Chapter Thirty One.

384 30 4
                                    

Anghel Pov.

Unti unti kong minulat ang mga mata ko napangiwi pa ako ng maramdaman ko ang pagkirot ng likod ko. Nilibot ko ang paningin ko puro puti ang nakikita ko hanggang sa dumapo ang mata ko sa lalaking natutulog sa tabi ko.

Si Legend.

Hahawakan ko sana ang buhok niya ng may magsalitang babae.

"Buti naman at gising kana Ma'am." Tumingin ako sa babaeng nagsalita.

"And who are you?" Mataray na tanong ko sa kanya habang nakataas ang isang kilay ko.

"Ako si Yna Squares, nurse dito sa clinic, matagal ka rin nakatulog. Kaninang umaga ka pa nandito tapos nagising kana 6:30pm." Sabi niya sabay tingin sa relo niyang suot.

Medyo nagulat pa ako sa sinabi niya pero ng maalala ko na nahampas nga pala ako sa likod ng upuan ni Jeremie hindi na lang ako nag abala pang magsalita.

Kaya pala masakit ang likod ko. Tangina matutulog ako nitong nakadapa!

"Fuck you're awake!" Sabi ni Legend na kagigising lang.

Agad siyang umupo sa tabi ko at hinawakan ang magkabila kong pisngi.

Nailang ako sa ginawa niya kaya umiwas ako ng tingin, pero iniharap niya ulit ang mukha ko sa kanya at taimtim na tumingin sa mga mata ko.

"Kamusta ang pakiramdam mo? Masakit ba ng sobra ang likod mo? Hindi mona ba kaya ang sakit? Sabihin mo lang dadalhin na kita sa hospital." Sunod sunod na tanong niya.

*Dub dub dub dub*

Hindi ako makapagsalita sa sobrang lakas ng kabog ng puso ko. Feeling ko anytime lalabas na ang puso ko sa sobrang kabang nararamdaman ko.

Pinilit kong umupo sa kama kaya lang hindi ko napigilan ang mapa-aray dahil kumirot ang likod ko.

"Tangina! Dadalhin na kita sa hospital." Natatarantang sabi niya.

Akmang bubuhatin niya ako ng iharang ko ang kamay ko sa mukha niya at tinulak siya ng mahina.

"What the fuck!"

Napakagat labi ako para pigilan ang pagtawa ko ng makita ko ang mukha niyang nakasimangot.

"Relax ka lang jan fuckboy, okay na ako." Sabi ko at pinipigilan huwag matawa.

Kumunot ang noo niya dahil sa sinabi ko.

"May okay bang umaaray?" Inis na sabi niya.

"Oo masakit pero kaya ko naman, ang OA mo rin eh, no."

Tumingin ako sa nurse na naaaliw na nakatingin saming dalawa. Nakangiti ito ng malawak at para bang nag eenjoy siya sa pinapanuod niya.

Pakiramdam ko namula ang dalawang pisngi ko ng tumingin siya sakin na halata sa titig nito ang pang aasar sakin.

"Kailangan mo parin magpa check up sa hospital para mapa x'ray yang likod mo, kung may bali ba o wala. Bibigyan kita ng gamot para iinumin mo tuwing kikirot yang likod mo." Pagkatapos niyang sabihin yun ay umalis na siya.

"Bakit mo ba pinangharang ang sarili mo sakin, anong tingin mo sa katawan mo bato?" Panenermon niya.

Kasi mahal kita at dahil nga mahal kita ayaw kong masaktan ka.

"Bakit hindi ka nalang mag thank you sa pagliligtas ko sayo." Sabi ko sabay irap.

"Ouchh." Daing ko ng pitikin niya ang noo ko.

"Silly girl next time don't do that again. 'Cause i dont want to hurt you." Seryoso niyang sabi.

Tinitigan ko siya sa mga mata niya may kung anong humaplos sa puso ko ng matitigan ko ang brown niyang mata.

May kung anong emosyon dito na hindi ko mapangalanan. Hinawakan ko ang pisngi niya at tipid na ngumiti.

"I don't want to hurt you too." Seryoso ko rin na sabi sa kanya.

Nakita kong napatingin siya sa mga labi ko kaya hindi ko maiwasan ang mapalunok dahil sa kakaibang titig niya.

