Chapter Thirty Two.

309 27 0
                                    

Anghel Pov.

"Thank you sa paghahatid sakin Asial." Sabi ko sa kanya habang nakangiti ng matamis.

Siya kasi nag prisenta na ihatid ako pauwi, actually silang dalawa talaga ni Laureen ang namimilit na ihatid ako.

Nag tatalo pa sila kung sino ang maghahatid sakin, hinintay ko magsuntukan sila para magkaalaman na kaso inawat na sila ni Harry.

At dahil nga ayaw magpatalo ng lalaki na 'to ayon kinarga ako palabas ng clinic. Gago nga eh, dahil sa pag aaway nilang dalawa nakalimutan niyang masakit ang likod ko.

In the end nasapak ko siya sa mukha, ang resulta may black eye siya ngayon sa kaliwa nyang mata. Grabi ang galit niya nung sinapak ko siya sa mukha, pero nung pinaalala ko ang likod ko sa kanya medyo kumalma na siya.

About sa kiss? Ayon nag mukhang palengke ang loob ng clinic dahil sa malakas na hiyawan nila Aisha, Sienna, Amber at ng kaibigan ni Legend. Except lang kay Laureen na umuusok ang ilong sa sobrang galit.

Tingin ko dapat ko ng kausapin si paepal about sa nararamdaman niya para sakin, ayaw ko siyang paasahin pero ayaw ko rin naman siyang masaktan.

Hayst! Basta mag iisip mona ako ng tamang oras para makausap siya.

Kumunot ang noo niya kaya kumunot din ang noo ko.

Haha wala lang trip ko lang gayahin expression niya, pansin ko kasi madalas kumunot ang noo ng lalaki na 'to.

"What are you doing?" Nakakunot ang noo na tanong niya sakin.

"Ginagaya ka." Sabi ko habang nakakunot rin ang noo ko.

Napailing siya dahil sa sinabi ko.

"Pumasok kana sa loob." Utos niya, Oo. UTOS.

Itong lalaki na 'to kahit nasa harap na ng bahay namin bossy parin. Hmp!

"Oo na shupi kana, mag iingat ka pag uwi mo Asial." Mas lalong kumunot ang noo niya.

Ano na naman ba?

"Ano ba yang Asial? Kung hindi fuck boy ang tawag mo sakin, Asial naman." Curious na tanong niya.

Ngumisi ako sa kanya.

"Gusto mong malaman kung ano ang meaning ng ASIAL?" Nakangisi kong sabi sa kanya.

Nilagay niya sa bulsa ang isa niyang kamay.

"Of course, ano bang malay ko kung minumura mona pala ako tapos hindi ko pa alam." Sabi niya.

"Kung mumurahin kita edi yung maiintindihan mo na, sayang naman pag e-effort kong murahin ka kung hindi mo rin alam no. Like this oh, tangina mo po."

Natawa ako dahil hindi maipinta ang pagmumukha niya ng minura ko siya, halata sa mukha nito na napipikon siya sakin.

"Honey sino yang kasama mo?" Natigil ako sa pagtawa ng marinig ko ang boses ni mommy.

"Good evening tita." Magalang na sabi ni Legend.

"Ikaw pala yan Hijo, hinatid mo ba ang anak ko?" Sabi ni mommy.

"Yes po tita."

Nakita kong ngumiti si mommy kay Legend, may kakaiba sa mga mata ni mommy. Hinawakan ako ni mommy sa likod kaya napangiwi ako.

"Aaraayy." Daing ko.

Nagtatakang tumingin sakin si mommy pagkatapos sa likod ko.

"Why? What happened to your back?" Nag aalala at nagtatakang sabi ni mommy.

THE QUEEN OF BITCH: Anghel Sy Tough[UNDER REVISIONS]Where stories live. Discover now