Chapter Twenty Four.

382 48 2
                                    

Anghel Pov.

"When we grow up I want to marry you."

"Really?"

"Yes. Its only you I want to be the mom our children to be."

"Promise?"

"Promise"

"GIRLBERT... DARLING! PLEASE LUMABAS KA. HARAPIN MO AKO HINDI AKO PAPAYAG NA MAKIPAGHIWALAY KA SAKIN NG GANUN GANUN NALANG!!"

Nagising ako dahil sa malakas na boses.

May sunog ba?

"GIRLBERT SABING LUMABAS KA JAN EH! ISA! HINDI AKO AALIS DITO HANGGAT HINDI MO AKO KINAKAUSAP! LUMABASS KA JAN!!"

Galit na napabangon ako sa kama habang nakalagay sa dalawang tenga ang kamay ko. Tumayo ako at pumunta sa balkonahe para silipin kong sinong babae ang gumambala sa aking pagkakatulog.

"GILBERRTTT..." Sigaw ulit ng babae habang kinakalampag ang gate namin.

Sinusubukan na rin syang awatin ng ibang katulong namin, pero hindi parin ito tumitigil minumura niya pa ang mga ito.

Bumalik ako sa kwarto ko at tumingin sa salamin medyo magulo ang buhok ko at nakapang tulog ako na may design na teddy bear.

Naalala ko yung panaginip ko, yung panaginip na yun. Promises naming dalawa yun ni Dash noong mga bata pa lang kami pero bakit napanaginipan ko yun?

Siguro para ipaalala sayo yung katangahang ginawa mo noon kay Dash... Singit ng mahadera kong isip.

Napasabunot ako sa inis dahil sa sinabi ng papansin kong isip, pasimple siyang sumegwey kasi wala daw siyang script sa story kong 'to.

Pumunta ako sa ref at kumuha ng paborito kong gummy bears bago ko napag pasyahan bumaba at harapin ang babaeng nagwawala sa labas ng bahay namin.

Pagkababa ko ng hagdan nakita ko si daddy na nakaupo habang nanunuod at parang wala siyang naririnig na nagrarally sa labas ng bahay namin. Nakapagtataka rin na wala itong babae ngayon.

Siguro hindi pa dumadating ang bago niyang babae.

Nakita niya ako kaya ngumiti siya sa akin.

"Goodmorning prin--"

"Queen." Putol ko sa sasabihin niya.

"Yeah. Alright Queen. Goodmorning Queen, gusto mo na bang mag breakfast? Sasamahan kita." Malambing niyang sabi.

"Yung ex mo nag rarally sa labas." Sabi ko at hindi pinansin ang sinabi niya.

Nagkamot ito ng ulo habang umiiling.

"Oo nga eh, kanina ko pa pinapaalis pero ayaw makinig." Tumaas ang kilay ko dahil sa sinabi niya.

Lumabas ako sa bahay ng makita ako ng mga katulong namin natataranta itong lumapit sa akin.

"Nako. Senyorita pasensya na mukhang nagising kayo sa sigaw ng babae ni Sir. Kahit ano pong pigil namin sa kanya ayaw po talagang magpaawat eh." Kinakabahan na sabi ng mayordoma naming si manang Elly.

THE QUEEN OF BITCH: Anghel Sy Tough[UNDER REVISIONS]Место, где живут истории. Откройте их для себя