Chapter Fourteen.

371 51 9
                                    

Anghel Pov.

"Anong gagawin natin?" Natatarantang sabi ni Sienna.

Kanina pa kami sigaw ng sigaw at awat ng awat pero hindi sila nakikinig sa amin.

Nakakaramdam na rin ako ng inis dahil hindi sila tumitigil, inipon ko ang buong lakas ko at hinila sila Laureen at Harry sa kwelyo ng mga uniform nila.

Buti na lang din nahila ko sila at nalayo ko silang dalawa sa apat. May mga pasa na rin ang mukha nila Laureen at Harry pero mas kawawa ang mukha ng apat, mas lalo silang naging panget.

Susugod pa sana sila ng humarang sila Sienna at Aisha sa gitna namin.

"Sige sugod... Para kapag nasaktan niyo ako tignan lang natin ang tapang niyo kapag si kuya ang makaharap niyo!" Pagbabanta ni Aisha tumigil naman ang apat sa paglapit.

"Woah. Anong meron dito?" Tumingin kami sa nagsalita.

Si Remy kasama niya sila Vance at Magnus.

Lumapit si Vance kay Aisha at inakbayan niya ito na seryoso ang mukha.

"Sinaktan ka ba ng mga gago na yan Mhine?" Seryosong tanong ni Vance kay Aisha umiling naman ang isa.

'Hindi pero si Anghel binastos nila." Sumbong ni Aisha.

"Mga gago pala to, eh. Hoy kayong apat kaya niyo na ba ang mga buto niyo ha!? Kaya niyo na kami?" Sigang sabi ni Magnus.

"H-hindi naman namin binastos sila Aisha at Sienna boss." Kinakabahan na sabi ng lalaki na naglagay ng tarpaulin.

Ah. Naalala kona tinawag siya kanina ng kasama niya na Alvin.

"Ulol kaibigan parin nila ang binastos mo." Sabi ni Remy sabay sapak dito tumumba ito.

Napaismid ako dahil sa sinabi niya.

Hindi ko sila kaibigan!

"Pati yang tatlo na yan oh, kung ano ano pinagsasabi kay Anghel." Sumbong rin ni Sienna at tinuro pa ang tatlong lalaki.

Lumapit sila Vance at Magnus inakbayan ni Vance ang isang lalaki habang nakangisi.

"Eto? Aba. Bakit unggoy gwapo ka ah?" Sabi ni Vance sabay sinuntok niya ang lalaki sa sikmura ng malakas.

"Mga puta kayo ang lalakas ng loob niyong mangbastos ng babae. Hindi naman kayo gwapo ako, nga na gwapo gentleman parin kayo pa kaya na mga panget!" Sabi ni Remy at sinapak ang lalaki.

Napairap naman ako dahil sa sinabi niya.

Oh talaga Remy gwapo ka? Saan banda?

THE QUEEN OF BITCH: Anghel Sy Tough[UNDER REVISIONS]Where stories live. Discover now