Chapter Thirty Nine.

35 4 0
                                    

Anghel Pov.

Nagulat ako ng pagpasok ko sa bahay ay bumungad sakin sila mommy and daddy na pumapalakpak.

Umakbay si daddy kay mommy habang nilagay naman ni mommy ang isa niyang kamay sa baywang ni daddy. Kumunot ang noo ko dahil sa pagtataka.

May himala ba at hindi nila kasama ngayon ang mga kalandian nila?

"Congrats anak ang galing mong sumayaw at kumanta." Sabi ni daddy na nakangiti.

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi ni daddy.

"Nandoon kayo?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

Nakangiting tumango si mommy at lumapit sakin. Nagulat pa ako ng bigla niya akong niyakap, parang gusto ko tuloy maiyak dahil sa pagkakayakap niya sakin.

Yung yakap niya kasi ngayon ibang iba. Yun bang yakap ng isang ina? Ganito pala ang pakiramdam ng yakap ng isang ina.

"Tinawagan kasi kami ng mga kaibigan mo sabi nila kasali ka daw na mag pe-perform sa school niyo, medyo na late pa nga kami ng dating." Nakangiting sabi ni daddy.

"Bakit hindi ko kayo nakita sa school?" Tanong ko.

Umalis sa pagkakayakap sakin si mommy at lumapit siya kay daddy kaya inakbayan na naman siya nito.

Naninibago talaga ako sa kanila ngayon para silang ibang tao, hindi kaya kinuha ng mga alliens ang totoo kong parents at dinala ito sa planeta nila? Tapos pinalitan lang nila ang parents ko na kamukha nila.

Joke yan Anghel? Seriously kailan ka pa naniwala sa mga alliens? Tatawa na ba ako. Singit ng isip ko.

"Umalis rin kami pagkatapos niyong mag perform, naisip kasi namin baka hindi ka matuwa na nandoon kami." Sagot ni mommy sa tanong ko.

Hindi ko napigilan ang sarili ko na taasan sila ng kilay, sa unang pagkakataon maayos ang usapan namin ngayo. Usually kasi mag uusap kaming tatlo laging pang iinsulto ang sinasabi ko sa kanila dahil sa mga kalandian nila.

Hindi ba pwedeng maging masaya kana lang Anghel dahil mukhang okay ngayon ang parents mo, kaysa nagrereklamo ka pa?  Singit na naman ng magaling kong isip!

Bakit ba ang hilig mong mangiilam? Kinakausap ba kita!? Mind on your business!

Duh! Kung pwede lang huwag kitang kausapin gagawin ko, but i no have choice iisa lang tayo sa kamalas malasan.

Naimagine ko pa ang pag irap sakin ng mahadera kong isip. Akala mo kung sinong totoo eh, hmp.

"Naisip niyo yan pero hindi niyo naisip yan bago kayo pumunta sa school para panuorin ang performance ko." Sabi ko sa kanila sabay irap.

Hindi nila pinansin ang pagtataray ko dahil tumawa lang sila. May nakakatawa ba sa sinabi ko?

"Minsan lang namin makita kang mag perform anak, kaya ng malaman namin ng daddy mo na kasali ka sa mag pe-perform sa school niyo, hindi na kami nagdalawang isip na pumunta sa school mo." Nakangiting sabi ni mommy.

May kung anong humaplos sa puso ko sa sinabi niya pero ang mas nagpahaplos talaga sa puso ko, yung tinawag ako ni mommy na 'anak'.

Simula ng dumating ako dito sa bahay ngayon ko lang narinig sa kanya ang pagtawag niya sakin na anak.

"Anyway nagluto ang mommy mo ng mga paborito mong ulam. Icelebrate natin ang pagsali mo sa activities ng school mo, anak." Nakangiting sabi ni daddy.

Araw araw akong nilulutuan ni mommy ng mga paborito kong ulam, pero araw araw ko rin itong tinatanggihan dahil ayaw kong kainin ang mga niluluto niya.

Pero iba ngayon, feeling ko talaga isa kaming normal na magpamilya ngayon. Matagal ko itong pinangarap pero hindi ko alam na ngayon na pala matutupad ang hiling ko.

Sana ganito na lang palagi.

Tumingin ako kay mommy bakas sa mukha niya ang pag aalinlangan na baka tanggihan ko na naman ang mga pagkain na niluluto niya.

"Masarap ba 'yan mga niluto mo?" Nakangiti kong tanong sa kanya.

Napangiti siya sa sinabi ko at para bang nakahinga siya ng maluwang.

"Oo naman masarap kaya akong magluto." Proud niyang sabi.

"Well, let's see mom."

Pumunta na kami sa kusina napangiti ako ng makita ko na halos lahat nga ng paborito kong ulam ang nakahain sa lamesa.

"Wow ang bango naman nitong mga niluto mo, baby." Sabi ni daddy kay mommy.

"I know, osya kumain na tayo."

Na touch ako ng lagyan ni daddy ang pinggan ko ng mga pagkain.

"Kumain ka ng marami anak." Sabi ni daddy.

Pinunasan ko ang tumulong luha sa pisngi ko baka mapansin pa nilang umiiyak ako. Nakakahiya.

Sa buong buhay ko ngayon lang ako umiyak sa saya na nararamdaman ko, yun bang tinatawag nilang 'tears of joy.'

"Oh eto, gulay. Kumain ka niyan para maging healthy ka at hindi ka dapuan agad ng sakit." Sabi naman ni mommy at nilagyan niya ang pinggan ko ng pakbet.

"Thank you mommy and daddy." Sincere at nakangiti kong sabi sa kanila.

Nakangiti lang silang tumango sakin at nagsimula na silang kumain at ganun rin ang ginawa ko.

"Hmm..." Huni ko ng matikman ko ang niluto ni mommy na sinigang sa baboy. Feeling ko mas lalo akong nagutom sa sarap ng luto ni momy, hindi ko pa napigilan ang sarili ko na mapatango.

"Wow mommy ang sarap ng luto mo, your the best." Nakangiti kong sabi at nag thumbs up pa sa kanya at saka ako sunod sunod na sumubo ng kanin.

"Hey princess hinay hinay lang sa pagkain hindi ka mauubusan." Natatawang sabi ni daddy na ikinatawa rin ni mommy.

Nakangiti lang akong tumingin sa kanila at saka ulit ako nag fucos sa pagkain. And yeah, hindi ko na din kinorek pa si Daddy sa tawag niya sa'kin.

Kasi mukhang mayro'n nang magiging queen sa bahay na 'to and I like it, no, I love it.

***

Ilan chapters na lang magpapaalam na satin si Anghel:)

Please don't forget to votes and  comments=)

THE QUEEN OF BITCH: Anghel Sy Tough[UNDER REVISIONS]Where stories live. Discover now