Chapter Forty Nine.

149 8 1
                                    

Anghel Pov.

Pagpasok niya sa loob sobra itong tahimik. Nilibot niya ng tingin ang buong bahay, sobra talaga itong tahimik.

Where's my parents?

Dumaan ang isang katulong nila na si Charilyn kaya tinanong niya ito.

"Where's my Mom and Dad?"

Umiwas ito ng tingin sa kaniya kaya tumaas ang kilay niya. May pakiramdam kasi itong ayaw nito magsalita.

"Magsasalita ka ba o tatahiin ko 'yan dila mo?" pagbabanta ko sa kaniya, namutla ito.

"Pasensya na Senyorita pero hindi ko talaga pwedeng sabihin sa'yo ang ginagawa ng Mom and Dad mo dahil bilin nila 'yun sa'kin," natatakot nitong sabi.

Bigla ay nakaramdam ako ng kaba, hindi kaya bumalik na naman ito sa dati nilang ginagawa? Sa isipan iyon nakaramdam ako ng bigat sa puso.

"Lumayas ka nga sa harapan ko bago pa kita masipa,"

Agad itong umalis muntik pa nga itong madapa sa pagmamadaling maglakad.

Bumuntong hininga ako at umakyat na. Pagpasok ko sa kwarto pabagsak akong umupo sa kama ko. Kanina lang ang saya ko pa, pero ngayon mabigat na nararamdaman ko.

Ang hirap talaga maging masaya, mas grabi ang lungkot na kapalit.

Tumingin ako sa cellphone ko, napaismid ako ng tignan ko ang oras ng cellphone ko. 7:30pm pa lang.

Humiga ako.

"Happy birthday to me and Kambal," mapait kong sabi.

Unti unti kong pinikit ang mga mata ko hanggang sa hindi ko namalayan nakatulog na pala ako.

"Anghel wake up!" inis na tinutulak ko ang kamay na yumuyogyog sa'kin.

Tumagilid ako.

"Ang hirap naman niyang gisingin,"

"Anong gagawin natin kanina pa natin siya ginigising pero ayaw niyang magising?"

"I have an idea,"

Nananaginip ba ako? Bakit parang naririnig ko ang boses nila Aisha, Sienna at Amber?

"Ahhh!" sigaw ko ng may sumipang malakas sa likod ko at nahulog ako sa kama.

"P*tangina!Sinong sumipa sa'kin?!" galit kong sigaw sabay tayo.

Kumunot ang noo ko ng makita ko si Aisha na nakaupo sa kama habang nakangiti sa'kin.

"You!? What the hell are you doing here?!" galit kong sabi sabay turo sa kaniya.

"Well, I'm your fairygod mother today, so, make it fast magbihis ka na," sabi niya sabay kibit balikat.

Ngumiti ako sa kaniya syaka umupo sa tabi niya. Bago pa siya makapagsalita ay hinampas ko na siya ng unan sa mukha kaya tumaob ito sa kama.

Hindi ko napigilan ang matawa nang makita ko kung paano siya tumaob sa higaan ko, nakabukaka kasi itong bumagsak.

"T*ngina mo Anghel!" galit na sabi niya.

Susugurin niya sana ako ng may dalawang tao na lumabas mula sa pagkakatago ng kama ko at magkabilaan siyang hinawakan sa balikat niya.

"Aha! Sabi na eh, hindi ako nagkakamali nandito din kayong dalawa," sabi ko.

Hindi nila pinansin ang sinabi ko, may binulong pa si Sienna kay Aisha kaya kumalma ito.

THE QUEEN OF BITCH: Anghel Sy Tough[UNDER REVISIONS]Where stories live. Discover now