Chapter Fifteen.

355 51 12
                                    

Anghel Pov.

Taas noo akong naglalakad papasok ng school hindi sa bago kong school, kundi sa DATI kong school.

Maraming napapalingon sa akin habang naglalakad, may nagtataka rin sa mga mukha nila kung bakit ako nandito but i don't fucking care! Hindi sila ang pinunta ko dito.

Suot suot ko parin ang uniform ko sa Golden Precious Acedemy.

Pumunta ako sa library alam ko doon namamalagi araw araw ang pinunta ko dito at hindi nga ako nagkakamali ng makita ko siya.

Nanglaki pa ang mata niya ng makita ako pero nginisihan ko lang siya at sumenyas sa kanya na sumunod sya sakin sa labas.

Pagkatapos lumabas na ako ng library. Hindi nagtagal nakita ko rin siya na lumabas sa library.

"A-anong ginagawa mo dito?" Tanong niya sa akin.

"Surprise Ms. School President?" Nakangisi kong sabi sa kanya nag cross arms ako. 

Oo ang punyetang Nathalia na 'to ang nagpasabit ng tarpaulin.

"Sa palagay mo ba ikaw lang ang pwedeng mag byahe ng ilang oras?" Dagdag na sabi ko pa.

Lumingon lingon mo na siya sa paligid niya ng makita niyang maraming studyanteng tumitingin samin nginingitian niya ito.

Plastik! Akala mo kung sinong mabait na school president may tinatago naman na baho! Isang masangsang na amoy.

"Halika huwag tayo dito mag usap." Hahawakan niya sana ako pero umurong ako palayo sa kanya.

"Huwag kang lalapit sa akin baka mahawaan pa ko ng masangsang mong amoy." Mataray na sabi ko sa kanya.

Nakita ko kung paano niya ako tignan ng masama na palihim pero agad din iyon nawala.

"Ano bang pinunta mo dito?" Painosente niyang tanong.

"Alam mo kung ano ang dahilan ko kung bakit ako nandito Nathalia! Kahit nasa malayo na ako pinipiste mo pa rin ako, at ang kapal din ng mukha mo para sirain ako sa bago kong school!" Nanggagalaiti kong sabi sa kanya.

"I-i don't know what are you talking about." Pagsisinungaling niya.

"Crap that drama Nathalia, don't fool me! Alam kong ikaw ang nagpasabit ng tarpaulin sa new school ko! Siniraan mo ako dahil lang nakipaghiwalay sayo ang ex-boyfriend mo?! Ang babaw mo naman na babae isa ka pa naman din president ng school na 'to."

Nakakuha na rin kami ng atensyon sa ibang studyante kaya medyo natataranta na siya.

"Ano ba wag ka ngang gumawa ng scandalo dito " Nagtitimping sabi niya kaya natawa ako sabay nag cross'arms.

"Ako pa? Ako pa talaga ang gumagawa ng scandalo? Sino ba ang naunang gumawa ng scandalo diba IKAW? Nananahimik ako sa new school ko tapos nag utos ka na isabit ang tarpaulin na ginawa mo, anong dahilan? Kasi INIWAN KA NG EX-BOYFRIEND MO, AKO ANG SINISISI MO DAHIL NILOKO KA LANG NG EX-BOYFRIEND MO AT INIWAN KA PARA IPAGPALIT SA IBA."

"I don't know what are you talking about Anghel. Kung gumaganti ka sa akin dahil dinala kita sa principal office kaya ka na kick out, I'm sorry pero ginagawa ko lang ang trabaho ko as a president ng school na 'to." Umiiling na sabi niya sa mahinhin na boses.

Plastik talaga.

"Ang kapal talaga ng mukha mo, ano? Nakuha mo pang umarte sa akin ng ganyan! Pagkatapos ng ginawa mong paninira sa akin sa bago kong pinapasukan! Bakit takot ka malaman ng lahat ng studyante dito na ang kinikilala nilang mabait at mahinhin na presidente ng school na to ay isang BABAENG DESPERADA SA LALAKI. Takot kang LUMABAS ANG BAHO MO, Sabagay ang mga katulad mong tao na madudumi mahilig magmalinis kahit naman na umaalingasaw na ang baho."

"Hindi kita siniraan hindi ko alam ang mga pinagsasabi mo!" Naiinis na niyang sabi.

"Tangina mo huwag mo akong artehan ng ganyan, hindi ako director!" Sabi ko.

"Hindi ko nga alam--"

Paaakkkk

Halos tumabingi ang mukha niya ng sampalin ko siya ng sobrang lakas. Naramdaman ko pa ang paghapdi ng kamay ko sa ginawa kong pagsampal sa mukha niya.

Kaya ang kapal ng mukha nito eh, ang tigas ng mukha.

"Ano naalala mo na ba ang ginawa mo?" Ngisi kong sabi sa kanya galit na tumingin siya sa akin.

"Hin--"

Paaakkkk

Hindi na niya natapos ang iba niya pang sasabihin ng sampalin ko siya ulit ng malakas.

Mas lalong dumami ang studyanteng nanunuod samin nararamdaman ko ang pag akyat ng lahat ng dugo ko sa ulo, sa sobrang galit sa babae na 'to. Lalo na sa nilabas niyang pictures ng mga magulang ko.

"ANO HINDI KA PA RIN AAMIN SA GINAWA MO!?" Galit na sigaw ko sa kanya.

Hinila ko ng sobrang lakas ang buhok niya tinignan ko siya ng masama.

"ARAAYY... ANO BA BITAWAN MO AKO, TIGILAN MO NA AKO!" Sigaw niya.

"Hindi kita titigilan hanggat hindi mo nilalabas ang baho mong puta ka! Ano aamin ka ba o hindi!?" Mas lalo kong hinila ang buhok niya.

"OO NA, AAMIN NA AKO! AKO NGA ANG NAGPUNTA SA BAGO MONG SCHOOL AT NAGPALAGAY NG TARPAULIN PARA IPAHIYA KA! GALIT AKO SAYO DAHIL IKAW ANG DAHILAN KUNG BAKIT KAMI NAGHIWALAY NG BOYFRIEND KO. KUNG HINDI MO LANG SANA PINAKITA SA AKIN ANG MGA PICTURES NIYANG MAY KASAMANG BABAE HINDI KO SIYA KOKOMPRONTAHIN. EDI SANA HINDI NIYA AKO HINIWALAYAN!" Umiiyak na sabi niya.

Binitawan ko siya at tinulak kaya napaupo siya pero hindi ito nag abalang tumayo iyak lang ito ng iyak.

"Hindi ka lang tanga bobo ka pa! Ako pa ang sinisisi mo kung bakit kayo naghiwalay ng wala mong kwentang boyfriend!? Pasalamat ka pa nga sinabi ko sayong niloloko ka ng boyfriend mo, eh. Kung gusto mong bumalik sayo ang boyfriend mo maghubad ka sa harap niya habang nakikiusap na bumalik siya sayo, baka sa ganong paraan bumalik sayo ang gago mong ex! Tandaan mo 'to Nathalia eto na ang huling beses na pipistehin mo ako dahil oras na pistehin mo ulit ako titira ka ng ilang buwan sa hospital. Tandaan mo yan!" Pagkatapos kong sabihin yun ay umalis na ako.

Narinig ko pang nagbubulongan ang mga studyante habang nilalait si Nathalia pero wala akong pakiilam mararamdaman niya ngayon kung paano lait'laitin ng mga tao.

***

Ok sabaw ang part na to😪

THE QUEEN OF BITCH: Anghel Sy Tough[UNDER REVISIONS]Where stories live. Discover now