Chapter Forty Five.

34 3 0
                                    

Anghel Pov.

Napangiti ako ng marating na namin ang sapa na paborito kong lugar. Aminin ko, malayo talaga ang lugar na ito, mga dalawang oras na lakaran.

Kaya hindi na ako magtataka kung kanina pa bwesit na bwesit na sakin si Legend, Hahaha. Tinignan ko ang kasama kong lalaking suplado, kahit hindi siya nakangiti, nakikita ko sa kanyang mga mata na nagugustuhan niya itong secret place ko.

Tumingin ako sa sapa na kumikinang dahil natatamaan ng sikat ng araw, asul na asul ang kulay nito. Pati ang mga iilan na bulaklak na nasa gilid nito ay maganda rin tignan.

"I like this place, it's so peaceful." Puri ni Legend.

"I know, right." Mayabang na sagot ko.

Tumalikod siya sakin at tinitigan ang
asul na asul na sapa. Tatalikod na sana ako ng may naisip akong kapilyahan.

Dahan dahan akong naglakad papunta sa likod niya, bago pa siya makalingon sakin malakas ko siyang tinulak.

"It's swimming time. Wooaahhh..." Malakas na sigaw ko ng mahulog siya sa sapa.

Pero lumipas ang kalahating oras hindi parin umaangat mula sa tubig si Legend. Bigla akong kinabahan ng wala akong makitang kahit na anong bakas niya.

Hindi ba siya marunong lumangoy? Pero imposible... Noong mga bata pa kami kapag nag su-swimming kami, marunong siyang lumangoy. Actually magaling pa nga siyang lumangoy eh!

"Legend? Nasaan ka?" Sigaw ko pero wala akong narinig na boses niya.

Kaming dalawa lang ang nandito sa sapa at sobrang tahimik pa ng paligid, kaya malabo na hindi ko maririnig ang boses niya, kahit mahina pa iyon.

"Legend? Please! Magsalita ka. Nasaan ka?" Muli kong sigaw.

Pero katulad kanina tanging paghuni lang ng mga ibon ang naririnig ko. Mas lalo akong kinabahan, kung saan saan na ako nagpalingon lingon dahil hindi ko alam ang dapat kong gawin.

Hindi kaya napalakas ang pagtulak ko sa kanya? Tapos tumama ang ulo niya sa bato.

Dahil sa naisip ko mas lalong tumindi ang kaba na nararamdaman ko, nagsimula na rin akong matakot para sa kanya. Kapag may nangyaring masama sa kanya hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko!

"Tangina mo Anghel, ang bobo mo kasi! Bakit mo ba siya tinulak!? Pinahamak mo lang siya! Gaga ka! Stupid! Stupid!" Sermon ko sa sarili ko habang sinasabunutan ang sarili ko.

Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko sa pisngi, agad akong sumulong sa sapa. Hanggang dibdib ko ang tubig. Lumangoy ako at nagsimulang hanapin siya pero hindi ko siya makita.

Nang kinakapos na ako ng hangin ay umahon ako, patuloy parin ang pagtulo ng mga luha ko. Ang puso ko ang lakas ng kabog dahil sa pinaghalong kaba, takot, at pagsisisi.

"Legend... I'm sorry... I'm sorry..." Umiiyak kong sabi.

"Legend? Asial ko. Naririnig mo ba ako? Nasaan ka? Please... I'm sorry... I'm sorr--" Hindi ko na natapos ang pagsasalita ko ng may isang braso ang pumulupot sa baywang ko.

"Hush now baby. I'm sorry kung pinag alala kita." Parang tumigil ang ikot ng mundo ko ng marinig ko ang boses niya.

Ramdam na ramdam ko ang mainit niyang hininga na nakatapat sa tenga ko. Hindi pa ako nakakapagsalita ng iharap niya ako sa kanya. Nang makita ko siya tuluyan na akong napahagulhul at niyakap ko siya ng mahigpit.

Mas lalo kong na realize na sa lumipas ng ilang taon, hindi parin nagbabago ang pagmamahal ko para sa kanya. Mas tumindi pa nga sa araw araw na nakakasama at nakikita ko siya.

"I'm sorry Asial ko kung tinulak kita. Akala ko may nangyari ng masama sayo--" Muli akong natigil sa pagsasalita ng dumampi ang labi niya sa labi ko.

Gulat na gulat ako, hindi ko alam na hahalikan niya ako. Nakadilat ang mga mata ko habang nakapikit ang kanya. Hindi gumagalaw ang labi niya, magkadikit lang pero ramdam ko ang kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko hanggang sa puso ko.

Humiwalay ang labi niya sa labi ko at saka niya dinilat ang mga mata niya. Tumingin siya sa mga mata ko at pinagdikit ang noo namin dalawa.

"Ilang beses mo man akong itulak, kahit gaano man katagal. Babalik at babalik pa rin ako sayo." Seryoso niyang sabi at nakatingin sa mga mata ko.

Magkatitigan lang kaming dalawa sa mga mata, ang mga kamay ko ay nakapulupot parin sa leeg niya. Habang ang dalawa niyang kamay ay nasa baywang ko.

Unti unti niyang nilapit ang mukha niya sa akin, kaya pumikit ako. Hanggang sa maramdaman ko ulit ang malambot niyang labi, hindi katulad kanina na magkadampi lang ang mga labi namin. Ngayon ay ginagalaw na niya.

Binuka ko ang bibig ko para mas lalo kong namnamin ang halik niya, may kung anong paro parong nagliliparan sa tyan ko. Ang halik niya ay nagdudulot sakin ng labis na saya.

Pero may mga katanungan na gumugulo sa isip ko. Katulad ng, ano ba ang namamagitan sa saming dalawa, kung ano ba talaga ang nararamdaman ni Legend para sakin, at higit sa lahat kung pareho lang ba kami ng nararamdaman sa isat isa.

Gusto ko malaman ang sagot, pero nandoon rin ang takot. Takot na baka hindi kami pareho ng nararamdaman ni Legend, dahil ang mahal niya ay ang kakambal ko... Si Angelica.

Naramdaman kong mas lumalim ang halik sa'kin ni Legend, imbis na itulak siya buong puso kong tinanggap iyon. Mas humigpit ang yakap ko sa kaniya.

Nakagat ko pa ang labi ko ng mariin ng unti unting bumababa ang labi ni Legend sa leeg ko. Habang ang kamay niya ay nagsisimula na rin maglikot.

Ang kaninang kamay niya na nasa baywang ko ay ngayon nasa loob na ng damit ko at dinadama ng palad niya ang tiyan ko. Alam kong mali 'to, pero ang katawan at puso ko ay pinagkakanulo ang sarili ko sa mga haplos niya.

Naghahalo ang nararamdaman ko, takot, kaba at excitement.

Napahigpit ang hawak ko sa buhok niya ng mas bumaba ang halik niya papunta sa dibdib ko, napaliyad pa ako para mas bigyan siya ng access sa gagawin niya.

"Ahhh!" mahina kong ungol ng dumapo ang bibig niya sa isa kong bo*bs. Habang ang isa niyang kamay ang busy'ng busy sa paglalaro ng isa ko pang bo*bs.

Halos hindi ako makahinga sa sensation na nararamdaman ko sa ginagawa niya. Lumipat ang labi niya sa isa kong bo*bs at ito naman ang pinaglaruan ng dila niya. Kahit hindi pa natatabggal ni Legend ang damit ko ramdam na ramdam ko pa rin ang mainit niyang labi, at ang dila niyang nag e-enjoy paglaruan ang bo*bs ko.

Binitawan niya ako bo*bs ko at muli akong hinalikan sa labi. Nagulat ako ng bigla niya akong hilahin pababa sa tubig. Hindi niya binitawan ang mga labi ko, nang makabawi ako sa gulat sinabayan ko ang halik niya.

Hanggang sa pareho kaming umahon sa tubig. Natigil ang paghahalikan namin pagdilat ko seryoso siyang nakatingin sa'kin kaya nakaramdam ako ng hiya sa nangyari. Aalis sana ako ng mas humigpit ang hawak niya sa bewang ko.

Hindi ako makatingin sa kaniya at feeling ko pa pulang pula na ang buong mukha ko.

Shocks!

"Look at me Anghel," pero hindi ko siya sinunod.

Hinawakan niya ang baba ko syaka hinarap ang mukha ko sa kaniya.

"Next time I won't stop myself and I will make you mine,"

Umiwas ako ng tingin sa kaniya kasi mas lalong namula ang mukha ko.

Gosh! Bakit bigla akong na excite?! Omg! My hormones stop it!

"Uh, tapos," pangbabara ko sa kaniya para pagtakpan ang kahihiyan na nararamdaman ko.

"Then I'll make you scream," nakangisi niyang sabi.

Nanglaki ang mga mata ko kaya nahampas ko siya.

*****

THE QUEEN OF BITCH: Anghel Sy Tough[UNDER REVISIONS]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang