Chapter Forty Eight.

51 4 0
                                    

Author's Pov.

Nakakunot ang noo ni Dash habang nakatingin sa babaeng nakasalampak sa lupa, nakatingin ito kay Anghel at nakikita niya sa mata ng babae na natutuwa ito na makita niya si Anghel.

Kaibigan ba siya ni Anghel? Aniya sa sarili niya.

Napansin niya rin ang mga studyante na medyo napaurong ng makita nila si Anghel, at kitang kita sa mga mukha nito, ang takot?

Takot sila kay Anghel? Pero bakit? Tanong niya sa sarili niya.

Kanina lang tuwang tuwa pa sila sa pagkakabuhos ng babaeng kaharap ni Anghel ngayon na nakasalampak sa lupa, pero ngayon para silang nakakita ng multo.

Naguguluhan siya sa nangyayari, pero ganun pa man gusto niyang hayaan si Anghel sa balak nitong gawin.

"Sino ka ba?" Sigang tanong ni Lilybeth kay Anghel.

Natawa si Anghel, tawa na parang nang iinsulto. Tinignan ni Anghel si Natahalia na nakasalampak parin sa lupa, at nakatingin sa kanya.

Tinaasan niya ito ng kilay. Nakapagtataka na hindi ito lumalaban sa babaeng feelingera na kaharap niya. At bukod pa doon, school president siya ng Sanford Academy. So, bakit binu-bully na siya ngayon?

Ang daming tanong na tumatakbo sa isip niya pero saka niya na tatanungin si Nathalia. Pagkatapos niya sa babaeng bibida bida na 'to!

Inabot niya ang kanyang kamay kay Nathalia na mukhang nagulat ito sa kanyang ginagawa, kaya napairap siya rito.

"Dalian mo na... Huwag mong hintayin ang buhok mo ang hilahin ko para makatayo ka." Mataray na sabi ni Anghel kay Nathalia na nanlaki ang mata dahil sa sinabi niya.

Dahil sa takot na gawin nga iyon sa kanya ni Anghel mabilis niyang tinanggap ang kamay nitong nakaabot sa kanya. Knowing Anghel kung ano ang sabihin nito talagang ginagawa ng babae.

Ganyan kamaldita ang dati niyang ka-schoolmate at hindi na siya magtataka na kahit wala na siya dito sa school nila, may takot parin sa kanya ang mga studyante dito.

Ang pagiging 'Queen of bitch' niya sa school na ito, ay mananatiling nakatatak sa kanila hanggang sa grumaduate sila.

Tinignan ni Anghel ng masama ang lalaking may suot na varsity jacket. Nilapitan niya ito at para itong babae na napaurong, ng lumapit siya sa rito.

Ka-lalaking tao duwag! Inis na aniya sa isip.

Lumapit ulit siya sa lalaki pero umurong ulit ito, dahil nauubos na ang pasensya niya sa lalaki nagsalita na siya.

"Isa pang urong mo ipupulupot ko sa leeg mo yang varsity jacket mo. Tangina nito, kalalaki mong tao duwag ka! Ano ka ba lalaki o bakla!?" Galit na sabi niya rito.

"L-lalaki." Sagot sa kanya ng lalaki pero inirapan niya lang ito.

"Akin na yan jacket mo. Bilis!" Utos niya rito na agad naman sinunod ng lalaki dahil hinubad agad nito ang suot na jacket.

Kinuha niya ito at lumapit kay Nathalia, napangiwi pa siya sa itshura ng kaaway niya. Parang hindi si Nathalia ang kaharap niya ngayon, dahil ang kilala niyang Nathalia palaban at magaling umarte.

Tinignan niya ang ilang babae na hindi kalayuan sa kanya, umiwas ang mga ito ng tingin ng makita nilang tinititigan sila ni Anghel.

"Akin na ang mga panyo niyo!"

Hindi maiwasan mapangisi ni Dash sa nakikita niyang pagiging bossy ni Anghel. Hanggang ngayon nagtataka parin siya kung bakit halos lahat ng studyante rito, ay takot sa babaeng kasama niya.

THE QUEEN OF BITCH: Anghel Sy Tough[UNDER REVISIONS]Where stories live. Discover now