Chapter Twenty Two.

377 48 4
                                    

Anghel Pov.

"Tumayo ang lahat ng napili dito maging officers." Sabi ni Ma'am.

Hanggang ngayon hindi parin ako maka get'over na ako ang napili nilang PRESIDENT! Fuckshit! I know gusto niyong malaman kung sino ang mga napiling mga officers at dahil tinatamad akong magpaliwanag heto basahin niyo.

President:Anghel Sy Tough.
vice-president: Dash Legend Foresteist.
Treasurer:Aisha Foresteist.
Peace'Officer:Sienna Willow.
Sgt&Arms:Harry Burns and Laureen Green.
Muse: Amber Fletcher.
Escort: Remy Boone.

Kung my mga katanungan kayo sa baranggay na kayo magpunta at magtanong. Char! Nag jo-joke lang ako tawa kayo dali. Hahaha*Insert sarcasm here.*

So. Ayan nga sila ang mga napiling officers and obviously kasama ko sila ngayon tumayo dito sa harapan. Kung bakit, paano, ano nangyari, hindi ko alam sa kanila basta ang dalawang magkaibigang gorilya ang laging nagtataas ng kamay.

Except lang sa muse kasi nagtaas ng kamay si Miyume para inominate ang sarili niya, sinabihan ko pa nga siya ang kapal ng mukha niya at feeling maganda kaya ayown nagkasagutan mona kami bago ko sinulat ang pangalan niya sa blackboard.

Sempre ang nilaban ko sa kanya si Amber, yes. Si Amber na nerd dito sa room namin, nag iisa lang siya wala siyang katulad.

Si Amber na weak na tinulungan ko sa canteen, si Amber na nagsabi sakin kung sino ang nagsabit ng taurpaulin, si Amber na tatanga tangang nakabangga ko sa first day of school ko. Tanda niyo yung babaeng tinarayan ko tapos paiyak na?

Nakakahighblood ang ganun, no? Yung tipong wala kapa ngang ginagawa sa kanya tapos siya paiyak na nakakawalang gana ibaon sa lupa.

Paano nanalo si Amber sa muse kung siya ang pinaka nerd dito sa room? Simple lang ginawa kong pain si Laureen sabi ko kung sino ang boboto kay Amber bilang muse my libre silang kiss kay Laureen.

Sempre yung mga malalandi kong classmates na babae nagtaasan ng kamay but wait... Except lang sila Aisha, Sienna at nerd. Gash! Alangan naman lumandi pa si Amber diba, ganda siya?

Hindi ako nanglalait ah, nagsasabi lang ako ng totoo at mas lalong hindi ako laitera maldita lang ako pero hindi ako laitera. Pero kung tutuusin talaga hindi bagay maging muse si nerd mas papasa siyang janitor sa school na to. Choss.

So ayown nagtaasan nga ng kamay ang mga malalandi pero sa boys sila Harry, Laureen, Magnus, Vance, Remmy at Legend na napilitan pang itaas ang kamay niya plus sila Aisha, Sienna at sempre nagtaas si me, myself and i.

O-ha. Panalo ang manok ko mamaya nga papakainin ko siya ng imported na pagkain ng manok. JOKE LANG ULIT haha.

Kahit naman hindi siya mukhang tao este maganda atleast panalo siya bilang muse, kaya dapat lang magpasalamat siya sakin dahil nagmumukha siyang maganda hahaha.

At yung binoto na Escort ay si Remy. Well, sinabihan ko talaga si Harry na inominate siya palihim nga lang, wala lang bigla lang pumasok sa isip ko na siya ang gawin kong escort.

Kasi one time nakita ko silang dalawa ni Amber papunta sa likod ng school nakapagtataka nga eh, kapag nasa public sila hindi sila nagpapansinan at parang hindi sila magkakilala.

Pero nung makita ko sila papuntang likod ng school close na close sila at para bang matagal na silang magkakilala.

Syaka hindi naman siya umangal ng siya ang ginawa naming escort para ngang okay lang sa kanya iyon at natutuwa pa siya.

Hindi ko na pahahabain pa basta siya ang nanalo kaya sharan! Ang muse and escort namin ay sila.

Pagkatapos ni Ma'am sabihin sa amin ang mga dapat naming gawin at obligasyon ay nag paalam na ito dahil time na.

Breaktime na rin namin nagyaya si Aisha na doon na daw kami sa garden kumain hindi na rin ako tumanggi dahil mas gusto ko doon kaysa sa canteen na parang palengke sa sobrang ingay.

Lalabas na sana kami ng room ng harangan kami ni Miyume masama ang tingin nito sa akin kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Lumayas ka jan kung ayaw mong sipain kita, pinaglihi ako ni Mommy sa kabayo kaya naninipa ako." Sabi ko.

"Iniinsulto mo ba ako? Bakit si Amber ang ginawa niyong muse hindi naman siya maganda ang pangit pangit niya!" Galit na sabi niya.

I rolled my eyes to her.

Kaya niya ba kami hinarangan dahil lang dito? Nonesense!

"Sige sabihin na natin na pangit siya bakit ikaw, GANDA KA TE? Makapanglait ka sa kanya akala mo kung sino kang maganda. Syaka anong pinagsasabi mo na iniinsulto kita? Why? Dahil ba mas pinili kong maging muse si Amber kaysa sayo? Huwag kang assuming Miyume wala kang ganda. Sure. Maputi ka at hanggang doon na lang yun, kumpara naman sayo MAS MAGANDA PA SIYA KAYSA SAYO kaya huwag ka ng magtaka kung bakit siya ang PINILI KO BILANG MUSE. Tabi! Dadaan ang QUEEN." Sabi ko sabay tulak sa kanya.

Naiwan si Miyume na nanggagalaiti sa galit tumabi sa akin si Laureen at inakbayan ako. Pero bago ko pa siya masiko may humila na sa kanya, ng lingonin ko kung sino ito si Legend masama ang timpla ng mukha nito at madilim ang mukha niya.

Ano na naman kaya problema ng lalaki na to?

***

THE QUEEN OF BITCH: Anghel Sy Tough[UNDER REVISIONS]Where stories live. Discover now