V. Suspecting Dawn

3K 87 5
                                    

Media Box: Mad World by Gregorian


***Red's POV***

Ang sama ng panaginip ko. May mga taong nananakit sa akin. Tapos may dumating na anghel para iligtas ako. Idinilat ko ang mga mata ko at nakita ang puting kisame. Iginalaw ko ang katawan ko at napasigaw ako sa sakit. Hindi pala panaginip 'yon. Nabugbog talaga ko noong mga hayop na Seniors na 'yon! 


"Gising ka na pala. Halika, umupo ka para makainom ka ng pain reliever." Nilapitan ako ng lalaking nurse at inalalayan akong umupo. Iniabot niya sa akin ang maliit na kapsula at isang basong tubig. Ininom ko agad ang gamot at ibinalik sa kanya ang baso. At doon ko lang naisip tignan ang sarili ko-- may mga pasa at gasgas ako sa braso at tiyan. Medyo makirot din ang tagiliran ko at nakapa ko ang benda sa bandang tadyang ko. May gasa rin sa noo ko at pansin kong may sugat ang gilid ng labi ko.

"B-balik na ako sa Dorm, Nurse Andrew. Thank you for the first aid." Akmang tatayo na ako nang pigilan niya ako. 

"Okay. Pero maupo ka muna diyan. Tatawagan ko lang ang roommate mo para sunduin ka. I'll also write a note here for your adviser because you need to take a full day or two to recover."

"A full day or two? No, Nurse Andrew. I can walk back to the Dorm by myself and I can go back to school tomorrow. I have an advanced class. I don't need to take a rest." May sobrang sakit na gumuhit sa tagiliran ko. Shit! Napahawak ako sa parteng iyon at napangiwi ako. 

"Take my advise, Domingo." Iyon lang at humiga na ulit ako sa kama. Humanda talaga 'yong mga Seniors na 'yon! "Buti may nakakita sa 'yo doon, kung hindi naulanan ka na." Napalingon ako sa bintana at nakita ko ang malakas na buhos ng ulan. 

"Nasaan na siya, Nurse Andrew?" I have to thank her somehow.

"Uhm. Lumabas siya kaagad pagkalapag namin sa 'yo diyan sa kama, eh. Sinabi lang niya na kaklase ka niya noong tinanong ko, pero other than that, wala na siyang nabanggit. Ano ba'ng nangyari?"

"Naabangan lang ako." Ipinikit ko na ang mga mata ko at nagpahinga. Nakakahiya 'to. 

*** 


Mga alas nuebe na nang lumabas ako ng Clinic. Hiningi ko na lang sa nurse iyong note na ibibigay sa adviser ko, pero papasok pa rin ako bukas. Umuulan pa rin, buti may payong iyong nurse at pinahiram ako. Binabaybay ko na ang daan papunta sa Cafeteria para kumuha ng pagkain nang may mapansin akong taong nakatayo ilang metro lang ang layo mula roon.

Madilim na at tanging ang Cafeteria na lang ang bukas. Nilapitan ko ang taong iyon at nang makalapit pa ako ay napansin kong isa siyang babae. Nakayuko siya at nakaharang ang mahaba niyang buhok sa mukha niya. Basang-basa na siya sa ulan ngunit hindi niya ito alintana.

"Miss?" Hindi siya gumalaw. "Miss, okay ka lang?" Mas nilakasan ko ang boses ko at tila narinig na niya ako dahil nag-angat na siya ng mukha at tumingin sa akin.

"R-Red?"


"Miss Rachel!" Agad akong lumapit at pinayungan siya. Bakit siya nasa ulanan?  "Halika na, Miss Rachel. Sobrang lakas na ng ulan, baka magkasakit ka." Humakbang ako papunta sa direksyon ng dorms pero hindi siya gumalaw. 

Tumapat ako sa kanya at tinitigan siyang mabuti-- umiiyak siya.

"Wala na siya, Red. Patay na siya." Kinilabutan ako sa sinabi niya at malamig ang tono ng boses niya nang sinabi niya iyon.

The Lady in Shining Armor: Monte Carlo HighWhere stories live. Discover now