XLI. Broken Hearts Part 1

934 31 45
                                    

Sorry for the late update! Nawalan kami ng net kagabi, kaya nabitin ang pag-t-type ko! Anyways, ito na siya! What can you say about the new book cover? Astig, di ba?

This chapter is dedicated to MalouBote, isa sa mga bagong citizen ng Monte Carlo High! Enjoy your stay in our dear school! :) This chapter's track is Faint by Linkin Park!

Gather all your notebooks and pens at isuot na ang mga thinking caps, ito na ang Chapter 41!

***Dawn's POV***

"AAAHHH!" Si Khione 'yun, ah? Agad akong tumakbo palabas ng Gym to see what happened to her. Sa bandang gilid ng Gym, nakita ko si Rose Hermias na nakapatong kay Khione at sinasabunutan niya ito. May kasama pa siyang alalay na nakatingin lang sa ginagawa nito sa kaibigan ko. Hindi ko na maaantay ang Games, babangasan ko na talaga itong babaeng 'to!

"Hoy!" I pushed Rose away from Khione at nakita kong napatihaya siya sa damuhan. I helped Khione up at nang makita ko si Vince na malapit na sa amin, inisip ko nang ligtas na siya with him. I looked back at Rose and gave her my deadliest glare. Her friend was helping her up at hindi ko na hinintay na makatayo pa siya ng tuwid. I pushed her harder than the first at napahiga siya sa damuhan. I sat on top of her at sinakal siya gamit lang ang kanang kamay ko. "Kanina ka pa, eh! Ano ba'ng problema mo, ha!"

"Dawn, Dawn! Please stop that!" I heard Vince's voice at naramdaman ko ang mga kamay niya sa balikat ko. He pulled me away from Rose at hindi na ako nanlaban pa sa kanya. I always forgot that I was part of the Student Council now. Mapapatalsik na yata ako sa posisyon ko dahil sa mga ganitong klase ng tao.

"Kanina pa nito pinapainit ang ulo ko, eh! Nagpipigil lang ako sa 'yo kanina pa!" She tried her best to fight back by pulling my hair. Natanggal na nga niya 'yung ponytail ko sa sobrang pag-hatak. I wanted to kick her pero pumagitna na sa amin si Vince.

"Rose, please leave now." Mahinahon niyang paki-usap sa bruhang iyon.

"Tandaan mo 'to, Dawn! Humanda kayo sa Games! Kahit magkampi-kampi pa kayong tatlo, wala kayong magagawa laban sa'min!" At lumakad siya palayo sa amin at nakabuntot naman sa kanya ang kaibigan niya. Matapang din ang isang 'yun, kailangan kong mag-ingat sa kanya.

"Are you okay, Dawn?" Concern was very evident on his tone. He removed stray hairstrands off my face at tumitig sa akin. Tumango lang ako at napansin ko si Khione na nakatayo lang sa likod niya. Bigla akong nahiya at siguradong pinamulahan na naman ako ng mukha dahil sa itsura namin ni Vince.

"Uhm.. O-okay lang ako, Vince, salamat." Umiwas ako ng tingin at nilapitan si Khione. "Okay ka lang ba? Nasaktan ka ba nung babaeng 'yun?"

"I'm okay. Kung may problema siya sa 'kin, hindi niya kailangang daanin sa dahas! My God!" She sounded so irritated at agad siyang lumakad palayo sa kinatatayuan namin. I tied my hair again at siyang pagtinging muli sa akin ni Vince.

"Please, don't do that again? Aatakihin ako sa puso, eh. Nakakatakot ka kapag nakikipag-away, seryoso!" He smiled at agad kumalma ang pakiramdam ko. Tama ba talaga ang desisyon ko about him?

"Tara, kain na tayo. Baka kanina pa nag-aantay si Joyce dun." Oh, gosh! I completely forgot about her! I grabbed his hand right away at dumiretso na kami sa Cafeteria.

***Vince's POV***

Lumipas ang buong linggo at bukas, Monte Carlo Games na. Sa totoo lang, kabado ako. Hindi ako pala-away na tao, I wouldn't hurt anyone, kahit sila pa ang may atraso sa'kin. Pero kung kailangan kong gawin 'yun to protect Dawn, I would do it. Oo, malakas siya at may experience when it came to fighting, pero hindi niya kakayanin 'yun mag-isa. Lalo na ngayon na feeling namin may alliances na against her and Khione.

The Lady in Shining Armor: Monte Carlo HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon