Chapter Twenty Seven.

357 40 2
                                    

Magnus Kaltex Pov.

"Hmm... Ang sarap magluto ng chief niyo Lodi." Sabi ni Laureen at sunod sunod ang pagsubo.

Malamang pareho namin gutom na gutom na rin siya. Sinong nagsabi na madali lang mag igib? Napakahirap... Ilang beses pa akong natumba kakabuhat ng timba kaya talagang nakakagutom.

Grabi naman kasi tong si Anghel hindi ko alam kung ano pumasok sa utak nito at kami ang inutusan niyang maglaba. Feeling ko nabawasan ka-gwapuhan ko eh, kakaiba talaga itong kakambal ni Angelica.

"Idiot ako ang nagluto ng kinakain natin ngayon." Balewalang sagot ni Anghel hindi ko nahimigan sa boses niya ang pagyayabang.

"Wow Anghel kailan ka pa natutong magluto?" Manghang tanong ni Aisha.

Nakita ko pang sinubuan siya ni Vance kadiri ang lalaki na 'to masyadong sweet sa girlfriend niya hindi lang yun UNDER pa!

"Since nasa puder ako ni lola tinuruan niya ako magluto, maglinis, maglaba at kung ano ano pang gawaing bahay." Sagot ni Anghel.

"Ang swerte ng magiging asawa mo Anghel marami kang alam na gawaing bahay." Puri ni Harry.

Hindi na nagsalita si Anghel dahil nagkibit'balikat na lang ito. Pansin ko sa kanya hindi siya masyadong palasalita, tapos masyado pang maldita.

Hindi na ako magtataka kung bakit maraming nakakaaway ang babae na 'to.

Sa totoo lang hindi ako nakakaramdam ng inis sa kanya humahanga pa nga ako sa tibay ng loob niya, lalo na nung unang araw ko siyang makita na pinigilan niya kami sa pakikipag away.

Saan ka nakakita ng babaeng hahawak ng baril sa loob ng school at magpapaputok? Hindi lang yun ang lakas pa ng loob niya kunin sa security guard ang baril.

"Swerte talaga ako kay Anghel, aalagaan ko naman siya kapag naging asawa ko na siya."

*Cough Cough Cough*

Agad inabutan ng tubig ni Sienna si Anghel ng mabilaukan ito, pagkatapos hinimas himas pa ang likod niya.

Samantalang kami nakatingin kay Laureen na ngiting ngiting kumakain, ng mapansin niyang nakatingin kami sa kanya tumigil siya pagkain.

"What? Kung makatingin kayo parang my mali akong nasabi ah." Sabi niya.

Gago ba siya? Hindi ba siya aware na masyadong big deal samin ang sinabi niya. Balak niya bang pakasalan si Anghel? Lalaki ako kaya alam ko na may gusto si Laureen kay Anghel, at dahil nga lalaki ako alam ko rin na may nararamdaman rin si Legend kay Anghel. Kaso hindi ko lang maintindihan kung bakit hindi niya ito maipakita sa dalaga.

Obvious na obvious naman na gusto nila ang isat isa. Mali. MAHAL nila ang isat isa, kahit hindi sila magsalita halata na sa galawan nila at mga mata. Tapos ang isa na 'to balak pang makisabit? Malaking gulo 'to pag nagkataon.

"Hoy paepal gusto mong umuwi sa inyo na putol ang dila mo ah!? Anong sinasabi mong magiging asawa mo ako!" Sabi ni Anghel na namula ang pisngi.

"Bakit? Liligawan kita pagkatapos kapag naging tayo iingatan kita, at kapag natupad na natin ang mga pangarap natin papakasalan kita." Sincere na sabi ni Laureen.

"T-tumigil ka nga jan paepal bawiin mo yang sinabi mo nagbibiro ka lang diba!?"

Biglang sumeryoso ang mukha ni Laureen dahil sa sinabi ni Anghel.

"Hindi ko babawiin ang sinabi ko Anghel seryoso ako sa mga sinabi ko, liligawan kita and someday papakasalan kita." Seryosong sabi ni Laureen.

Napailing ako malaking problema ito ngayon palang nakikita ko na kung ano ang mangyayari.

THE QUEEN OF BITCH: Anghel Sy Tough[UNDER REVISIONS]Where stories live. Discover now