Chapter Two.

663 92 15
                                    

Dedicate to KimberlynFalcutila❤😘

Anghel Pov.

"Pasok na." Utos sakin ni Nathalia.

Nandito na kasi kami sa labas ng pinto ng principal office, nilagay ko ang kamay ko sa bulsa ng palda ko at inirapan siya.

Bwesit! Bakit ako lang mag isa ang pinunta niya dito? Bakit hindi kasama si Meryl? Puta! UNFAIR yun!

Imbis hawakan ang door knob buong lakas ko itong sinipa, dahilan para gumawa ito ng malakas na tunog at bumalya ito.

"WHAT THE!" Rinig kong sigaw ng principal sa loob.

Tumingin ako kay Nathalia at ngumisi.

Nanglalaki ang mga mata nitong nakatingin sakin at hindi makapaniwala sa ginawa ko.

"Damn you bitch! Hindi mo na nirespeto ang principal natin!" Galit na sabi niya ng makabawi sa pagkakagulat.

Nagkibit balikat ako.

"Maldita ako. Pakiilam mo ba." Sagot ko sabay pasok sa loob.

Magsasalita pa sana si Nathalia ng isarado ko na ang pinto gamit ang paa ko habang nakatalikod sa kanya.

Tumingin ako sa aming principal na si Mrs.Letty Esco.

Nakakunot noo siyang nakatingin sakin at base sa mukha niya mukhang hindi niya rin nagustuhan ang ginawa ko.

Ngumiti ako ng pagkatamis tamis sa kanya at binigyan ko siya ng innocent look.

"Hindi ka ba marunong humawak ng door knob Ms. Sy Tough?" Sarcastic niyang tanong.

"Hindi eh. Tinuro rin ba yan dito sa school kung paano humawak ng door knob?" Sarcastic ko rin na tanong sa kanya.

Mas lalong kumunot ang noo niya humawak pa ito sa dalawa niyang sentido, habang hinihilot na animo'y stress na stress itong kausap ako.

Umupo siya kaya umupo na rin ako pinatong ko pa ang dalawa kong paa sa isang upuan na nasa harapan ko.

Ngumiti ako ng matamis sa kanya ng tignan niya ako ng masama.

"Ms. Sy Tough ibaba mo yang paa mo." Nagtitimpi niyang sabi.

Kunti na lang magagalit na yan hahaha.

"Mas kumportable ako sa ganitong set up Mrs. Princ-epal." Pang aasar ko pang sagot.

"Hindi mo na ako nirespeto! PRINCIPAL AKO DITO Ms. Sy Tough kaya RESPETOHIN MO AKO. HUWAG MO AKONG BINABASTOS!" Galit na sabi niya.

"Mrs. Princ-epal hindi ko nakakalimutan na princ-epal ka sa school na 'to. Sa araw araw kong pag bisita dito, tandang tanda ko na ang pagmumukha mo bilang princ-epal."

Yeah! Araw araw akong bumibisita dito hindi dahil sa close kami ng principal na 'to, obvious na obvious naman na she hates me a lot  and the feeling is mutual.

Kaya araw araw akong bumibisita dito kasi araw araw akong napapaaway, diba nga? Maraming kumakalaban sakin dahil maraming gustong masungkit ang korona ko as a QUEEN OF BITCH.

Kaya ayon! In the end dito ang bagsak ko sa principal office. Nakakasawa na nga pagmumukha ni Ma'am eh!

"PRINCIPAL hindi PRINC-EPAL!" Inis na sabi nya.

THE QUEEN OF BITCH: Anghel Sy Tough[UNDER REVISIONS]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora