sa mga bumoboto, bumabasa, at nag-co-comment, salamat ng marami!

Spoiler alert: Media box.

***Red's POV***

I was just looking at her the whole time. This was just me and her. She opened her eyes at nang mapalingon siya sa direksyon ko, I sang my heart to her. This song's perfect for me.

"Make sure to keep my distance

Say, "I love you," when you're not listening

How long 'til we call this love, love, love?"

Agad akong tumayo at bumaba ng stage. Hindi talaga pwede 'to. She's meant to be with Vince, Red. Huling beses na dapat 'to. Hindi ko na kakayanin kung may isa pang pagkakataon na magkakasama kami. Baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko at sabihin ko na sa kanya ang nararamdaman ko. That should not happen.

Lumabas na ako ng Gym at napagdesisyunan kong bumalik na ng Dorm. I'll do my best to keep my distance from you, Dawn. Matapos lang ang school year, makaka-alis na tayo lahat sa Monte Carlo at magkakanya-kanya na ng direksyon sa buhay. I just have to endure a few more months.

"Pare!" Nakatulog pala ako habang nagbabasa ng libro. Nagulat lang ako nang bumukas bigla ang pintuan ng kwarto at nagsisigaw si Vince. "Gising, Red! Uy, gising!" I groaned and forced my eyes to open. Anong oras na ba?

"Tama na, 'wag mo na akong yugyugin..." Inaantok kong sabi.

"Nakapasok si Dawn sa Semis! Salamat sa 'yo, pare!" He sat on his bed and faced me. Ngayong nakamulat na ako, kitang kita ko na ang sobrang tuwa sa mukha niya.

"Congrats." I checked the wall clock and it showed 6:30. Gabi na pala. I stood up and went to the bathroom para mag-hilamos at mag-mumog.

"Thanks for helping her, Red. That song really brought chills to everyone. Muntik ko na ngang isipin na sinasabi mo 'yung mga lyrics na 'yun sa kanya. Para lang kayong nag-uusap, eh." I choked and had to cough out the water in my throat. Ganun ba kahalata 'yun? "Okay ka lang, pare?"

"Yeah, yeah. I'm okay."

"Ang sabi niya nga pala, magkita daw kayo bukas para mapag-handaan yung talent niya. Parang gusto niya daw ng ibang kanta." What?! More torture?

"Pwede bang kumuha na lang siya ng ibang guitarist? Or mag-search na lang siya ng instrumental sa YouTube. I can do that for you." Lumabas na ako ng banyo at kinuha ang tuwalya ko sa aparador para makapag-punas ng mukha.

"Bakit? May problema ba kayo ni Dawn?"

"W-wala naman. Uhm. Sige, punta muna ako sa Cefeteria." Lumabas na ako ng kwarto para maiwasan ang interrogation ni Vince. Ano ba'ng gagawin ko sa dalawang 'yun? Bakit ba kasi hindi na lang siya sagutin ni Dawn, para maging official na 'yung relationship nila? Baka by then, matanggap ko na ang katotohanan. Ang katotohanan na hindi pwedeng maging kami ni Dawn.

***Vince's POV***

"Tomorrow will be the coronation night of Miss MCH 2015. The stage will be set in front of the Gym facing the campus grounds, para makanood lahat. Migs and Anna, kayo na bahala sa pagbibigay ng instructions sa student body kung paano boboto via text and social media. Be specific when you make your flyers and posters, para wala na silang tanong. Romina, here's the number of the people who would set up the stage. Coordinate with Principal Abad para alam nila kung anong oras dadating yung mag-se-set ng stage. And ask someone from your team na i-rehearse agad yung mga candidates once the stage has been set up."

The Lady in Shining Armor: Monte Carlo HighWhere stories live. Discover now