XXV. A Helping Hand

2K 52 8
                                    

Sinong na-de-develop kanino? May mamamatay pa ba? Got more questions in mind? Ask away in the comments box below :)

***Vince's POV***

"I think he liked her." Nagulat ako sa naging sagot ni Red sa akin.

"Talaga? Sa tingin mo, ganun nga? Pero ni hindi sila nag-uusap, lagi pa silang nag-bu-bugbugan. He never talked to her in class o kahit saan dito sa campus." He just shrugged and stared at the setting sun.

Hindi ko pa rin talaga lubusang maintindihan itong si Red kahit tatlong taon na kaming magkaibigan. I considered him my best friend, though. He's a good listener at may sense talaga kausap. I guess, siya yung nag-n-neutralize ng pagiging playboy ko. Inaayos niya ang mga gusot ko sa mga girls, minsan hindi ko alam na tinutulungan na pala niya ako. He's no expert on girls, pero na-a-amaze ako kung paano niya naaayos ang mga problemang hindi ko malusutan.

Gaya nung second year, I was courting two girls at the same time at pareho ko silang pinapadalhan ng mga flowers, chocolates at sulat. Hindi ko pa naman sila nakakasama ng personal since they were of a higher level, pareho silang third year students. I decided na mas gusto ko yung isa kesa dun sa isa, pero ang hindi ko kaya ay ang makita siyang umiiyak. Anong ginawa ni Red? He presented himself to the other girl at nag-apologize na nagkamali siya ng pinapadalhan ng mga regalo galing sa akin. Ang ending, sa kanya nagalit yung babae at nasampal pa siya nito. 

Kahit sobrang tahimik ni Red, nakikita niya lahat ng nangyayari sa paligid niya. Lagi man siyang nasa Library o nagkukulong sa Dorm room namin, masaya siyang kasama. He's just like any other normal high school kid-- nag-ba-basketball, naglalaro ng video games at nag-gi-gitara. Mas seryoso nga lang siya sa pag-aaral at aim niya talaga ang makakuha ng matataas na grades para ipakita sa mga magulang niya at makapasok siya sa magandang university pagdating ng college.

Minsan siya pa gumagawa ng mga love letters ko at siya pa nagpa-plano ng dates ko. Pati homework ko siya na gumagawa kapag napupuyat ako kaka-text o kaka-telebabad sa kung sinomang babae ang pinopormahan ko. Naisip ko tuloy, may nagawa na ba ako para kay Red?

"Paano mo nga pala nalaman yung nangyari nung Prom, Red? Yung kay Baste at Sir Julio?" Tanong ko sa kanya paglabas ko ng banyo after ko mag-shower nung gabing iyon. Hindi pa kami nag-uusap tungkol doon simula nang mangyari ang insidente.

"Nakita ko lang sa SC Room. Ano ba talaga ang nangyari, Vince?" Tumigil siya sa pagpindot sa calculator niya at ibinaba ang hawak na ballpen. 

"Sorry kung hindi ko na sinabi sa 'yo, pare. Nangako kasi akong hindi ko sasabihin kahit kanino ang sinabi nila sa akin, eh." Tumingin ako sa kanya at as usual, blanko ang expression ng mukha niya. "Si Miss Jade, Miss Rachel at Miss Clara, kailangan ng tulong para mabigyang hustisya ang pagkamatay ng kaibigan nilang si Miss Maecy Lim. Ang sabi nila, she was sexually abused at humantong iyon sa pag-su-suicide niya."

"At si Sir Julio ang suspect?" Tumango ako at naupo sa swivel chair ko. 

"Hindi ako naniwala nung una, kilala natin si Sir Julio, di ba? Teacher natin siya dati sa Math, mabait naman siya saka gentleman. Pero sabi nila, sigurado daw sila na siya ang suspect at isinumbong na daw nila yun sa mga pulis. Kailangan lang nila ng mas matibay na ebidensya na makakapagdiin kay Sir kasi matagal nang sarado ang kaso ni Miss Maecy."

"At isinali nila kayo ni Dawn sa plano nila?"

"Oo. Nung una, nag-alangan din ako kasi mahirap yung gusto nilang mangyari at saka ayaw akong makasama ni Dawn. Pero napapayag ko din siya, para sa hustisya ng naabusong kaibigan nila Miss Rachel."

The Lady in Shining Armor: Monte Carlo HighWhere stories live. Discover now