Chapter Forty Four.

31 2 0
                                    

Anghel Pov.

"Ito yung park na madalas kong pagtambayan nung bata pa ako." Sabi ko kay Legend habang nakaturo sa park.

Tahimik lang siyang nagmamasid sa mga tinuturo ko sa kanya. After ng nangyari kanina medyo naging akward kami. Pero buti na lang hindi rin iyon nagtagal.

Kanina ko pa siya tinu-tour guide dito samin, tahimik lang siyang nagmamasid, minsan tumatango siya, minsan naman nagtatanong siya. Masyadong mahal ang laway niya para magsalita ng magsalita. Hmp.

Lumapit kami sa duyan, tatlo ang duyan rito. Matibay parin siya hanggang ngayon. Umupo ako at ganun rin siya.

"Dati kapag napapagalitan ako ni lola dahil napapaaway ako, eto ang puntahan ko. Ang park." Sabi ko at inaalala ang mga pinagsamahan namin ni lola nung nabubuhay pa siya.  "Tapos umuupo ako dito sa duyan, at iduduyan ko siya ng ganito kalakas." Sabi ko pa at dinuyan ng malakas ang duyan ko.

"Hindi ka ba natatakot mahulog kung ganyan kalakas ka mag duyan?" Tanong niya.

Inapak ko sa lupa ang paa ko para i-balanse ang sarili ko at huminto sa pagduyan ang duyan ko.

"Hindi. Kasi sa pamamagitan ng pagduyan ko ng malakas, hindi makikita ng mga kasing edad kong bata na umiiyak ako. Kasi lahat ng luha ko tinatangay lang ng hangin, kung sakali man na mahulog  ako sa duyan at makita nila na umiiyak ako, iisipin lang nila na umiyak ako dahil nasaktan ako sa pagkakahulog ko sa duyan. O-ha ang talino ko 'no?" Sabi ko sa kanya na tumatawa.

Pero hindi siya tumawa seryoso lang siyang nakatingin sakin. Kaya napaiwas ako ng tingin sa kanya.

"Kahit noong mga bata pa tayo ayaw mong may nakakakita sayong ibang tao na umiiyak ka. Hanggang ngayon ganun ka parin." Seryoso niyang sabi.

Ngumiti ako ng mapait.  "Ayaw kong ipakita sa ibang tao ang kahinaan ko, ayaw kong ipakita sa kanila na ang kilala nilang Anghel na matapang at bitch, ay umiiyak rin. Sayo lang naman ako nagpapakita ng kahinaan eh."

"I know. Pero hindi masamang ipakita sa kanila ang kahinaan mo. Hindi purket kilala kana nilang matapang at bitch, paninindigan monang ganyan ka nga. Hindi ka robot, nasasaktan ka rin at umiiyak. Dapat mong ipakita sa kanila, na tao ka parin at marunong masaktan."

THE QUEEN OF BITCH: Anghel Sy Tough[UNDER REVISIONS]Where stories live. Discover now