Chapter Nine.

439 65 8
                                    

Aisha Foresteist Pov.

"Wala pa ba si Anghel?" Tanong sakin ni Sienna.

Nandito kami ngayon sa garden tambayan namin 'to. Hindi samin ang school na 'to pero kapatid ni daddy ang may ari nitong Golden Precious Academy.

Si tita Nazar Foresteist dalaga pa lang siya ng ipagawa niya ang school na 'to sa edad niyang 40's wala siyang asawa.

Sabi niya hindi niya daw kailangan ng asawa. Pero kwento sakin ni daddy may naging boyfriend si tita kaso naghiwalay ang mga ito dahil ipinakasal sa iba ang boyfriend niya.

Naka fixed marriage kasi ang boyfriend niya sa ibang babae.

Nakiusap kami kay tita na kung pwede magpagawa siya ng garden at lagyan niya ng maliit na kubo, para maging tambayan namin pumayag naman si tita.

Kaya yung tumuntong kami ng highschool may tambayan na kami dito, masasabi kong mabait si tita pero parang my pagkamisteryosa siya.

Malapit itong tambayan namin sa gate kaya nakikita namin ang mga nagsisipasukan na studyante.

"Sinong Anghel? Yung babaeng nangiilam sa away namin kahapon? Yung kakambal ni Angelica?" Tanong ni Remy.

"Yup siya nga." Sagot sa kanya ni Sienna.

Nandito sila kuya, Vance, Remy at Magnus kaso wala sila Harry at Laureen minsan lang din naman namin yun makasama.

"Bakit kaklase ba natin siya?" Tanong ni Magnus.

Sumandal ako sa braso ni Vance hinawakan niya ang isang kamay ko. Ngumiti ako sa kanya at ganun din sya.

"Oo kaso pagkatapos niyang suntukin si Harry kahapon umalis na siya, at hindi na bumalik sa classroom." Sagot ko.

"Grabi talaga ang babae na yun ibang iba sa kakambal niya, nasobrahan sa pagiging siga at pagkamaldita." Sabi ni Vance.

Nakwento ko na kasi sa kanila kahapon kung anong nangyari kay Harry. Dahil yung uwian namin, inaalaska nila si Harry dahil sa namamaga nitong mukha at blackeye.

Tinignan ko si kuya na natutulog sa duyan nakatakip ng braso niya ang mga mata niya. Hindi ko tuloy alam kung natutulog ba talaga siya o nagtutulug'tulugan lang.

Yung nakita niya kahapon si Anghel parang wala lang ito sa kanya, kagabi rin nakita ko siyang hawak niya ang picture ni Angelica.

"Oh, ayun na pala si Anghel eh." Sabi ni Magnus na nakaturo pa sa gate.

Tinignan ko ang gate kapapasok lang ni Anghel medyo magulo ang buhok nito, tapos nakaopen pa ang dalawang butones ng uniform niya. Pero hindi naman nakikita ang dibdib nito.

Para rin siga ito kung makalakad nakahawak pa ang isang kamay niya sa medyo magulo niyang buhok, halatang antok na antok pa ito.

Antok na antok? Anong pinag gagawa ng babae na 'to at mukhang puyat siya?

Yung mga ibang lalaki nakatingin sa kanya mukhang humahanga ito sa maamo at maganda niyang mukha. Yung ibang babae naman iniirapan sya.

Insecure yan?

THE QUEEN OF BITCH: Anghel Sy Tough[UNDER REVISIONS]Where stories live. Discover now