XXVI. Missing Victims

2.2K 60 17
                                    

Maikling update, guys! This chapter's track is I'm So Sick by Flyleaf. Salamat po pala ulit sa lahat ng bumabasa ng TLISA. This story is moving forward because of you! Hope you like this update :)

***Dawn's POV***

"Please give Vince another chance, Dawn." Napataas ang kilay ko sa sinabi ni Domingo.

"Are you out of your freaking mind, Domingo?! So this is what this is all about, huh?" Sumandal ako sa upuan at ikrinus ang mga braso ko sa dibdib ko. "You helping your best friend? I'm sorry, that won't work." Kinuha ko na ang mga gamit ko at isa isa itong ipinasok sa bag ko.

"Please, Dawn..." He held my notebook and I looked at him. Seryoso talaga siya dito? Napabuntong-hininga ako bago magsalita.

"Give me one good reason why."

"He's a good person, I know you know that. He meant you or anyone no harm--"

"Not good enough." I pulled my notebook away from his hand and stood up.

"Dawn, please..." He also stood up and stopped me by my arm. Tinignan ko siya at talagang seryoso siya sa pagmamakaawa. Bilib na ako sa loyalty nito sa kaibigan niya. 

"Okay. Okay, sige. Pero isang pagkakataon lang, Domingo." Binawi ko ang braso ko sa kanya at tuluyan nang umalis.

Wala na si Rachel kinabukasan paggising ko. Maaga kasing nagpa-praktis ng graduation rites ang mga fourth year students. Konti na lang, aalis na dito sila Rachel. Masaya na siguro sila kasi natulungan nila ang kaibigan nila bago nila lisanin ang Monte Carlo High. Masaya ako na malungkot. Si Rachel... Kahit papaano nagkasundo naman kami bilang roommates at magkaibigan. Ano ba'ng mangyayari sa akin kapag umalis na dito si Rachel? Palilipatin ba ako ng kwarto o may lilipat ditong estudyante?

Nakababa na ako ng Dorm nang marinig ko ang ilang estudyanteng nag-uusap usap.

"Half-day lang daw ngayon?"

"May nawawala daw na estudyante..."

"Ang sabi dalawa daw sila..."

"Mga taga-third floor daw yun..."

"Naku, nakakatakot naman yan..."

Nawawala? Nagpatuloy ako sa paglakad at dumiretso na sa Cafeteria. Tahimik ang mga babaeng estudyante at tanging boses ng mga lalaki ang maririnig dito. Totoo nga kaya yun? I was carrying my tray of food nang makita kong may kumaway sa akin mula sa 'di kalayuang table. Iiwas sana ako ng tingin pero bigla kong naalalang pumayag pala ako sa pakiusap ni Domingo kahapon. Tinanguan ko siya at lumakad papunta sa table niya.

"Goodmorning!" Masaya niyang bati. 

"Domingo. Pineda." I acknowledged both of them and sat across Pineda.

"What's with the girls today? You all look...glum."

"I heard someone's missing." Sagot ni Domingo sabay tingin sa akin. Concern was in his eyes. I shrugged before answering.

"Hindi ko alam. Naririnig ko lang yung mga ka-dorm namin na nag-k-kwentuhan tungkol nga dun sa nawawalang estudyante. Hindi ko pa sigurado kung totoo. No one's confirming the rumors yet."

"Paanong may mawawala sa loob ng campus? Secured ang school natin at may curfew tayo. Naglayas kaya?"

"Vincent." Napalingon kaming lahat sa pinanggalingan ng boses. 

The Lady in Shining Armor: Monte Carlo HighWhere stories live. Discover now