Prologue

8.6K 171 21
                                    

"Imposible. Hindi pwede 'to." 

"Alin ang hindi pwede, Dawn?" Bakas sa boses niya ang pagka-taranta. Kami ni Rachel, hindi ko masasabing matalik kaming magkaibigan, pero nag-aalala naman ako sa kanya. At hindi ko hahayaang maulit ang nangyari sa akin noon. Hindi dito sa Monte Carlo High. Hindi sa bago kong tahanan.

Hinawakan ko ng mahigpit ang lukot nang pulang papel at may bigla akong naisip. This must be a coincidence. This could only be a prank. Tama. Ako ang bagong estudyante sa isang eskwelahang maraming bully at siga. Pinag-ti-tripan lang siguro ako.

"What the hell is that note and why is that on our door?!" Paroo’t parito siya ng lakad. "I think we should report this to--"

"No." Pagpigil ko sa kamay niya nang magtangka siyang umalis. "Don't worry. Sa palagay ko, prank lang ito." Pinilit kong ngumiti para hindi na siya mag-alala.

"Prank? Why would someone pull a prank at us?" 

"Sa akin lang, Rachel. Ako ang baguhan at sa maikling panahon pa lang na nandito ako, marami na akong nakabanggang estudyante. Mga bully, gangster, kahit mga teacher at mga taga-admin. This is something not serious, so please calm down."

Mukhang hindi siya kumbinsido sa paliwanag ko. "Okay. I'll give it to you this time. Pero kapag may nangyaring ganito ulit, I swear!" Umupo siya sa gilid ng kama at humarap sa akin. "Two girls are already missing and Anastacia's..." Humina ang boses niya at bakas dito ang takot.

Si Anastacia. Mahigit dalawang buwan na siyang patay. At ngayon, dalawang babaeng estudyante na ang nawawala. Nababalot na ng takot ang Monte Carlo High at kahit hindi pinapahalata ng Admin ang pagka-alarma nila sa sitwasyon, bigla silang naghigpit sa curfew at sa paglabas-pasok ng mga tao sa campus. 

Tumayo si Rachel at pumunta sa banyo para punasan ang mga luha sa mukha niya. Inilabas ko ang piraso ng papel mula sa bulsa ng uniporme ko at muling binasa ang mensaheng nakasulat dito:

You think you can run away? We're still watching.

The Lady in Shining Armor: Monte Carlo HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon