XL. The Tributes

944 29 48
                                    

Happy weekend everyone! This is the first update this week! Dedicated to -hypnos, for the astig na book cover na ginawa niya for TLISA. Thanks so much again!

The soundtrack for this chapter is For You by The Calling.

Ready na ba kayo lahat for The Monte Carlo Games? Sino sa tingin niyo ang mananalo? May clues kaya tayong makikita dito regarding the death cases? Read away! :)

***Dawn's POV***

"Gusto na rin kita, Vince." Masyadong straight forward. "Vince, ang totoo kasi niyan, gusto na rin kita." Panget. "Hindi ka na maghihirap pa, Vince, kasi sinasagot na kita." Cheesy. Hai... "Vince, i love--"

"Ate Dawn, Ate Dawn!" I was pulled out of my deep thoughts nang marinig ko ang malakas na tunog ng mobile at ang pagtawag sa akin ni Joyce habang kumakatok sa pintuan ng banyo kung saan ako nakatitig sa salamin at nag-pa-practice ng sasabihin kay Vince. Lumabas agad ako ng banyo at sinundan siya sa labas ng kwarto para tignan kung anong nangyayari sa baba.

"Students of Monte Carlo, this is Principal Abad speaking. The Reaping for The Monte Carlo Games will take place tomorrow at 7 am sharp. Boys and girls must wear their attire according to the policy. Posters will be placed in all bulletin boards for reference. When you hear the siren tomorrow morning, all students should already be in-line in front of their respective Dorms. Two Representatives from The Admin will be there to assist you during The Reaping. The rest of the rules and regulations for The Games will be discussed tomorrow. All students are required to join, no exemptions. That's all for today. Good luck and may the odds be ever in your favor."

"Seryoso talaga 'yun?"

"Nakakatakot naman 'yun..."

"'Di ba 'yung Hunger Games, patayan?"

"Sana hindi ako mabunot..."

Nagsimula nang umingay ang Dorm at sigurado akong ganito din ang nangyayari sa kabilang Dorm. Sino nga kaya ang mabubunot? There were seven sections per year level at forty five students per section. Sa isang libo mahigit na estudyante, gaano kaliit ang chance na mabubunot ako? Malabo siguro 'yun.

"Ate Dawn..." Simulang sabi ni Joyce nang bumalik kami sa loob ng kwarto namin. Hindi pa rin kami nagkakausap ng matino simula nang atakihin ko siya sa Library. Hindi pa rin kasi talaga ako komportable kausapin siya.

"Problema?" Humiga ako sa kama at kumuha ng libro mula sa ilalim. Binuklat ko ito kung nasaan ang bookmark at nagsimulang magbasa. Hindi ko maintindihan ang binabasa ko, iniisip ko talaga 'yung Games.

"G-galit ka pa rin ba sa 'kin?" Nagbuntong-hininga ako at ibinaba ang hawak kong libro.

"Hindi na. Pero hindi ibig sabihin nun, komportable na akong pinakikialaman mo ang mga gamit at trabaho ko." I sat cross-legged on my bed. She was still standing by the door at nakaka-awa ang itsura niya.

"Sorry ulit." She looked so innocent, sobrang sama na ng tingin ko sa sarili ko for treating her coldly.

"Okay na, 'wag ka na sumimangot, baka tumanda itsura mo." Muli akong humiga at iniangat ang libro para matakpan ang mukha ko. Isa ito sa mga awkward situations na ayoko talaga.

"Thank you, Ate Dawn!" I heard her clapped her hands at sumigla na ulit ang tono ng boses niya. Buti naman, ayoko na ma-feel guilty tuwing nakikita ko siya.

Kinabukasan, naka-ayos nga lahat ng estudyante at pinapapila na kami sa tapat ng Dorm. May malaking screen sa harap ng Dorm at isang maliit na stage kung saan naka-tayo ang dalawang taga-Admin. Para akong na-time warp papunta sa panahon ni Katniss Everdeen. Sobrang astig ng set-up nila dito. Paano pa kaya 'yung sa mismong arena na? Habang nasa pila ako, tinitignan ko ang paligid ko-- mga babaeng naka-dress at naka-ayos talaga ang mga buhok at make up. Seryoso ba talaga sila dito?

The Lady in Shining Armor: Monte Carlo HighOnde as histórias ganham vida. Descobre agora