II. The Roommate

4.7K 107 32
                                    

A new character here, guys! She'll be with the story for a long time, so I decided on having a good intro for her. 

Media Box: Ignorance by Paramore!

***Dawn's POV***

Ang unang araw talaga ang pinaka-nakamamatay sa lahat ng araw kapag bagong-lipat ka. Nandiyan 'yong mga sobrang matulungin na estudyante, mga curious na estudyante at 'yong mga pasikat na estudyante. Para sa mga tulad ko, first days will make or break you. Ito ang araw na bibigyan ka nila ng label, depende sa ipinakita mo at sa response mo sa iba't ibang klase ng pag-we-welcome. Ano ang sa akin? Ewan. At wala akong pakialam. Basta gagawin ko ang gusto ko at walang makakapigil sa akin.

"Hi! You must be Princess Dawn. I'm Rachel. Rachel Reyes." Dire-diretsong sabi sa akin ng isang magandang babae pagbukas ko ng pinto ng kwarto. Umatras ako ng isang hakbang at tinignan ang room number-- 26 naman. So hindi ako nagkamali ng binuksang kwarto. 

"Dawn." Tumingin muli ako sa babae at dumiretso ng lakad papunta sa kaliwang bahagi ng kwarto. Tinanggal ko ang bag ko at ibinagsak ito sa kama. Tinignan ko ang mga kahon ng gamit ko na hindi ko pa naaayos simula kahapon nang dumating ako dito sa Monte Carlo High.


Nilingon ko ang kanang bahagi ng kwarto-- ang bahagi niya ng kwarto. Asul ang kulay ng pader, kakulay ng kalangitan. May mga ulap at mga ibong lumilipad na nakaguhit dito. Kulay rosas naman ang buong kama niya-- mula sa kumot hanggang sa mga unan. Pati 'yong mga stuffed toys na nakalagay sa kama niya e kulay rosas. Sobrang ayos ng study table niya at may lampshade pa ito sa gilid katabi ng mga libro. 'Yong aparador niya na kapareho ng kulay ng sa akin, ay puno ng iba't ibang klase ng stickers. May full-sized mirror sa tabi nito at isang rack para sa mga sapatos. Paano niya nagawa yun sa loob lang ng isang araw?

"Need help unpacking?" Muli siyang nagsalita habang inaayos ang mga damit niya sa aparador. Parang galing siya sa bakasyon dahil ang dami niyang bag at nakabihis pa siya ng maganda. Mukha siyang sosyalin at nakumpirma ko ito nang makita ko ang mamahaling brand ng mga bag na nakalapag sa kama niya. 

Umiling ako at hinatak ang isang kahon. Binuksan ko ito at isa isang inilabas ang mga damit ko at inilagay ito sa loob ng aparador. Kararating lang kaya niya?


"I heard you're from Sisters of Mary School for Girls. Bakit ka umalis doon?" 

"I got bored." Malapit nang magasgas ang sagot na 'yon. Ilang beses ko nang nasabi 'yon ngayong araw na ito.

She nodded and said, "Mukha ngang boring doon. Ang daming madre, puro babae ang estudyante at dahil doon...walang boys!" Tumawa siya ng mahina at nagpatuloy sa paglalabas ng mga damit mula sa maleta niya. Hindi ba mauubos ang damit niya? "Kaya siguro umalis ka doon kasi walang boys, no?" Pagbiro niya.

Hindi. Hindi 'yon ang dahilan. The hell with boys. Ayoko munang isipin ang nangyari sa akin sa paaralang iyon. Pero kahit ano'ng pigil ko, unti-unting nanumbalik ang mga alalala sa isip ko. Ipinikit ko ang mga mata ko at nagbilang hanggang sampu. Inhale, exhale. 'Yon ang sabi sa akin ng psychiatrist ko. Umupo ako sa kama ko at isinandal ang likod ko sa headboard. Hinawakan ko ang ulo ko ng dalawa kong kamay at sinubukang alisin sa isip ko ang mga bagay na iyon.


"OMG! Dawn are you okay?" Narinig ko ang pagkahulog ng hanger sa sahig at agad kong itinaas ang kamay ko para pigilan siya sa pagtulong sa akin. Narinig kong tumigil nga ang tunog ng heels niya at nag-concentrate na ako sa pagpapakalma sa aking sarili. Hindi ako pwedeng atakihin ngayon. Iminulat ko ang aking mga mata at kinuha ko ang aking bag. Hinanap ko ang maliit na bote ng gamot at kumuha ng isang piraso mula rito. Isinubo ko ang gamot at kinuha ang bote ng mineral water sa bag ko at uminom. 

The Lady in Shining Armor: Monte Carlo HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon