I. The New Kid

7.1K 141 30
                                    

Welcome to the first chapter! I'm always open for comments and suggestions, so don't hesitate to write something for me! Enjoy~~~

Media Box: Amber by 311


***Red's POV***

Maaga akong dumating sa campus ngayon, ilang minuto lang naman kasi ang layo nito mula sa Boys Dorm. May sampung minuto pa bago tumunog ang unang bell na hudyat na limang minuto na lang at simula na ang mga klase. Umupo muna ako sa isang bakanteng bench sa gilid ng Campus Grounds. Pinagmasdan ko ang mga varsity player ng soccer team na nag-wa-warm up at mangilan-ngilang estudyanteng maaga ring nagsidating.

Katatapos lang ng pagsusulit namin noong nakaraang linggo, kaya petiks lang ang mga estudyante. Pero hindi ako. Mataas ang expectations sa akin ng pamilya ko. Bilang nag-iisang anak, ako ang magmamana ng business namin. Hindi pwede sa akin ang pasado lang, dapat laging above average.

Naghanap ako ng kanta sa aking cellphone at inayos ang aking headset. Tumingin ako sa relo ko at nakita kong may tatlong minuto pa ako bago ang unang bell. Tumayo na ako at sinimulan na ang paglalakad papunta sa Main Building. Ayokong gumaya sa ibang estudyante na nagmamadali palagi kapag second bell na.


Ang Monte Carlo High School ay may iisang limang palapag na gusali para sa mga estudyante mula una hanggang ika-apat na baitang sa high school. Katabi ng Main Building ang dalawang palapag na Admin Building-- ang Principal's Office ay nasa ikalawang palapag, ang Admin Office sa tabi noon at may isang malaking kwarto kung saan nakatago lahat ng files ng mga estudyante. Sa unang palapag naman ay ang Registrar's Office, Clinic at ang Student Council Room.

Sa kaliwang bahagi naman ng Main Building ay ang Library at sa hindi kalayuan ay ang Cafeteria. Gym naman ang katabi nito na ginagamit lang kapag umuulan o kapag may indoor events. Sa likod ng Cafeteria makikita ang daan papunta sa mga dorms kung saan nakatira ang lahat ng estudyante ng eskwelahang ito. Tig-tatlong palapag ang magkaharap na Boys at Girls dorm na pinapagitnaan ng isang mataas at high-voltaged fence.

Tatlong taon na akong nakatira dito sa Monte Carlo at ang tanging panahon na pwede kaming lumabas ay kapag Christmas vacation at end of school year. Mahigpit ang eskwelahan lalo na sa kaligtasan ng mga estudyante. It's one of the best, if not the best, high schools in the country.


Nasa second floor na ako at paliko na paakyat ng third floor, kung saan ang aking unang klase, nang may biglang bumangga sa akin. Muntik na akong mahulog, mabuti na lang at napakapit ako sa hawakan ng hagdan. Pesteng yun, ah! "Hindi man lang nag-sorry?" Hindi ko nakita ang mukha niya, pero isa lang ang alam ko-- babae siya. Nakasuot kasi siya ng unipormeng pang-babae ng Monte Carlo-- ang signature black uniform with red tie. Kailan pa nagkaroon ang Monte Carlo ng ill-mannered na estudyante, babae pa? Tumunog na ang first bell at dumiretso na ako sa paglakad hanggang nalimutan ko na ang nangyari.

Pa-iling iling akong nagpatuloy sa paglakad nang matapat na ako sa klase namin. Narinig kong may tumawag sa pangalan ko at halos mapatalon ako sa gulat.

"Raphael Eduardo!" God, I so hate my name! Lumingon ako at nakita ang nakangising mukha ni Vincent-- ang best friend ko. Lumapit siya sa akin at inakbayan ako. "Mukhang top one ka na naman ng buong Juniors, ah."

"My aim is to top the entire class."

"Wala talaga akong masabi sa sobrang pagka-seryoso mo sa pag-aaral, pare! Relax ka naman kahit konti. Tapos na ang exams, okay?"

Tumango lang ako at tumingin sa loob ng classroom. Ano'ng meron?


"Ano'ng meron? Bakit nagkukumpulan ang mga kaklase natin?" At doon namin narinig ang second bell. Pumasok na kami ni Vince at tinignan kung ano'ng pinagkukumpulan ng mga kaklase namin.

The Lady in Shining Armor: Monte Carlo HighWhere stories live. Discover now