XXIX. Two Is Better Than One Part 2

1.2K 40 10
                                    

More rain, more update? hohoho! Grabe si Super Mario, ang lakas! Ingat kayo lahat sa mga nasa affected areas! Stay safe and dry, guys! Thank you kasi kahit may bagyo na nag-aantay pa rin kayo sa update nito. So, ito na siya! Chapter 29, pasok! :)

***Dawn's POV***

"From now on, you will never be alone."

Nagising ako sa boses na narinig ko. Panaginip lang pala. Madilim pa rin ang paligid at tanging ang dalawang emergency lights lang ang nagbibigay liwanag sa kwarto. Nagulat pa ako nang makita ko ang nag-hihilik at naka-tihayang si Pineda sa katapat na kama. Tumalikod ako sa kanya at napatapat naman ako sa maamong mukha ni Domingo. Isang unan lang pala ang pagitan namin. Umupo ako at tinignan siya muli.

"Oo nga pala, I'm trapped here."

Tinignan ko ang cellphone ko at napasimangot ako nang makita kong pula na ang battery nito. Three thirty pa lang? I took the moment of silence as a moment to think about the cases again. Tumayo ako at pinulot ang box ko sa sahig. Tinungo ko ang study table ni Domingo at umupo sa swivel chair. I opened the box and got my notebook and pen. Sumulat ulit ako sa susunod na page nito.

Minerva Villanueva death=rednote case?

Athena Villanueva... where are you? DOA?

"Kung makikita ko lang kasi yung katawan niya ng personal, mas lilinaw ang lahat. Mas mapapatunayan kong ang gumawa nito sa kanya ay ang parehong pumatay sa mga taga-Sisters of Mary." Bulong ko sa sarili ko. Pero ang malaking tanong pa rin ay kung bakit siya ang namatay kung sa akin pinadala yung huling red note. Iyon ang nagpapagulo dito. Baka hindi naman talaga parehong kaso ito?

Ano namang mapapala ko kung parehong kaso nga ito? Na ang gumagawa nito sa Sisters of Mary ay nandito sa Monte Carlo High. Ako nga ba ang dahilan ng lahat ng ito? Nag-isip ulit ako kung sinong pwedeng gumawa nito. Kung ako ang pakay niya, siguro dapat kilala ko siya. Tama. I wrote it down on the next page.

Target: Dawn... WHO ARE YOU?!

Hindi ako makaka-move on kung hindi ko siya makikita. Naalala ko naman ang paalala ni Pineda. May mga pulis at security sa labas, for sure. At hindi pa rin tumitigil ang ulan. Malas.

"Kailangan ko talaga siyang makita." Naibagsak ko ang ballpen sa mesa at bumuntong-hininga. Hopeless na naman ang kasong ito. Isang clue, isang teorya, tapos wala na naman. Hindi pwedeng lagi na lang akong mag-aantay na may mangyaring ganito!

"Gusto mo ba talagang pumunta dun?" Napasipa ako sa sahig dahil sa gulat at umurong ang upuan ko ng ilang pulgada. Nakaupo siya sa gilid ng kama at nakaharap sa akin. Hindi ko napansin na bumangon pala siya.

"Gising ka na? Maaga pa."

"Sorry. Nagulat ba kita?" Kinuha ko na ang mga gamit ko at ibinalik ito sa box. "Sasamahan kita dun kung gusto mo." That caught my attention.

"Seryoso? Pero paano yung curfew, yung mga tao sa labas. Paano kung may mag-sumbong na andito ako sa Boys Dorm? Ayokong ipahamak ka, Domingo."

"Kung gusto mo talagang lumabas dun, tutulungan kita. Sabihin mo lang." I looked at him straight in the eye at nag-isip.

"Sige. Tulungan mo akong makapunta dun."

"Okay ka lang ba, Dawn?" Tanong niya sa akin nang makababa na kami sa ground floor. Tag-isa lang kami ng flashlight dahil ayaw naming makakuha ng atensyon ng mga tao.

"O-Okay lang. Keri ko 'to." His bright idea was to lend me his clothes para hindi ako mahalatang hindi taga-Boys' Dorm. I was wearing one of his jogging pants, t shirt at hoodie. I had to hide my hair under a cap na kinuha niya mula sa aparador ni Pineda.

The Lady in Shining Armor: Monte Carlo HighWhere stories live. Discover now