Chapter. Twenty Six.

358 33 2
                                    

Anghel Pov.

"Anghel anong gagawin namin dito?" Nagtatakang tanong ni Vance habang tinitignan ang mga labahan na isa isang binababa ng mga katulong namin.

"Ano bang ginagawa sa mga labahan?" Balik tanong ko sa kanya.

Kumunot mona ang noo niya bago magsalita.

"Nilalabhan."

"Good. Ngayon alam mona kung ano ang gagawin niyo jan?" Nakangisi kong sabi sa kanya na ikanalaki ng mga mata niya.

Dinala ko kasi sila dito sa likod ng bahay kung saan naglalaba ang mga katulong namin. At dahil nga mabait ako sa mga BWESIT-A ko ayan naisipan ko silang pagtripan.

Kung tinatanong niyo kung ano ang nangyari kanila Laureen at Legend, heto mukhang okay na ata sila, o feeling ko lang yun? Basta may something kasi sa mga tinginan nila, parang may imaginary na kuryenteng dumadaloy sa mga mata nila kapag nagkakatinginan.

"Ano?? Paglalabhin mo kami? Anghel hindi kami marunong maglaba!" Nababahalang sabi ni Aisha.

Nag cross'arms ako at tinaasan siya ng kilay.

"Problema ko pa yan? Kung hindi mo alam search mo sa google or youtube." Sabi ko sabay irap.

"Hihihi okay lang yan Aisha may washing machine naman sila, yan na lang gamitin natin para mas mapadali ang paglalaba natin." Sabi ni Sienna tinignan ko siya.

"At sinong nagsabi sa inyo na gagamitin niyo yang washing machine ah? May kamay kayo kaya gamitin niyo yan."

Gulat na gulat sila sa sinabi ko habang nakangisi lang ako sa kanila, natutuwa talaga ako sa mga nakikita kong expression sa mga pagmumukha nila.

"Pero hindi kami sanay maglaba sa bahay namin, may mga katulong kami para labhan ang mga damit namin!" Naiinis na sabi ni Remy.

"Wala akong pakiilam." Pambabara ko sa kanya.

"Nakakainis sa gwapo kong 'to uutusan lang ako maglaba! Tangina hustisya naman sakin na gwapo." Inis na bulong ni Magnus.

Napairap ako dahil sa kayabangan niya.

"Buti nga kunti lang ang labahan niyo eh, dahil ang ibang katulong tapos ng labhan ang mga damit nila. Sige na maglaba na kayo, go, start na!" Sabi ko sabay palakpak tanda na pinpakilos ko na sila.

"Fuck! Are you ordering us!?" Galit na sabi ni Legend.

Nginitian ko siya ng matamis yung tipong pati ang mga langgam lalapit sakin dahil sa sobrang tamis ng ngiti ko.

THE QUEEN OF BITCH: Anghel Sy Tough[UNDER REVISIONS]Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα