Chapter Thirty Six.

682 52 55
                                    

*MONDAY*

Author's Pov.

Tumatagundong ang lakas ng hiyawan ng mga studyante sa function hall dahil sa pag kanta ng Section G-Emerald. Proud na proud naman si Mrs. Daisyre Labang dahil sa mga sumasayaw na studyante niya.

Habang kinakabahan naman si Mrs. Marlyn Yburan dahil ang sunod na tatawagin ay ang section class niya. Alam niyang hindi talaga sumali ang studyante niya sa contest na 'to. Dahil wala siyang nakitang paghahanda sa mga ito.

Hindi naman siya galit sa mga studyante niya, pero hindi niya lang maiwasan ang malungkot dahil hindi kasali ang section niya sa contest.

"Ma'am Yburan. Hindi ba kasali ang section mo sa contest?" Tanong sa kanya ni Mrs. Labang halata ang pang aasar sa tono nito.

Hindi niya alam kung bakit tila mainit ang ibang teachers sa kanya. Samantalang wala naman siyang ginagawa ditong masama.

Hindi siya nagsalita at tipid lang na ngumiti dito.

Samantalang nasa likod naman ng backstage ang kasali sa contest na section A-Mercury. Naghahanda na ang mga ito dahil kunting oras na lamang sila ang sasalang.

Nire-retouch naman ni Mayume si Amber dahil ito ang unang sasalang sa stage. Sobrang kinakabahan si Amber dahil first time niya lang kakanta sa harap ng maraming tao.

"Kumalma ka nga lang jan Amber! Para kang matatae na ewan eh! Relax okay? Maganda ka today, hindi ka nerd tignan kaya dapat kapag sumabak ka sa stage malakas ang self confidence mo. At higit sa lahat cheer up ipakita mo 'tong ganda mo." Sabi sa kanya ni Miyume.

Hindi niya maitatago na ibang ibang nga ang mukha niya ngayon. Magaling mag make'up si Miyume katulad ng sinabi ni Anghel sa kanya simple lang pero may dating.

Hindi niya alam pero parang alam na alam ni Anghel na magaling mag make'up si Miyume.

Isa pa sa kinakahanga niya kinulot ni Miyume ang mahaba niyang buhok sa dulo, at may sinabit pa itong ibat ibang kulay na buhok sa ibang parte ng buhok niya.

Pati si Ellen maganda rin pumili ng damit na susuotin niya. Naka tube dress siya na kulay white na pinatongan ng black jacket na may kunting balahibo, at naka boots siya ng hindi kahabaan kulay white rin ito. Para siyang naka korean outfit.

Nakita nya si Anghel na busy'ng busy kanila Aisha tingin niya may sinasabi siya dito dahil tumatango ang tatlong kasama ni Aisha.

Hindi niya maiwasan ang ngumiti kung mayron man siyang iniidolo sa classmates niya yun ay si Anghel Sy Tough yun.

Kahit na sobrang maldita ito pero alam niyang mabait itong tao at may malasakit sa nakapaligid niya, kahit ba hindi niya yun bulgaran na pinapakita.

Pagmamalasakit niya palang sa section na 'to. Kay Carl, na binugbug ng section G na tinulungan niya. At pati kay Ma'am na tinulungan niya sa section na 'to. Ito palang makikita mona kung ano talagang tao si Anghel.

Magaling rin itong maging class president nakakaya niyang pasununrin ang mga classmates namin gamit ang pagmamaldita niya.

The queen of bitch nga siya.

Minsan na niyang naging classmate ang kakambal nito na si Angelica. Sure. Magkamukhang magkamukha nga ang dalawa, pero kapag nakita mo ang ugali ni Anghel malalaman mo talaga ang pagkakaiba nilang dalawa.

THE QUEEN OF BITCH: Anghel Sy Tough[UNDER REVISIONS]Where stories live. Discover now