Chapter Seven.

492 70 17
                                    

Anghel Pov.

"Ang harsh nun ah. Grabi talaga si Dash kung magsalita wala siyang pakiilam sa nararamdaman ng ibang tao, kung masasaktan niya ba ito o hindi sa mga sinasabi nya." Tinignan ko ang katabi ni Aisha umiiling pa ito.

Nang ma-gets ko ang tinutukoy niya tinaasan ko siya ng kilay at tinignan siya ng masama.

"Excuse me? Hindi ako nasaktan sa sinabi niya 'no. Bakit ako masasaktan sa sinabi niya, hindi ko naman talaga siya mahal." Mataray kong sabi.

"Talaga ba? Obvious kaya sa mga mata mo kanina."

"Shut up, bitch." Madiin kong sabi sa kanya na my pagbabanta.

Tinapik ako sa balikat ni Aisha.

"Sabi nila ang taong nasasaktan dinadaan daw sa pagmamaldita, para daw matago ang sakit na nararamdaman nila." Sabi ni Aisha sabay smirk.

Naiinis ako sa pagmumukha niya lalo na sa smirk niya sa akin. Alam ko naman na may double meaning siya doon eh! Alam niya kasi ang nangyari noon sa amin ni Dash actually nila ni Angelica.

"Tangina mo." Inis kong mura sa kanya.

"Woah! Gravity talaga ang bunganga mo Anghel hindi bagay sa pangalan mo." Segunda naman ng katabi ni Aisha.

Hahablutin ko sana ang buhok niya ng magtago siya sa likod ni Aisha na nakangisi parin sakin.

"Hayaan mo na siya Sienna ganyan na talaga noon pa ang ugali niya, mas lumala nga lang. Bagay talaga kayo ni kuya Dash magsama." Sabi ni Aisha na may himig na pang aasar.

"Gago! Piste ka!" Tinawanan niya lang ako kaya mas lalo akong nakaramdam ng pagkainis sa kanya.

"Anyway anong section ka ba?" Tanong sakin ni Sienna.

"Section Mercury." Sagot ko. Namilog ang dalawang mata niya.

"Waahhh.. Classmate ka namin mabuti pa sumabay kana samin." Nakangiting sabi ni Sienna sabay hawak sa braso ko pero naiirita kong tinanggal ang kamay niya.

Hindi ako sanay may humahawak sakin lalo na hindi naman kami close, wala akong kaibigan sa school na pinapasukan ko sa batanggas. Kaaway marami. Kaya naiilang ako sa pagiging clingy niya.

"Hmp. Sungit." Sabi niya at kay Aisha na lang siya humawak sa braso, inirapan ko sya.

"Maldita ako pakiilam mo ba." Sabi ko.

Nakarating kami sa classroom namin, sa second floor ang room ng mercury. Pagpasok namin sa room binabati sila Aisha at Sienna ng mga classmates namin yung iba tinatanong sila kung bakit ako kamukha ni Angelica.

THE QUEEN OF BITCH: Anghel Sy Tough[UNDER REVISIONS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon