Chapter Twelve.

449 67 10
                                    

Anghel Pov.

"Honey, bakit hindi ka pa kumakain?" Takang tanong sakin ni mommy.

Paano ako gaganahan kumain dito kung naglalampungan kayo sa harapan ko?

Dinner namin ngayon at kaharap ko ang mga wala kong kwentang magulang. Katulad ng dati nasa tapat ko sila mommy at daddy na busy sa kanya kanya nilang bussiness.

Si mommy nakaupo sa lap ng new boyfriend niya na naman, habang sinusubuan niya ang lalaki, at si daddy? Heto, halos magpalitan na ang mga labi nila ng babaeng kahalikan niya.

Para akong nanunuod ng porn! Mga bastos hindi na nila nirespeto ang pagkain na nasa harapan namin!

Naiinis ako mas gusto kong sa batanggas na lang ako kaysa nandito ako sa bahay. Kasama ko nga ang mga magulang ko, pero hindi naman sila nagpapaka-magulang sakin.

Bakit ba kasi binayayaan ako ng ganitong pamilya?

Padabog akong tumayo kaya natigil sila sa mga kanya kanya nilang ginagawa. Nagtatakang nakatingin sakin sila mommy at daddy, tumawa ako ng pagak at hindi pinansin ang paninikip ng dibdib ko.

Tangina naman kasi kahit sabihin natin na pinipilit kong balewalain ang mga ginagawa nila, at kahit pilitin kong tanggapin ang situation namin ng pamilya ko. NASASAKTAN PA RIN AKO!

TANGINA! MASAKIT SA DIBDIB!

"Oh. Naistorbo ko ba kayo? Don't mind me, ituloy niyo lang yang ginagawa niyong kawalanghiyaan." Sabi ko at tumawa ng pagak.

Umalis ako at umakyat sa kwarto ko kinuha ko ang gitara ko na nakasabit sa pader, na regalo pa sa akin ni Angelica nang birthday namin.

Ito ang huling regalong natanggap ko sa kanya bago siya mamatay.

Lumabas ako ng bahay gusto ko mo nang magpahangin pumunta ako sa park na malapit lang sa amin. Dito kami naglalaro nila Legend, Aisha, Angelica at ako noong maliliit pa kami.

Dahil gabi na wala ng katao tao sa park na ito. Sobrang tahimik pumikit ako at hinayaan liparin ng hangin ang buhok ko, pero napadilat rin ako ng maramdaman kong may matang nakatingin sa akin.

Nilibot ko ang paningin ko sa buong park, kaso wala akong nakita. Nagkibit balikat na lang ako at pumunta sa puno saka umupo.

Bumuntong hininga mo na ako bago nag gitara at nagsimulang kantahin ang paborito kong kanta.

( I'm with you by: Avril Lavigne )

Im standing on the bridge
Im waiting in the dark
I thought that you'd be here by now
There's nothing but the rain
No footsteps on the ground
Im listening but there's no sound
Isn't anyone tryin to find me?
Won't somebody come take me home?

It's a damn cold night
Im trying to figure out this life
Wont you take me by the hand
Take me somewhere new
I don't know who you are
But im, im with you
Im with you
Yeahh yeaahh

Nakapikit lang ako habang unti unting tumutulo ang mga luha ko, alam ko naman na walang makakakita sa akin ngayon dito.

Walang makakakita na ang isang Anghel Sy Tough ay umiiyak, ang tinaguriang THE QUEEN OF BITCH ng batanggas sa school ngayon ay mahina.

THE QUEEN OF BITCH: Anghel Sy Tough[UNDER REVISIONS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon