XIII. Truth, Lies, Secrets and Weirdness

2.3K 65 0
                                    

And the story continues...Clara on the side, by the way! Titanium by David Guetta feat Sia for Rachel and Jade's scene. Enjoy! :)

***Rachels' POV***

I pulled out my cellphone under my pillow nang mag-alarm iyon. Pinatay ko ang alarm at dahan-dahang minulat ang mata ko. I stretched and checked the bed beside me. Wala? "Dawn?" I sat up and looked at the bathroom-- bukas ang pinto at patay ang ilaw. "Dawn?" Muli ko pang tawag. Tinignan ko muli ang side niya ng kwarto. Malinis ito at maayos. I checked her things at nakita kong wala na ang isa niyang uniform, ang school shoes niya at ang school bag niya. Ang aga naman yata niya pumasok?

Tumayo na ako at naligo. Six thirty pa lang, wala na siya? Saan kaya siya pupunta ng ganun kaaga? 

I closed the door of our dorm room at bumaba na para pumunta sa Cafeteria. Siguro andun siya. Nasa second floor na ako nang mapansin ko ang umiiyak na si Carmela Martin kasama ang mga kaibigan niya. Napatingin sila sa akin nang lapitan ko sila. "Anong nangyari?" Umiling-iling lang sila habang tuloy pa rin sa pag-iyak ang isang estudyanteng yun. Baka broken hearted lang? 

Nagpatuloy ako sa paglakad hanggang sa makarating ako sa Cafeteria. I pushed the door and scanned the area for her. Wala din? "Asan ka ba?" I whispered to myself.

"Looking for someone?" Sabi ng bagong-pasok sa Cafeteria. I rolled my eyes and sighed. Hindi ikaw ang hinahanap ko. She walked in front of me and smiled evilly. Ang laki talaga ng pinagbago niya. Ano bang nangyari sa kanya? Ano bang nangyari sa amin?

"Jade." I acknowledged her.

She used to be my best friend. Freshman year pa lang magkakasama na kami. Nagkasabay kami sa entrance exams, then we met Maecy and Clara nung first day ng klase. Naging close na kaming apat since then. Magkakaiba man kami ng trip sa buhay, magkakasundo pa rin kami. Si Jade yung kikay, si Clara yung boyish, si Maecy yung quiet type at ako yung nerd. One thing we had in common-- hindi kami mga bulakbol. 

"Alam mo, dapat hindi ka na lang talaga bumalik from your little trip with your dear Daddy. Mas peaceful ang lahat dito kapag wala ka."

"Jade, why do you hate me so much?"

She chuckled and her face turned dark. "I hate you because you still exist." She walked closer to me until she's just a whisper away. "Kung papipiliin lang ako, it would be you who should've died and not Maecy."

"Jade, wala akong kinalaman sa pagkamatay ni Maecy. Alam mo yan. I didn't push her, she jumped."

"You did push her! You pushed her to commit suicide kasi hindi ka nagsalita, hindi ka nagsumbong! Wala kang ginawa kasi duwag ka! Anong klase kang kaibigan?!" 

"I was--I was threatened." Mariin kong bulong sa kanya. The truth was only known to her, to me, and Clara. And of course to that damn bastard. He's still here, sobrang kapal ng mukha niya! He was transferred in the Admin, nagpalipat siya for some of his fucking personal reason!

Jade snorted and said, "Threatened? Baka tinatakot mo lang ang sarili mo? Who would dare threaten an socialite like you? Walang maniniwala sa walang kwenta mong paliwanag, Rachel! Aminin mo na lang kasi na kasalanan mo!"

"Jade, we've been through this--"

"No, we're not through with this! Hindi tayo matatapos hangga't hindi ka umaamin. Simple lang naman, di ba? Hindi ka ba naaawa kay Maecy?" Nakita kong lumambot ng konti ang ekspresyon ng mukha niya nang sabihin niya yun, pero agad din itong napalitan ng galit. She's also teary-eyed like me. Talking about Maecy's death...it's something very sensitive for us. 

The Lady in Shining Armor: Monte Carlo HighWhere stories live. Discover now