XXXVI. Campaign

1K 28 12
                                    

Back-to-back update! Wohoo! May spare time lang kasi saka gumagana ng maayos ang braincells ko, kaya eto na. :)

This chapter is dedicated to Esmika_CK20, isa sa mga taong inis kay Khione! hohoho!

Enjoy reading, guys! (May pasok na naman ako bukas. huhu)

***Red's POV***

"'Yung mga red notes. Alam ko kung saan galing ang mga red notes na 'yun." Kailan ba titigil 'to? I'm trying to stay away from her pero bakit kahit ano'ng gawin ko, may mga bagay na nag-lalapit sa amin? Hai... These cases, hindi ko sigurado kung ako at siya lang ang nakaka-alam. Well, maliban dito sa makulit na batang 'to. Pero kung ganun man, information must be shared and kept only between us. Paano ko siya iiwasan kung maya-maya umuusad ang mga kaso?

"Find a perfect time to tell her those things. Make sure na--"

"Tulungan mo ako, kuya." She tugged on my sleeve at agad kong tinanggal ang kamay niya sa uniform ko.

"Ayoko na isali ang sarili ko sa mga issues na 'to, Joyce. Isa pa, it will be best kung ikaw mismo ang mag-sasabi ng mga bagay na 'yan sa kanya."

"May problema ba kayo ni ate Dawn? You two seem okay."

"It has nothing to do with that, Joyce, 'wag na matigas ang ulo. Pakalmahin mo muna siya at humanap ka ng perfect timing para sabihin sa kanya ang gusto mong sabihin." Tumayo na ako at lumabas ng Computer Lab.

"Sa tingin mo ba may chance akong manalo?" Vince asked while doing an activity that I gave him that night.

"Kung chance lang ang pag-uusapan, malaki ang chance mong manalo. Pero ang tanong, kaya mo ba i-handle ang responsibilities?" I had to be honest with him on things. Sino ba pa ang magsasabi sa kanya ng katotohanan kundi ako, 'di ba?

"'Yan nga ang problema ko, pare, eh. Wala akong alam sa pagpapa-takbo ng student body. I'm no Rachel Reyes or Jade Tan. Those girls were organized, people-oriented at maraming ideas sa utak."

"Gusto mo ba talagang tumakbo for the SC President post?" Natahimik siya saglit at nag-isip. Ewan ko kung tungkol sa Math problem ang iniisip niya o yung tungkol sa SC candidacy.

"Gusto ko. Kaya lang, lahat ng naiisip kong pwedeng gamiting plataporma, nagawa na nila Miss Rachel at Miss Jade, eh! I'm out of ideas!"

"Madali lang 'yan. Talk to them at humingi ka ng advice." At nakita kong nag-liwanag ang mukha niya at agad hinanap ang cellphone niya sa ilalim ng unan niya.

"Sigurado ka, ayaw mong sumali sa Party ko?" Vince asked the next day while we were waiting for our teacher to arrive. Malapit nang ma-kumpleto ang Party na binubuo niya para makapag-pasa na siya ng form sa Admin Office. Okay naman sana sa 'kin na sumali, kahit Coordinator lang or something, hindi din naman ako sigurado kung may boboto sa 'kin. Pero nung sinabi niyang balak niyang isali si Dawn sa Party niya, I immediately declined.

"Hindi na, pare. Sabi ko naman sa 'yo, Top of Class ang aim ko ngayong taon."

"Okay! Basta, tutulungan mo ako sa speech ko, ha?" Naka-ngisi niyang sabi. Sigurado na siyang mananalo siya. His face turned towards the door's direction at agad siyang umalis sa tabi ko. Dawn's here. Vince called on her, she smiled at him tapos tumingin siya sa direksyon ko. Malungkot ba siya? Worried? Confused? Hindi ko masabi ang ekspresyon ng mukha niya. I looked away and pretended to be searching for something in my bag. Hindi ko sila kayang tignan. Naiiinis ako sa sarili ko for feeling this way. Bakit ba kasi kailangan ko pang maramdaman 'to?

***Dawn's POV***

"Alam mo, hindi talaga ako sure sa pagtakbo ko, Vince. Feeling ko, walang boboto sa 'kin."

The Lady in Shining Armor: Monte Carlo HighWhere stories live. Discover now