XXXV. Fact or Bluff?

1K 35 16
                                    

Chapter update, everyone! How's everyone doing? Goodluck sa may mga exams nga pala!

Anyways, pa-plug na din, since binabasa niyo na rin ito. We have this magazine here on Wattpad, called WattMag, where I am also writing articles (pero taga-Promo and Organizing Team talaga ako). We have Wattpad HOT 100 list, kung saan pwede niyong i-vote ang mga paborito niyong Pinoy-authored stories na mapunta sa list na 'yun. For more details, please click on the external link :)

Going back to TLISA, this chapter is dedicated to JessaMaeGimenez for adding this story to her reading list! Kung pwede lang talaga i-dedic sa marami ito! hohoho! Enjoy reading! :)

***Dawn's POV***

"I can help you solve the cases of deaths in Sisters of Mary and here in Monte Carlo."

Napatitig ako sa kanya at saka siya hinatak palayo kay Vince. Hindi pa sana niya ako bibitawan pero nakita niya siguro ang biglang pag-seryoso ng mukha ko, kaya hinayaan na lang niya ako.

"I'll catch you later, Vince." Pagpapa-alam ko sa kanya at saka ko kinaladkad pabalik sa Dorm si Joyce. Marami kaming dapat pag-usapan ng batang ito.

"Ouch, ate Dawn! You don't have to pull me, I can walk!" Reklamo niya nang makarating kame sa Dorm at paakyat na kame ng building papunta sa second floor kung nasaan ang kwarto namin. Narating na namin ang kwarto at agad ko siyang itinulak papasok sa loob.

"What the hell do you think you're doing?!"

"I'm offering help." She stood a couple of feet away from me at naka-krus sa dibdib niya ang mga braso niya. Parang tingin niya yata desperada na ako masyado para patulan yung 'offer' niya.

"I don't need your help, no one does! Kaya itigil mo na kung anuman yang ginagawa mo, dahil hindi maganda ang idudulot niyan sa 'yo!"

"Bakit? Natatakot ka ba'ng malaman na baka mas marami pa akong impormasyon na hawak kesa sa 'yo at sa mga pulis na pinagkakatiwalaan niyo?" I was stunned. Is she just bluffing to get my attention and work with her? Tinignan ko siyang mabuti at kitang kita ko ang confidence niya sa sinasabi niya. O sadyang may angas lang ang personality niya? Tama nga si Red, she's my younger version, only she's the reckless one.

"Kung anuman ang meron ka, believe me, it will not do you any good. Ano ba'ng mapapala mo sa mga iyan, Joyce? Bakit ba masyado kang interesado sa mga kaso na 'yan?"

"I'll tell you mine, if you'll tell me yours." I rolled my eyes at this. I walked towards my bed and sat on the edge of it. Ang tigas ng ulo nitong batang 'to. Pero sigurado akong may iba pang paraan para mapatigil siya sa kalokohang ginagawa niya, bago pa siya mapahamak.

"Enjoy disappointment, then. Basta hindi ako nag-kulang ng paalala sa 'yo, Joyce. Again, stop what you're doing and leave those cases alone." I took my towel from my closet at dumiretso sa banyo para mag-shower.

***Vince's POV***

Isang buwan na ang nakalilipas nang mag-simula ang school year. Maraming bago sa Monte Carlo-- bago sa security, bago sa rules, bagong mga estudyante. Pati ako, bago na rin. At dahil iyon sa isang tao. Hai... Nagugulat pa rin ako sa sarili ko kapag na-re-realize kong hindi na nga ako nag-hahabol sa ibang babae. Parang nagising na lang ako isang araw, siya lang ang gusto kong makita at makasama araw-araw. Ito yata talaga yung tinatawag nilang 'love'.

"Vincent Pineda." Napatingin ako sa babaeng tumawag sa akin nang madaan ako sa tapat ng Admin Building.

"Ms. Corpuz, good afternoon po." Siya na ang Admin Head simula nang mawala si Mr. Julio. She posted something on the bulletin board at napatingin ako dito.

The Lady in Shining Armor: Monte Carlo HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon