XLVII. Too Late

801 34 44
                                    

Ito na talaga ang last update, guys! The next update will be the last three chapters and the Epilogue. So medyo matatagalan pa ulit siya. Kapit lang, kasi nalalapit na ang rebelasyon at ang pagtatapos! Speaking of pagtatapos, I would like to take the opportunity to thank esmikaCK20 for a very cute book cover that she made for TLISA! (hindi ko pa siya malagay kasi balak ko siya ilagay sa last part ng story.)

This chapter is dedicated to a fellow mystery/thriller writer, NotYourDreamGirl18. Goodluck sa atin sa mga next attacks ng Incognito! Our chapter's track is Say Something by A Great Big World feat. Christina Aguilera.

SPOILER: Bumigat ng sobra ang loob ko sa pag-sulat ng chapter na ito. Please don't hate me or what for doing this. The story's been plotted long ago and things just have to happen. Read away, guys~

***Dawn's POV***

"Haaai! Kailan kaya ulit tayo makakaranas ng ganun, no? Ang hirap din pala ng naka-kulong lang sa loob ng school, buti nakakayanan niyo?" Naka-tayo so Joyce sa tapat ng kama niya at nag-i-stretching. Kalalapag lang namin ng mga gamit namin mula sa overnight stay namin sa Crowne Pacific Hotel.

"Marami naman kasing pwedeng gawin dito sa school, Joyce. Masasanay ka rin."

"I guess that's what keeps the SC busy. Para hindi ma-bore to death ang mga estudyante dito!" She chuckled and opened her closet. Humiga muna ako sa kama ko at nag-isip ng kung ano'ng pwedeng gawin ngayong araw ng Linggo. I felt something moved around my neck and I remembered that Vince gave me this last night. Hindi ko akalain na may pagkakataon pala na maibibigay sa akin para maramdaman ang ganito. To be loved and to love.

"Day dreaming lang ang peg, Ate Dawn?" Nagulat pa ako nang marinig ko ang tinig ni Joyce. "Ganda ng kwintas! Bigay ni Kuya Vince 'yan?"

"Oo. Ang daya nga kasi hindi ko man lang siya nabigyan ng kahit ano. Lagi na lang siya ang nagbibigay sa 'kin."

"May tanong lang ako, Ate Dawn. Simula ba nung umpisa, type mo na talaga si Kuya Vince?"

"Bakit mo naman naisip ang tanong na 'yan?"

"Just answer the question, okay?"

"Ang kulit mo talaga, eh no?" I chuckled at her persistence. "Well, to answer your question, hindi. Never did I imagine na magugustuhan ko siya."

"What happened, then?" She was now seating on her bed, holding her towel and undies. Mukhang balak niyang maligo, pero inuna pa ang chismis.

"Nadaan ako sa tiyaga. Tapos ayun, hindi ko namalayan, gusto ko na rin pala siya."

"Taray ng love story niyo! So, siya lang ang naglakas-loob na ligawan ka sa buong Monte Carlo?"

"What do you mean by that?"

"I mean... kung... may ibang nanligaw sa 'yo. Or... nagparamdam man lang, ganun." I felt like she's trying to direct the conversation towards something that I couldn't figure out.

"Wala. Walang may lakas ng loob, maliban kay Vince."

Early the next morning, students were crowding in front of the Admin Building. Nailabas na pala ang Top of the Class list. I stood a few feet away from the crowd and waited for the number to decrease. Ayokong makipag-siksikan sa dami ng taong 'yan. Besides, parang alam ko naman na kung kaninong pangalan ang nakasulat sa number one. Meron pa ba'ng iba?

"I'm on top! I'm on top!" I felt my body being lifted off the ground at nagpa-ikot ikot ang tingin ko sa paligid. Tumigil na ang pag-ikot at dahan-dahan akong ibinaba muli sa lupa. I had to grab his arm for support. Medyo nakakahilo ang ginawa niyang pag-ikot sa akin.

The Lady in Shining Armor: Monte Carlo HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon