Bonus Chapter: Glimpse of the Future 3

990 29 17
                                    

Last update na, guys! #WhatsNext? Gusto kong marinig ang ideya niyo mula sa mga bonus chapters na ito. Help me decide, guys! Enjoy! :)

***Joyce's POV***

TWO MONTHS AGO


"Ate, sulat para sa 'yo." Iniabot ni Stephen sa akin ang puting sobre at umalis na siya dala ang basketball niya.

Tinignan ko ang sobre at inisip kung kanino naman kaya manggagaling ang sulat na ito. Dahan-dahan kong pinunit ang gilid ng sobre at inilabas ang laman nitong papel. Binasa ko agad ang laman nito at napatigil ako nang matapos ko itong basahin.

We regret to inform you that Monte Carlo High School will be closed starting school year 2016 onwards until further notice. Students will be given two weeks to vacate their respective dorm rooms. We apologize for the short notice.

"Ano ba 'to? Sarado na ang Monte Carlo? Naku, problema 'to." Napa-sapo ako sa noo ko at maraming tanong ang biglang pumasok sa isip ko. Dahil ba ito sa pagkamatay ng ilang estudyante doon? Akala ko okay na lahat? Okay lang ba ang management ng school? Bakit biglaan naman? Saan na ako mag-aaral ngayon?

"Joyce?"

"Ma-Mama."

"I read the notice. I'm sorry, the school had to close down." Lumapit siya sa akin at naupo sa tabi ko.

"O-Oo nga po. Biglaan ang notice."

"May naisip ka na bang lilipatang school?"

"W-Wala pa nga po. P-Pero makakapag-isip po ako by the end of the week." At bigla kong naisip na may kailangan muna akong gawin bago ako pumili ng bagong eskwelahan. "Mama, pwede po ba akong pumunta ng Monte Carlo bukas? Kukunin ko lang po 'yung mga gamit ko."

"Oo naman, anak. Gusto mo ba samahan kita?"

"Ay, hindi na po. Alam ko po may pasok kayo bukas."

"Paano 'yung mga gamit mo?"

"May kasama po ako bukas, Mama. 'Wag po kayong mag-alala."

***

"Pasensya na kung biglaan ang pagtawag ko."

"Ano ka ba, wala 'yun! Matagal pa naman ang start ng klase ko. Ano'ng meron, bakit biglaan ang pag-alis mo dito?" Worry was all over her face. Tumigil siya sa pagtupi ng mga damit ko at tumingin sa akin.

"Ang totoo niyan, Ate Dawn, hindi lang ako ang aalis dito sa Monte Carlo."

"Ano? Ano'ng ibig mong sabihin?"

"Magsasara na ang Monte Carlo, Ate Dawn. Kailangan na namin umalis lahat in two weeks."

"What?! Ba-Bakit? Sinabi ba nila kung bakit biglaan ito?" Napatayo siya at nag-simulang maglakad sa harapan ko.

"The notice didn't tell us anything. Pero ang hinala ko may kinalaman ito sa mga nangyari." Natahimik siya at tumigil sa paglakad. Lumapit siya at bigla niya akong niyakap.

"I'm sorry..."

"Ate, wala ka namang kasalanan."

"So, saan mo balak pumasok niyan?"

"Hindi ko nga alam, Ate, eh. Sa sobrang bigla ko sa pagsasara ng Monte Carlo, parang nanghina ako bigla. Parang ayoko na pumasok."

"'Wag ka ngang ganyan, Joyce! I'll help you find a new school."

"Hindi na, Ate. Nakakahiya naman sa 'yo. Ang totoo niyan, gusto lang kita makita."

"Kung bakit ba kasi incoming third year ka pa lang, eh. Sana naging ka-year level na lang kita para pwede kitang isama sa Reed."

"Oo nga, eh. Teka, nagkausap na ba kayo ulit ni Kuya Red? Kamusta na siya?"

"Uhm... Hindi na kami nagkausap simula nang umalis kami dito."

"Ano? Bakit naman?"

"Ano'ng 'Bakit naman?' Wala naman kaming dapat pag-usapan ni Red. Mukhang busy na rin siya sa bago niyang school."

"Hindi niya sinabi kung saan siya nag-enrol?"

Umiling lang siya at nagpatuloy sa pagtupi ng damit.

"Mag-miryenda tayo sa labas, Ate!"

***

"Ang saraaap!"

"Hindi ko alam na gusto mo pala ang strawberries and cream?"

"Oo, Ate. Paborito ko nga ito, actually. Wala kasing ganito sa Monte Carlo, eh."

"Gusto mo dalhan kita lagi ng ganito kapag naka-pasok ka na sa bago mong school?"

"Paano mo naman magagawa iyon, eh napaka-layo ng Reed University dito? Bakit ba kasi doon mo pa naisip pumasok? Balita ko may pagka-weird ang mga tao doon."

"Hindi ko din alam. Gusto ko lang siguro ng malayong--"

"Kuya!" I waived my hand at someone standing a couple of meters from the coffee shop where we're at. Siguradong makakatikim ako nito kay Ate Dawn. Bigla siyang tumigil sa pagsa-salita at dahan dahang lumingon sa direksyong tinitignan ko.

"Joyce." His deep voice seemed to took Ate Dawn by surprise. "Hi." Napatingin din ako kay Ate Dawn when he greeted her.

"Hi." Ang lakas maka-high school nitong dalawang 'to! Gusto kong gumulong sa kilig!

"Upo ka, Kuya Red!" I pulled the chair between me and Ate Dawn and he sat on it. "I-oorder lang kita ng pagkain sa loob, ha? Dito lang kayo!" I went inside the coffee shop and got some food for Kuya Red. Ang totoo, gusto ko lang silang iwanan. Grabe, ako na cupid nilang dalawa!

***

"Brent International School? Kung ano ang inilaki ng school ni Ate Dawn, 'yun naman 'yung iniliit ng school mo! Balita ko, sure shot na ang employment mo kapag graduate ka ng BIS, eh!"

"Alam mo naman lahat, ikaw talaga!" Ngumiti siya sa akin at ginulo ang buhok ko.

"Kuya naman, grabe! Mukha ba akong aso?" We both laughed and I looked at Ate Dawn. "Grabe... Ano ba 'to, silent movie? Ate Dawn, kasali ka dito. Pwede ka mag-react!" I smirked and she gave me a kick under the table. "Aray, grabe naman siya..."

"Uhm, excuse me, Ma'am?" Isang barista ang lumapit sa table namin at tumingin sa akin.

"Yes?"

"Naiwan niyo po sa counter." Inilapag niya sa mesa namin ang planner ko.

"Ay, oo nga! Sorry, Kuya. Salamat po sa pagbalik!" He smiled and went away. Ibabalik ko na sana ang planner sa loob ng bag ko nang may mapansin akong papel na nakaipit dito. Kinuha ko ito at binasa ang nakasulat.

"Joyce?"

"Joyce, okay ka lang?" I heard their worried voices pero hindi ko makuhang sumagot. Hinablot ni Ate Dawn ang papel sa kamay ko at hinagod naman ni Kuya Red ang likod ko.

"Joyce, nangingig ka. Okay ka lang ba?" Tanong ulit ni Kuya Red. Hindi ko mahanap ang boses ko para sabihin sa kanya kung okay lang ba ako.

"Ano na naman ba 'to?" Iritadong tanong ni Ate Dawn.

"Pwedeng patingin?" Iniabot niya ang papel kay Kuya Red. I recited the message that were written on the paper with fear in my voice.

"Join or face Death."

---End of Chapter 12.16.14

The Lady in Shining Armor: Monte Carlo HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon