XXI. JS Prom Part 1

2K 57 4
                                    

Part 1 of the much awaited JS Prom! Read away! By the way, Dawn and Vincent's Prom outfit on the media box with Inspector Chan and Mr. Gary Julio. Paramore's NOW for this chapter's soundtrack!

***Dawn's POV***

JS Prom. Bakit ba ang daming excited sa event na 'to? Kasi chance maka-dress up? Kasi may date? Kasi may mga booths at freebies? Kasi cancelled ang curfew? Maybe because I came from an all-girls school at wala kaming ganito doon, kaya hindi ako makaramdam ng kahit na anong excitement. Anong nararamdaman ko? Takot.

I looked at the dress lying on the bed along with it's accessories. I actually liked it-- a simple black pop-sleeved dress na may ribbon sa collar. It's two to three inches above the knee kaya hindi naman nakaka-ilang isuot. May ka-match itong maroon gloves at stockings at black birdcage hat na maliit. Amazingly, the dress fit me perfectly and the shoes were the right size. Sinong pumili nito? Hindi ako. Hindi din si Rachel. Nagulat na lang ako na may box na dumating dito kagabi with this dress inside and a pair of black pumps. It was sent by my Prom 'date', Pineda. 

He wasn't that bad after all. Playboy talaga siya, given na iyon, pero hindi ko siya masisi, madami lang talagang babaeng malandi sa eskwelahang ito. Ngitian lang sila, parang hinawakan na. Hindi ko talaga maintindihan ang mga iyon! Siguro nga hindi ko sila maiiintindihan, hindi ko pa naman naramdaman yun. Maybe in a hundred years, I would.

Pero kung aalisin mo yung pagiging chickboy niya, he's actually a nice person to talk to. May sense siya kausap at in fairness sa kanya, may pagka-deep din ang pagkatao niya. Paano ko nasabi 'to? Well, napapayag lang naman niya ako sa napakagandang plano nila Rachel para ma-caught in the act ang demonyong teacher na si Gary Julio! In less than five days, all we did was 'bond'-- we were always together, getting to know each other. Ang sabi kasi nila Rachel, mas magiging kapani-paniwala ang acting namin kung hindi lang si Mr. Julio ang makakakita.

So ayun, sabay na kami pumapasok, kumakain, at umuuwi. Mukha ngang gumagana ang act na ito dahil buong klase namin, iniisip nang couple na kami. Like that would happen! Minsan nawawala ako sa character kapag tinutukso kami ng mga classmates namin lalo na kapag masyado siyang malapit sa akin. Hindi ako sa sanay na may malapit na lalaki sa akin, paano pa yung mga ginagawa niyang paghawak sa kamay ko o kaya yung mga pag-akbay niya sa balikat ko. Kapag hindi siya nasasaway, sumisimple ako ng kurot o kaya'y 'mahinang' suntok o sampal sa kanya. Sigurado akong he's taking full advantage of this plan para mapalapit sa akin.

Halatado namang ine-enjoy niya ito, eh! Akala niya talaga kami na. Akala niya natupad na niya yung declaration niya noon sa klase. Kung may ibang choice lang, hindi ko talaga gagawin 'to. I wouldn't let myself be embarrassed in front of the entire Monte Carlo campus kapag kasama ko yung Pineda na yun! There's this one time na tinutukso kami sa klase at nagsigawan sila ng "kiss". Gusto ko silang sapakin lahat, pero binulungan ako ni Pineda na baka hindi maniwala si Mr. Juilo kung hindi namin gagawing makatotohanan  ang palabas na ito. Ang chismis mabilis kumalat, mapa-estudyante man o teacher. At nawalan na naman ako ng choice, so I let him kiss me on my cheek. 

At talagang makatotohanan na ang dating ng lahat na ito dahil mas dumami ang mga babaeng nakakalaban ko sa school lalo na sa hallways ng Dorm kung saan hindi nakikita ni Pineda na pinagtutulungan ako ng mga haliparot na fans niya. At syempre, yun na rin ang pagkakataon ko para mailabas lahat ng inis ko sa planong ito. Ilang beses na akong nabigyan ng sanction ngayong linggong ito dahil sa dami ng babaeng naipadala ko sa clinic. Miss SC President and Mr. Class President took care of my sanctions kaya hindi ako naparusahan. Dapat lang gawin nila yun sa hirap ng gagawin ko ngayong gabing ito.

The Lady in Shining Armor: Monte Carlo HighWhere stories live. Discover now