Chapter Twenty Three.

349 45 0
                                    

Dedicated to AyeshaBallesca
=====

Aisha Pov.

"Ugh! Ang boring!" Sabi ko sabay bato ng librong binabasa ko.

Sabado kasi ngayon kaya wala akong magawa!

Napatingin ako sa mga pictures namin nila kuya Dash, Anghel, at Angelica mga bata pa kami sa picture na to. Nakaakbay si kuya Dash kay Anghel at nakangisi habang nakatingin naman sa kanya si Anghel na nakangiti.

Mga bata palang kami mag be-bestfriends na kami kaso nagbago ang lahat ng kunin ng lola nila si Anghel at dalhin sa batanggas, nagbago rin si kuya simula ng may sabihin sa kanya si Anghel kaya nga ngayon na nagbalik na dito si Anghel hindi ko alam kung anong mangyayari sa kanilang dalawa.

Kahit matagal na kaming hindi nagkita ni Anghel, kahit na pinutol niya ang communication niya samin ng mag punta siya sa batanggas. Tinututing ko parin siyang bestfriend kahit na nga sobra siyang ilag samin at ayaw niyang makipagkaibigan samin ni Sienna.

Napangiti ako ng may sumagi sa isip ko na magandang idea.

Alam kona pupuntahin ko siya sa bahay nila katulad ng ginagawa ko dati noong mga maliliit pa kami.

Bumangon ako at pumunta sa banyo para maligo pagkatapos kong maligo at magbihis bumaba ako. Pagbaba ko pa lang sa hagdan rinig na rinig ko na ang mga boses ng kaibigan ni kuya.

"Grabi manang Lily ang sarap niyo po talagang magluto the best ka talaga." Napairap ako dahil sa narinig kong sabi ni Laureen.

Kahit kailan talaga masyadong sipsip ang lalaki na 'to!

Paano? Sempre ang niluto lang naman ni manang Lily ay fried rice, bacon, hotdog at ham. So saan jan ang masarap na niluto ni manang kung prinito lang naman ang niluto niya. Kahit ako kaya kong pritohin yan, no!

"Yang pagiging sipsip mo talaga Laureen overloaded." Mataray na sabi ko sa kanya at lumapit kay kuya kiniss ko siya sa pisngi.

"Goodmorning kuya." Pagbati ko sa kanya sabay tabi sa upuan niya.

Wala sila mommy and daddy nasa canada para sa bussiness meeting. Kahit naman may work ang parents namin hindi parin sila nagkukulang sa oras para samin ni kuya.

Ayaw kasi nilang lumayo ang loob ng mga anak nila dahil wala na silang time para samin, tuwing sabado at linggo family bonding namin yan. Except nalang kapag may bussiness meeting sila sa ibang bansa na bihira lang mangyari.

Sabi pa ni mommy hindi mabibili ng pera o ng kahit ano pang yaman ang masayang pamilya. Kahit marami kang pera kung hindi naman kayo masaya ng pamiya mo, balewala rin yan kaya dapat mahalin mo at alagaan ang pamilyang binuo mo.

"Morning." Tipid na sagot niya.

Nagkibit balikat na lang ako sa sagot ni kuya. Mahal ang bawat salita niya.

"Kinakausap ka ba? Papansin." Sagot ni Laureen na ikinatawa naman ni manang Lily tinignan ko siya ng masama.

"Umayos ka ng sagot Laureen ah, kung ayaw mong makakita ng lumilipad na kutsilyo papunta sayo." Sumimangot siya at hindi na nagsalita pa.

THE QUEEN OF BITCH: Anghel Sy Tough[UNDER REVISIONS]Место, где живут истории. Откройте их для себя