VI. Guilty Conscience

2.8K 80 10
                                    

Media Box: Maecy Lim

Track: Outside by Staind feat. Fred Durst 


***Rachel's POV***


Si Anastacia ang pinaka-close kong pinsan. Mas bata siya sa akin ng ilang buwan, pero parang walang kaso 'yon dahil halos lahat ng bagay magkasundo naman kami. Sabay kaming lumaki dahil magkatabi lang ang mga bahay namin. Nagkahiwalay lang kami ng eskwelahan noong maghi-high school na dahil mas pinili niyang pumasok sa Sisters of Mary School for Girls.

Kahit na magkahiwalay na kami ng pinapasukang eskwelahan, lagi naman kaming magkausap sa cellphone. Nagpapalitan kami ng kuwento tungkol sa mga ginagawa namin sa kanya-kanya naming eskwelahan, ano'ng mga contest ang sinalihan namin at ano'ng mga organization kami kasali.

Mas mahilig siyang mag-aral kaysa sa akin, kaya mas madalas siyang sumali sa mga quiz bees. Kasali siya sa Book Club sa school nila, kung saan siya ang President nito. Compared to me, mas gusto ko 'yong non-academic na mga bagay. Sumali ako sa Varsity Team ng volleyball noong first year, Drama Club at ang Student Council.


"Magkita tayo after graduation, ha!" Sabi niya sa akin habang magkausap kami sa cellphone.

"Oo, promise! At sa iisang University na lang tayo papasok, para hindi na tayo magkahiwalay ulit."

"Sure! Basta, galingan mo na ngayon sa academics kasi hindi mo naman maisasagot sa mga entrance exams ang mga natututunan mo sa Drama Club niyo." At tumawa siya ng mahina.

"Sige ba! Ibibigay ko sa'yo 'yong mga tanong na lalabas sa entrance exam, para alam mo na ang sagot kapag ikaw na ang kukuha ng test!" At tumawa din ako.

Iyon na pala ang huling pag-uusap namin. Hindi na matutupad ang pangako naming magkita muli at pumasok sa University.

***

"May kinalaman ka ba sa pagpatay sa kanya?!" Alam kong mali itong ginagawa ko kay Dawn, pero gusto ko lang na may mapagbalingan ng sisi. Ganito rin ang nangyari sa akin noon.

"Sir, tama na po..." Narinig ko ang boses ni Maecy mula sa loob ng Student Council Office. Bumalik ako doon noong gabing iyon para kunin ang mga papeles na kailangan para sa Theme day Friday kinabukasan. Hindi ko alam na nandoon pa pala ang SC Secretary.

Nag-alangan akong buksan ang pintuan nang may marinig akong boses ng lalaki mula sa loob. "Maecy, huwag nang masyadong maarte. Don't act like this is the first time."

"Sir, ayoko na po. Please, itigil niyo na po ito..." Dinig ko ang pagmamakaawa ng kaibigan ko sa kanya. It was clearly the SC Adviser, Mr. Gary Julio.

"Kapag sinabi ko, gagawin mo!" Natakot ako sa biglang pagtaas ng boses ng guro. What's he doing with Maecy?!

"Tama na po, Sir. Please, huwag po!"


"Sumunod ka lang kasi sa gusto ko, at walang masasaktan. I wouldn't hurt you, your friends or your family. Now take that uniform off!" Napasinghap ako at tinakpan ng kamay ko ang bibig ko. I should be doing something.

Pero nakatulala lang ako doon habang nangyayari ang hindi dapat at saka ko napagdesisyonang umalis na sa lugar na iyon. Hindi ko kayang sikmurain iyon. Napahinto ako at nagulat nang makita ko ang SC Vice President na nakatayo lang malapit sa akin.

The Lady in Shining Armor: Monte Carlo HighWhere stories live. Discover now