Hanggang sa namalayan ko na lang na unti unti ng bumababa ang mukha niya sakin.

Pinikit ko ang mga mata ko at hinintay na dumampi ang mga labi niya, hindi iyon nagtagal dahil naramdaman ko ang malambot niyang labi sa labi ko.

Nung una dampi lang ito hanggang sa ginalaw nito ang labi niya na bahagya niya pang kinagat ang labi ko, na para bang sinasabi nito na ibuka ko pa ang labi ko.

At ganun nga ang ginawa ko sinabayan ko ang paghalik na ginagawa niya, sobrang saya sa pakiramdam ang nararamdaman ko ngayon pakiramdam ko nasa ulap ako sa sobrang gaan ng pakiramdam ko.

Hinawakan niya ang likod ng ulo ko at mas lalo niyang diniin ang halik niya sakin, pati ang kanyang dila nagsimula na rin gumalaw sa loob ng bibig ko.

Gosh bakit ang galing niyang humalik..

Napahiwalay kami ng may marinig kaming tumikhim namumula akong tumingin sa taong tumikhim.

Si Ms. Yna malawak ang pagkakangisi niya habang may hawak na gamot.

"Sorry sa abala pero kailangan ko lang 'to ibigay sa pasyente ko." Nakangising sabi niya.

Tumayo si Legend at umupo sa upuan malapit sa pintuan.

"Okay." Parang wala lang na sabi ni Legend.

Hindi ba sya nahihiya na nahuli kami? Bwesit na lalaki 'to!

Lumapit sakin si Ms. Yna habang nakapaskil parin sa labi nito ang pang aasar.

"Heto ang gamot mo inumin mo yan kapag kumikirot ang likod mo, at katulad nga ng sinabi ko mas mabuting mag pa-check up ka sa hospital para matignan yang likod mo. Kung may bali ba yan o wala." Tumango tango naman ako sa mga sinabi niya.  "Girl bata ka pa mag aral mona kayo, hindi nakakabuntis ang halik pero kapag tumirik yang mga mata mo sa sarap, sigurado ilang buwan lang nakalunok kana ng pakwan." Mahina niyang bulong sakin.

Nag init ng sobra ang pisngi ko dahil sa sinabi niya. Pagkatapos niyang sabihin yun ay umalis na siya.

Tumingin ako kay Legend nakakunot ang noo, umiwas ako ng tingin ng maalala ko ang sinabi ni Ms. Yna.

Bwesit na nurse yun ang bastos ng bunganga! Grrr...

"What happened to you bakit ka namumula?" Hindi ko napansin na nakalapit na pala sakin si  Legend.

"W-wala... Syaka hindi ako namumula no, rossy cheeks lang talaga ako." Maang na sabi ko.

Sabay kaming napatingin sa pintuan ng bigla itong bumukas unang pumasok si Laureen na may pag aalala sa mukha. Kasunod niya sila Harry, Sienna, Aisha, Amber at ang mga kaibigan ni Legend.

"Anghel kamusta ang pakiramdam mo?" Nag aalalang tanong sakin ni Laureen.

Akmang lalapit sakin si Laureen ng humarang si Legend.

"Subukan mong lumapit sa kanya gagapang ka paalis sa clinic na 'to." Malamig at may pagbabanta sa boses nito.

"Wow naman Mr. Foresteist binabakuran mona ba si Anghel?" Pang aasar sa kanya ni Harry.

Pero hindi siya pinansin ni Legend kaya napakamot na lang sa ulo si Harry.

"Tingin mo ba natatakot ako sayo Dash? Hindi siya sayo kaya huwag mo syang inaangking!" Rinig kong galit na sabi ni Laureen.

Dahil nga nasa pagitan naming dalawa ni Laureen si Legend hindi ko tuloy makita ang reaksyon ni Laureen.

"She's mine Laureen, she's mine." Pagkatapos sabihin yun ni Legend humarap siya sakin.

At sunod ko nalang namalayan hinalikan na pala ako ni Legend.

Shit! Heaven this..

***

THE QUEEN OF BITCH: Anghel Sy Tough[UNDER REVISIONS]Where stories live. Discover now