Chapter Ten.

437 71 15
                                    

Anghel Pov.

Pagpasok namin nila Sienna at Aisha sa classroom agad akong pumunta sa upuan ko, nadaanan ko pa si Harry na may blackeye ang mata.

Katabi niya ang lalaking paepal na si Laureen. Yeah. Alam ko na ang pangalan ng dalawa na yan, nasabi sakin kanina ni Aisha.

Kaibigan rin daw nila sila Harry at Laureen. Huminto ako sa tapat nila.

"Ano mangingiilam ka na naman sa pag upo ko?" Mataray na sabi ko sa kanya.

"Hindi. Bahala ka sa buhay mo, si Mr. Foresteist na ang bahala sayo magpaalis." Sabi niya.

"Good. Naninigurado lang ako na hindi ka na mangingiilam." Nakangisi kong sabi sa kanya.

"Psh. Alis na hoy, dami pa sinasabi." Taboy sakin ni Paepal.

Tinaasan ko siya ng kilay.

"Paepal yarn?" Pang aasar ko sa kanya, at mukhang napikon na naman ito.

Pikonin.

Inirapan ko siya at umupo na.

Nilagay ko ang dalawang headset ko sa tainga at pumikit. Pinapakinggan ko ngayon ang song ni Avril Lavigne na 'Im with you'.

Paborito ko 'tong kanta kapag mabigat ang loob ko, pinapatugtug ko ito pagkatapos nun gumagaan na ang pakiramdam ko.

How i wish ikaw na lang ang namatay hindi si Angelica.

Napadilat ako ng maalala ko ang sinabi ni Legend sakin kanina.

Tangina. Bakit ang bigat bigat sa pakiramdam ng sinabi niya? Lahat na lang si Angelica ang hinahanap.

Simula ng bumalik ako wala akong ibang naririnig kundi ang pagkukumpara nila sakin sa kakambal ko. Napangiti ako ng mapait.

Maraming nagmamahal kay Angelica samantalang sila lola at Angelica lang ang nagmamahal sakin. Tapos pareho pa silang nawala sakin. Kapag nga ata mamatay ako walang iiyak para sakin.

Nasa chorus na ang kanta ni Avril lavigne kaya sinabayan ko ito.

"It's a damn cold night, i'm trying to figure out this life. Won't you, take me by the hand take me somewhere new. I don't know who you are, but im, im with you. Im with you."

Napatigil ako sa pagkanta ng my malakas na humablot ng headset ko, ng tignan ko ito si, Legend.

Masama ang tingin niya sa akin pero may kung ano akong nakita sa mga mata niya, na dumaan pero hindi ko kaagad yun napangalanan dahil agad din iyon nawala.

Alam kong mangyayari ito kaya nginitian ko siya ng matamis.

"Oh. Hello Asial, kanina pa talaga kita hinihintay. Halika, umupo ka dito magkwentuhan tayong dalawa. Nabitin kasi ako sa kwentuhan natin kanina." Nakangiti kong sabi sa kanya at inurong palapit sakin ang isang upuan.

THE QUEEN OF BITCH: Anghel Sy Tough[UNDER REVISIONS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon