Chapter Thirty Seven.

37 5 0
                                    

Author's Pov.

(Song:Forever Young by:Blacpink)

Patuloy parin ang sigawan ng mga studyante at bakas sa mga mukha nito ang excited na mag pe-perform ulit ang section A-Mercury.

"Anghel sigurado ka ba talagang ikaw ang papalit kay Sasha?" Mahinang bulong ni Aisha kay Anghel.

"Ano ka ba Aisha wala ka bang tiwala kay Anghel?" Sabat naman ni Sienna.

"Wala." Walang pakundangan na sabi ni Aisha.

Hindi maiwasan ni Anghel ang mainsulto dahil sa sinabi ni Aisha. Tinignan niya ang mga kasama niya ng seryoso.

"Oo. Hindi niyo nga ako nakakasama sa pag pa-practice, kaya hindi kayo sigurado kung magiging maayos ba ang performance niyo na kasama ako. Pero ito ang tatandaan niyo hindi ako gagawa ng anumang bagay na pwedeng ikabagsak ng section natin. Baka nakakalimutan niyo, kaya nga tayo sumali sa contest na 'to para maangat natin ang section A. Hindi ako sasabak sa isang gyera na hindi handa. Magtiwala kayo sakin katulad ng pagtitiwala ko sa inyo."

Hindi nakapagsalita ang tatlo niyang kasama habang nakaramdam naman ng pagkapahiya si Aisha.

Alam niyang nainsulto niya ito dahil sa sagot niya, pero hindi naman niya iyon sinasadya. Nagpakatotoo lang siya sa sagot niya.

Nakarating na sila sa stage at nagsihanda na, dala ang kabang nararamdaman nila habang cool na cool lang si Anghel.

Samantalang napakunot naman ng noo ang section A ng makita nilang lumabas ang apat na babae sa back stage. Pero hindi iyon ang pinagtataka nila kundi ang class president nila na kasama nila Aisha.

Si Anghel.

Pagkakaalam nila hindi kasali sa pag pe-perform si Anghel, pero ito kaharap nila sa stage ang babaeng cool na cool lang at hindi mababakasan ng kaba. Na kabaligtaran naman ng tatlong kasama niya na halatang kabadong kabado.

"Akalain mo nga yun kasali pala si president sa pag pe-perform. Sexy ni president oh. Bagay na bagay ang suot niya, ang kutis ng balat." Nakangising sabi ng lalaki.

Mababakas sa mukha nito ang pagnanasa sa mga mata niya sa apat na babae. Katabi ito ng section nila sa section B-Dahlia.

"Witwiw... Ang ha-hot nila. Nung una si Amber ngayon naman sila, idagdag pa ang hot na hot na President nila. Nakakapang init tangina." Segunda naman ng isang lalaki na katabi nito.

Hindi nakapagpigil si Dash at sinuntok niya ang dalawa.  Gulat na gulat naman ang dalawa sa pagsuntok ni Dash sa kanila.

Hindi makapalag ang dalawa kay Dash dahil takot sila dito, lalo na nanglilisik ang mga mata nitong nakatingin sa kanilang dalawa.

THE QUEEN OF BITCH: Anghel Sy Tough[UNDER REVISIONS]Where stories live. Discover now