Chapter Eighteen.

401 49 0
                                    

Dedicated to Ms. A Cjane_sone❤😘
-----

Anghel Pov.

Mabilis na bumaba ng train si Legend pagkahinto na pagkahinto ng train. Magkasalubong ang dalawang kilay nito pati ang mukha niya mas madilim pa sa gabi.

I know kung bakit siya ganyan nagalit kasi siya ng tatalon ako sa train, sinigawan pa niya ako kesyo daw nababaliw na ako, kung balak ko daw magpakamatay hwag daw sa harap niya, anong katangahan daw ba ang sumapi sakin, at kung ano ano pa.

"My babaeng nanuntok sakin doon sa train." Nilingon ko ang boses ng lalaki na yun siya yung lalaking sinuntok ko sa train dahil sa sobrang takot.

Nakahawak pa siya sa mukha niyang nasuntok ko ng makita niyang nakatingin ako sa kanya tinignan niya ako ng masama.

Pero nginisihan ko lang siya pagkatapos dumila ako sa kanya nangingiti akong humabol kay Legend.

Kinalabit ko siya pero hindi niya parin ako pinapansin ilang beses ko pa siyang kinalabit pero hindi niya talaga ako nililingon o pinapansin, hinarangan ko ang dinadaanan niya kaya tinignan niya ako ng sobrang sama.

"Bakit ba hindi ka namamansin ah? Nireregla ka na naman ba at umaatake na naman pagiging masungit mo?" Tanong ko sa kanya.

"You stupid girl! Alam mo ba kung ano ang ginagawa mo kanina ah!? Fuck! Tatalon ka sa train paano kung may nangyaring masama sayo!?" Galit na sabi niya tinaasan ko siya ng kilay.

"Oh. Bakit tumalon ba ako? Diba hindi naman? Heto nga oh, buhay na buhay pa ako at humihinga." Sabi ko sabay ismid.

"Fuck! Ginagago mo ba akong babae ka!?" Galit na galit na sabi niya napasabunot pa siya sa buhok niya.

"Bakit ba galit na galit ka hindi naman ikaw ang tatalon sa train! Syaka nakalimutan mo na ba sinabi mo sakin noong nasa garden tayo? Ipapaalala ko lang sayo ah, ang sabi mo SANA AKO NALANG ANG NAMATAY AT HINDI SI ANGELICA!" Inis na sabi ko sa kanya nakaramdam din ako ng sakit sa puso ko ng maalala ko yun.

Hindi siya nakapagsalita at tumitig lang sa akin pagkatapos naglakad na siya. Hindi ko tuloy maiwasan ang malungkot. Nagalit ko ba siya ng sobra? Uuwi na ba siya? Iiwan niya na ba ako dito?

Nakakainis sana hindi ko nalang sinabi yun! Dapat nag eenjoy lang kami dito sa perya katulad noong mga bata pa kami!

Nakita ko siyang umupo sa bench kaya hindi ko maiwasan ang mapangiti.

Hindi sya uuwi.. Hindi niya ako iiwan..

Ako na ang makikipagbati alam ko naman na kasalanan ko eh. My nakita akong nagtitinda ng cotton candy paborito ito ni Legend.

Lumapit ako dito at bumili ng dalawa tig'isa kami. Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya inabot ko sa kanya ang cotton candy, tumingin siya sa akin kaya nginitian ko siya.

"Peace offering ko. Sorry na please? Pwede ba kahit ngayong gabi lang huwag mo na tayong magbangayan?" Sabi ko at nag puppy eyes sa kanya.

Kinuha niya ang cotton candy kaya mas lalong lumawak ang pagkakangiti ko.

"Stupid girl." Sabi niya nakita kong ngumiti siya kaya biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko.

Ngayon kona lang ulit kasi nakita ang mga ngiti niya simula ng umuwi ako dito samin at magkita kami.

Lagi na lang kasi kaming nag aaway at nagbabangayan kahit kailan hindi pa siya ngumiti sa akin.

"Oh. Mas lalo kang nagiging gwapo kapag ngumingiti ka." Sabi ko kaya bigla siyang sumimangot.

"Idiot. Hindi ako ngumingiti." Kaila niya at umiwas pa ng tingin kaya hindi ko napigilan ang matawa sa inasal niya.

"Tara gusto kong sumakay sa mga rides." Sabi ko sabay tayo at hinila siya.

THE QUEEN OF BITCH: Anghel Sy Tough[UNDER REVISIONS]Where stories live. Discover now